Chapter 7

223 13 0
                                    

Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

Maine's POV:

*SWOOOOOSHHHHHH!!!*

Mabilis ang pagkaripas ng bawat kotseng minamaneho ng babae at ni Alden. Talagang desidido silang manalo sa bawat isa. Habang ako naman dito ay tarantang-tarantang sinusundan ang kinaroroonan ni Alden. Mapilit 'tong alaga ako kung kaya't hindi ko din magawang awatin.

Nang malapit na nilang matunton ang finish line ay nakita kong bumagal ang pagmamaneho ng kalaban ni Alden. Maya-maya lang ay naputol na ang tali sa finish line. Mabuti na lang at walang napahamak sa kanilang dalawa. Mukhang pareho silang bihasa sa ginawa nilang pakikipag-karera.

Nasaksihan ng mga tao ang pagkapanalo ni Alden. Pagbaba nilang dalawa mula sa kani-kanilang kotse ay agad silang naglapit at nagkamayan. Walang personalan, sports lang ika nga.

"I told you, you can never beat me." Pagyayabang ni Alden. Pareho na nilang tinanggal ang helmet na nasa ulo nila.

"You're wrong!" asik naman 'nung babae pero hindi naman siya mukhang galit. "Sinadya ko talaga 'yun.."

"Ha? What do you mean?" tanong ni Alden.

Lumapit ang babae kay Alden at may binulong sa tenga nito. "Because I want to fuck you." Ayon May kasamang panunukso ang kanyang boses.

Dumating naman si Frankie upang i-congratulate si Alden. "Pre, ang galing mo talaga! Ayos!"

Ngunit tila hindi siya pinansin ng dalawa. Nagkatitigan si Alden at ang babaeng iyon pagkatapos tumango sa isa't-isa. Mukhang nagkakaintindihan talaga sila gamit ang kanilang mata kahit hindi nag-uusap.

"Let's go!?" pag-yaya ni Alden.

"NO! DON'T DO THAT! MASAMA 'YAN!" pag-aawat ko kay Alden. Nasa likod niya and obvioisl, binubulungan ko na naman siya na wag gumawa ng mali.

Marahan niyang inunat ang kanang kamay niya, dahilan upang matamaan niya ang mukha ko. Inakbayan niya ang babae pagkatapos.

"Aray ko Masakit!" inis kong sabi. "Wag mo na kasing gawin 'yan Alden"

Gusto kong magmakaawa sa kanya pero bingi siya sa kanyang naririnig. I'm sure na naririnig niya ko, hinahayaan niya lang siguro dahil baka mapagkamalan pa siyang balwi.

"LET'S GO!" pagpapaunlak naman 'nung babae. Sabay silang umalis at nilakbay ang condo ni Alden gamit ang kotse ni Alden habang 'yung kotse 'nung babae ay hinayaan niya lang sa isang tabi. Wow! Iba talaga 'pag rich kid. Rich kid nga ba o maluho lang?

***

Bumalik ako sa heaven na sobrang dismayado. Hindi ko man lang nakontrol si Alden na pigilan siya sa mga dapat niyang gawin. Una yung pakikipagpustahan niya. Pangalawa 'yung pakikipag-flirt niya na naman dun sa babae. Hindi na muna ako sumama upang mapanood ang gagawin ni Alden dahil alam ko namang rated SPG 'yun katulad 'nung mga unang beses na nasubaybayan ko siya.

"HUYYY MAINE!"

"AYYY PALAKAAA!"

Nagulat ako nang bigla na lang tumambad sa harap ko si Dyosa Nidora. In fairness ang outfit niya ngayon, kabog! Naka-all white siya na long gown with full pack make up. Saan kaya pupunta si Dyosa Nidora?

"Anong problema mo iha? Napapansin kong may malalim ka na naman iniisip." Pag-aalala sakin ni Dyosa Nidora. Hindi ako sumagot pero well, meron nga.

"Dyosa.." sa tinig ko na parang nawawalan ng pag-asa. "Sa tingin mob a may pag-asa pa bang tumino si Alden?"

"Aba! Syempre naman. Lahat ng tao may chance magbago. Lahat ng tao hangga't nabubuhay, nagbabago ayun sa kagustuhan nito." Paliwanag ni Dyosa Nidora.

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon