Chapter 10

213 15 8
                                    

Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

Alden's POV:

"Good morning iho!" bugad sakin ni Lola Tinidora. Mukhang goodvibes na goodvibes ang lola ahh!?

"Good morning lola." Bati ko sa kanya sabay yakap. Natagpuan kong naghahain si lola sa kusina. Ang nakapagtataka ay mukhang marami-rami yata ang inihain niya ngayon para sa breakfast. May mga bisita kaya siya?

"Lola, may bisita po ba kayo? Bakit ang dami naman yata niyan?" pagtataka ko.

"Wala lang. Gusto ko lang maghanda ngayon at maging masaya. May ballroom kami mamaya ng mga amiga ko at excited na excited na nga ako!" tuwang-tuwang sabi ni Lola Tinidora. "Samahan mo kaya ako 'dun Alden? Ano sa palagay mo? O kaya ikaw na lang partner ko?"

Naku! Heto na naman si Lola Tinidora, umiiral na naman ang pagiging isip-bata. Ayoko ngang maging ka-partner siya sa ballroom na 'yan! Wala akong kahilig-hilig diyan. Ang boring 'nun! Ayoko nang ganun! Walang thrill. Walang challenge. Buti pa sana kung chicks 'yung ka-partner ko e hindi naman.

"Naku 'la.. Marami pa kong gagawin sa trabaho." Pagdadahilan ko.

"Pero gabi pa naman 'yun Alden, iho pagbigyan mo na ko." Lumapit sakin si Lola Tinidora at hinawakan ang aking braso. Nag-puppy eyes pa siya sa'kin. Pero sorry na lang siya, ayoko talaga. As in never in my life! Ballroom? Ehhk!? Yuck!

"Ikaw na lang lola. Gusto mo magsama ka ng iba. Isama mo si Inday, 'yung katu-katulong natin dito sa mansyon. Tsaka may mga amiga ka naman dun diba? Syempre moment nyo iyon. Ayaw niyo ba silang makasama ng matagal?" pang-uuto ko. Sana naman 'wag na niya kong kulitin. Matigas pa naman ang bunbunan 'nun ni Lola Tinidora paminsan-minsan. Ang kulit eh!

"Kung sabagay, may point ka. Atleast I can spend more time to talk with my amiga's." wika ni Lola Tinidora na mukhang napaisip na tama ang sinabi ko. "Pero siguro isasama ko na lang si Maine mamayang gabi kung ayaw mong sumama."

"Maine? Who's Maine? Sounds familiar." Pakiwari ko sa sarili.

Nang maiayos na ni Lola Tinidora ang mga nakahain sa mesa sa tulong ng aming dalawang maids ay mabilis itong naglakad patungo sa Alden. Binalingan muna niya ko bago siya umalis. "You just wait for us Alden. Ipakikilala kita sa kanya. Kay Maine."

Umupo ako sa mahabang table sa kusina at kinuha ko ang Manila Bulletin na diyaryo na nakapatong doon. I just want to check the latest headline for today. As usual puro mga usapang politika lang naman. Malapit na pala ang eleksyon. Hindi ko alam kung sinong iboboto ko sa mga tatakbong presidente.. Ang hirap mamili, or mas dapat sabihin na, wala akong mapili. Yes that's right! Puro mga walang kwenta ang mga tumatakbo. Walang matino. Lahat mukhang mga kurakot. Lahat mukhang sa umpisa lang magaling. Puro salita, wala naman sa gawa. But I'm still hoping for the betterment of the Philippines. Kaya lang naisip ko na rin minsan, sapat ba ang anim na taong panunungkulan ng president para mapabuti ang kinalalagyan n gating bansa? Because I guess, 6 years were not enough. Dude! Ang hirap kayang mamalakad ng bansa.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang dumating si Lola Nidora. I'm ignoring them since I'm busy eating a slice of bread with hotdog, while continue reading the headlines on the newspaper. Naroon pa nga ang usaping kurapsyon na hindi na naalis-alis sa bansa. Pati na rin ang malaking tax na binabayaran ng mga OFW's sa tuwing magpapadala sila ng box na may kung ano-anong gamit para sa mga mahal nila sa buhay dito sa Pilipinas. At ang masaklap pa dito ay binubuksan lang ng mga customs at babawasan ang laman o di kaya naman ibebenta ang gamit ng mas mahal. Nakakapang-init ng ulo 'yung mga ganung balita. Kaya walang yumayaman na Pilipino e. Buti pa 'ko, I'm thankful because I'm bless. I have my luxurious cars, living in a condo or in a mansion, and the soon-to-be president/owner of a well-established and well-known company in the Philippines—the Richard's Wine Company.

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon