Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Maine's POV:
Nasa isang sulok ako at umiisip ng posibleng paraan para mapatino 'tong si Alden. Mag-iisang linggo ko na din siyang minamanmanan at medyo nalalaman ko na din kung ano at kung sino siya. Sa isang linggong pagtutok ko sa kanya, masasabi kong sakit ng ulo talaga! Siguro kung i-bi-B.P. ako, baka umabot 40 degree Celcius yung temperature ko, kaya lang wala namang ganun sa heaven kaya isang malaking joke lang yun.
Nasa mahiwagang screen ako ngayon at tinitingnan ulit si Alden. Sayang talaga siya kasi kung anong kinapogi niya, kinasama naman ng budhi niya. Oopppss, Sorry ulit Bro, masyado lang akong high blood talaga sa alaga ko ngayon. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, in fact, gusto ko din naman siyang magbago, kaya lang first time ko kasing maghawak nang ganito ka-pasaway na nilalang. Kung bakit kasi sa dinami-dami, sakin pa napunta. Ooooppps, sorry ulit Bro, last na talaga, di na ko magrereklamo. Hehe.
Kausap niya ngayon ang kanyang Lola Tinidora. As usual sinesermonan na naman siya ng bonggang bongga dahil sa nangyari. E mukang hindi naman siya pinapakinggan ng apo niya e. Ayun at ang lakas pa yata mag-soundtrip! Naka-headset tapos may pagyugyog pa ng ulo. Tsk tsk!
"Hoy Alden! Ayan ka na naman! Hindi mo na naman ako pinapakinggan!" sigaw ni Lola Tinidora sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang tungkod. Matanda na si lola pero infairness at nakakalakad padin ng maayos. Style niya lang yata yung tungkod kasi mukang hindi niya pa naman kailangan.
"Nakikinig ako la." Saad naman ni Alden.
ANAK NG--! Ang bastos talaga nitong Alden na 'to. Ganun ba ang nakikinig? E halos mapaindak na siya sa pinakikinggan niyang music. Nakita ko namang binatukan siya ni Lola Tinidora. 'Yan kasi, mabuti nga 'yan sa kanya!
"Ano ka ba naman apo. Ang tanda-tanda mo na hindi ka pa marunong gumalang sakin.. Pinagsasabihan kita pero binabalewala mo." Saad ni Lola Tinidora.
"La, nakikinig naman ako eh." Pagdadahilan ni Alden. May pabulong pa siyang sinabi. "Paulit-ulit na lang po kasi.."
Mukhang narinig naman ng kanyang lola dahil agad itong pumamewang sa harapan niya at nagtaas ng kilay. "Anong sabi mo kamo?" si Lola Tinidora.
'Wala ho." Ngingisi-ngising sabi ni Alden. Kung di ba naman siya salbahe. Sarili niyang lola binabastos niya. Paano pag kinuha na si Lola Tinidora ni Bro? Naku, wag naman sana dahil baka puluin siya sa kakungan.
***
Gabi na at katulad ng nakagawian ni Alden, nagliliwaliw siya pag gabi matapos ang kanyang trabaho. Akala mo talaga may ginagawa siya nu? Well meron naman, wala pa nga kasi siyang secretary. 'Yun nga lang mukhang hayahay na ulit siya bukas dahil naawa sa kanya si Lola Tinidora kung kaya't naghanap ito ng pansamantalang magiging secretary ni Alden na nagtatrabaho din sa kumpanya.
Nasa high way si Alden ngayon kasama si Frankie at ang iba pa niyang mga kabarkada. Mukhang may magaganap na hindi maganda. Ewan ko, pero masama ang kutob ko.
"Ano Alden? Magkano ipupusta mo?" tanong ni Frankie sa kanya.
"Twenty thousand." Walang alinlangang sinabi ni Alden.
"Wow! Iba talaga pag bigtime." Manghang sabi ni Frankie. "Alam mo ako din ehh.. I can spend twnety thousand too, o kaya baka mas higit pa. Kaya lang ano eh.. hindi ko nadala 'yung pera ko eh. Credit cards lang ang meron ako dito."
Sarkastikong ngumiti si Alden kay Frankie. Si Frankie talaga, saksakan ng yabang. E wala naman siyang ibubuga sa alaga ko. Bakit kasi ayaw niyang magpakatotoo sa sarili niya? Siguro masasabing may kaya si Frankie, pero hindi niya mahihigit ang pag-aaring meron sila Alden. Talaga naman 'tong magkababata na 'to. Best friend daw pero mukang sila pa ang best enemy.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...