Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Maine's POV:
Ilang araw na din akong tinuturuan ng trainor ko sa kung paano maging isang sekretarya. Ang dami palang kailangang kabisaduhin. Kailngan magaling kang humarap sa maraming tao at marami kang makakasalamuhang tao. Hindi madali kasi may mgapagkakataon na masusungitan ka ng mga taong kaharap mo pero hindi mo dapat indahin dahil kapag pinatulan mo pa ang init ng kanyang ulo, talo ka.
Maraming ipinagawa sa akin bago ako nagsimulang sumabak. Una 'yung physical appearance ko. Natakot nga ako dahil tatanggalin daw nila 'yung puti sa likuran ko. Syempre hindi ako pumayag. Dinahilan ko na lang na sobrang hindi ko kaya kapag nawala iyon sa akin. Nakipagtalo pa nga ako kay Alden that time. Mabuti na lang at sinabihan niya 'yung trainor ko na hayaan na kong naganoon tutal hindi naman talaga ako dapat secretary do'n. So ang sabi sa'kin 'nung trainor, magsuot na lang ako ng formal para kahit may tela pa rin ako sa likod ay disente parin tingnan.
Sumunod na itinuro sa akin ay 'yung pasikot-sikot ng buong kompanya. Ang laki pala do'n. Maliligaw ka talaga kapag wala kang alam. E hindi naman ako naglilibot do'n kapag napunta. Automatic kay Alden agad ang pakay ko and usually before, hinahatid ako ng HR. Pero ngayon kailangan ko na talagang malaman since maraming paperwork sang secretary na dapat i-deliver sa iba't-ibang opisina na nando'n.
And lastly, 'yung schedule ni Alden. Binigay sa akin lahat ng mga calling cards, meetings and other appointments ni Alden. Ang dami nga no'n e. Since ako na daw ang tatayong secretary, kailangan i-manage ko daw iyon lahat. From most importante up to least. Tapos 'yung schedule niya everyday dapat alam ko rin. Para hindi na mahihirapan si Alden kung ano ang kanyang uunahin.
So far, so good naman daw ako sabi ng trainor. Konting araw pa raw at magagamay ko nan g husto lahat ng pamamalakad sa kompanya at tungkulin ko bilang secretary ni Alden. Buti nga good job ako e. Well, I must say na nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko. Bagong adventure ko na naman 'to sa mundo ng mga tao. Noong una ay ayaw pumayag ni Lola Tinidora pero um-oo na rin siya para mabantayan ko raw si Alden.
Monday to Friday akong secretary tapos kapag Saturday ang duty ko kay Lola Tinidora at kapag Sunday naman, do'n ako sa condo ni Alden para maglinis. Kung tutuusin, parang naging katulong talaga ako ng mga Richards. Maid in heaven. Maid from above. Hoho.
"So maiwan na kita rito ha? Alam mo na naman siguro 'yan dahil napag-aralan na natin 'yan kahapon lang." saad ni Mr. Hao. Siya nga 'yung trainor ko. Tumango-tango naman ako habang inililigpit ang nagkalat na mga papel sa ibabaw ng lamesa sa table ko. Akalain mong may table ako sa loob ng office ni Alden. Sosyal!
Humirit pa si Mr. Hao ng kwento sa akin. "5 PM na kasi Maine... Kailangan ko na umalis. May lakad pa ko. May date pa kami ng boylet ko. Hihi. Kakain kami sa kung saan tapos mamasyal sa Ayala Triangle. Gusto niya raw kasi makita 'yung dancing lights kaya ililibre ko siya do'n."
So alam niyo na? Tagilid po ang pagkatao ni Mr. Hao. In short bakla, beki, bading. Pero wala naman 'yun sa akin dahil naniniwala akong sa mata ng Diyos, lahat tayo ay pantay-pantay. Basta ba walang inaagrabyado at inaapakang ibang tao. Okay lang maging gano'n pero 'wag lang silang magtatalik at magpapakasal dahil naniniwala pa rin ako na ang babae ay para sa lalaki. Kaya ako ay para kay Alden... este! Wala palang gano'n.
"Sige na! Babush!" pagpapaalam ni Mr. Hao at saka lumabas ng opisina. Naiwan na akong mag-isa sa loob.
Napailing-iling naman ako dahil ipinaling niya pa 'yung mahabang tela na nakapulupot sa leeg niya. Idol na daw niya ko pero dahil may tela rin ako. Ang kaibahan lang sa kanya, nasa likod 'yung akin at mahaba talaga. Ang kulit lang. Akala ko kasi lalaki siya. Hindi halata sa kanya kapag unang beses mo siyang mae-engkwentro.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...