Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Maine's POV:
Maaga akong gumising para mapainom si Lola Tinidora ng gamot niya. Sanay na din naman ako na ganito kaaga ang gising. Hanggang ngayon, hindi mparin ako makapaniwalang nag-sorry sa'kin si Alden kahapon. Nakakapagtaka lang na ang isang Richards na katulad niya ay gagawin iyon.
Honestly, hindi naman ako napikon sa sinabi niya sa'kin no'ng mag-usap kami sa mini cafeteria malapit sa company nila. Nagulat na nga lang ako dahil nasabi ko ang mga iyon. Totoo naman kasing katawa-tawa ang itsura ko dahil sa putting balabal na bumabalot sa likod ko. Kailangan kasing walang makakita ng pakpak ko sa kahit sinong tao sa mansyon. Kahit pa nga si Ibyang na pinagkakatiwalaan ko at marami nang naitulong sa'kin. Bawal at kabilin-bilinan iyon ni Bro at ni Dyosa Nidora. Speaking of my wings, ayun at mukhang ¾ ang nalagas na mga pakpak. Syempre hindi ko naman hahayaang maubos iyon lahat.
Going back of what happened yesterday, bigla na lang din lumabas sa bibig ko 'yung ginawa kong panenermon tungkol sa bisyo ni Alden. Gusto ko sanang sumama kahit hindi ako uminom since okay lang naman daw sabi ni Alden, kaya lang syempre nakakahiya naman kina Duhriz at Frankie na first time ko pa lang naman nakita. At ang ipinagtataka ko kahapon habang nagbibigay ako ng wisdom words, panay ang titig niya sa'kin. Assuming na kung assuming pero feeling ko talaga may something. May kung anong bagay siyang gustong sabihin sa'kin na hindi niya masabi. At ang nakakapagtaka pa, hindi man lamang siya nagalit sa'kin. Hindi man lang niya ko tinanggal sa trabaho o di kaya naman ay pagsalitaan ng hindi maganda at ipahiya sa mansyon. Iyon kasi ang mga possible at inaakala kong mangyari, pero nagkamali ako.
Ano kayang nakain nun ni Alden? Good boy na ba siya? Sana naman magtino na ang lalaking iyon.
Nasa higaan pa rin ako pero dilat na dilat na ako. Pinagmamasdan ko lang ang kisame habang iniisip ang masasayang kwentuhan namin ni Alden kahapon. Hindi kasi kapani-paniwala. Bakit ba niya ko binibigyan ng ganong treatment? Dahil ba sa ginawa kong pag-save sa kanya kay Duhriz? Ehh!? Sobra-sobra naman yata. Pinakain na nga niya ko sa cafeteria tapos pati ba naman kahapon. Feeling ko nga ako pa ang mas may malaking atraso sa kanya dahil sa ginagawa kong pangengelam sa buhay niya. Kung sabagay, dapat ko lang pala gawin iyon kasi kailangan ko mapabago si Alden. May misyon ako sa lupa at hindi ko dapat makalimutan iyon.
Umupo ako at sumandal sa kama at timtim na nagdasal. Syempre nag-pray ako sa blessings na natatanggap ko ngayon araw. Thankful ako dahil mayron akong guidance ni Bro at pauloy niya kong binibigyan ng lakas para sa misyon ko dito sa lupa. Humihinga din ako ng mahaba pang pasensiya para matulungan kong mabago ang ugali ni Alden. And lastly, I seek guidance for all the people in this world especially 'yung mga taong naging malapit na sa'kin dito sa mansyon.
Tatayo na sana ako nang marinig ko ang boses ni Dyosa Nidora. Lumiwanag na naman ang kisame ng kwarto. Liwanag iyon na nagmumula sa langit, nakakasilaw.
"Kamusta ka na Maine? Ang aga mong nagigising ha!?"
"Okay lang ako Dyosa Nidora. Masaya." Gusto kong sabihing masaya ako dahil maganda ang treatment sa'kin ni Alden. Hindi na katulad dati na ang sungit-sungit niya.
"Napapansin ko ngang masaya ka.. Kitang-kita ang pagningning ng iyong mata at ang magandang ngiti ng iyong labi." Saad ni Dyosa Nidora. "Natutuwa ako dahil sa pagpapayo mo kay Alden. Mukhang nakukuha mo ang loob ng binate. Ipagpatuloy mo lang iyan."
Medyo namula naman ako sa papuri na natanggap ko kay Dyosa Nidora. Nakikita niya nga pala ako at binabantayan niya for sure ang bawat gagawin ko. "Salamat po Dyosa Nidora. Pasasaan ba't maisasakatuparan ko rin ang aking misyon."
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...