Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Alden's POV:
Until now hindi parin ako nakakahanap ng bagong secretary at maid. Saan ba ko makakahanap ng matinong katulong at sekretarya? I can pay them basta magawa lang nila ng tama at maayos 'yung mga ipapagawa ko. Wala naman problema dun diba? That's their duties naman since inako nila ang ganung trabaho. Pang-limang araw na ngayon, buhat nang mawalan ako ng sekretarya kaya naman ako pa rin ang gumagawa ng mga paper works. Imbes na wala na kong gagawin kundi i-check lang yung mga papeles, tignan kung tama o mali 'yung pagkakagawa, tingnan ang mga schedule ko every day.at pirmahan 'yung mga dapat pirmahan, mas lalo akong nahihirapan ngayon. This is damn so stupid! Hindi ko na 'to dapat ginagawa. Limang araw na tuloy akong walang gala. Walang ganap sa buhay ko kundi trabaho tapos pag-uwi matutulog na ko. Pagod na pagod ako at kung minsan nag-o-overtime pa.
Hindi na rin muna ako umuuwi ng condo since walang maglilinis ng condo ko. Kasabay ng pag-alis ng sekretarya ko ang pagka-wala ng maid ko sa condo. Bwisit na 'yun! May balak nga talaga kaming nakawan. Mabuti na lang at pinatawag ko sa mga body guards ko on that day, na puntahan agad 'yung dati naming katulong at palayasin. Tama nga ang hinala kong may kasama ang bruha. Naabutan pa nga daw ng mga body guards ko na gumagawa ng milagro 'yung dalawa sa condo. Para daw silang nakapanood ng nakakadiring live show. And because of what my body guards did last time, I gave them a reward. Binigyan ko sila ng tig-iisang ticket to go to Palawan with their family.
Katulad ng sinabi ko, mabait naman ako lalo na kung nakikita kong ginagawa agad nang mabilis 'yung kanilang trabaho at wala silang ginagawang kalokohan. Hindi katulad nung dati kong secretary, simpleng bagay hindi niya magawa-gawa. Sayang ang ganda pa naman niya. Ang sarap sana niyang i-one night stand kaso nagbago na isip ko. Mabuti na lang at nagawan ko talaga ng paraan 'yun. In-edit ko pa tapos tsaka ko naipadala 'yung letter sa company ni Mr. Rodriguez. Right now, I'm waiting for his approval. Ayoko din na may sasagabal sa mga ginagawa ko katulad nung bobita kong maid, napaka-tsismosa at malikot ang kamay. I don't know kung meron pa siyang ibang ninakaw sa condo maliban sa mamahaling baso, kutsara at tinidor doon sa kusina. Hindi lang iyon, may ginagawa pa palang karumal-dumal sa condo. Napag-alaman ko din na 'yung driver sa kabilang bahay ang kalampungan niya doon. My goodness!
Nasa bahay ako ngayon ni Lola Tinidora at nagpapahinga. Mamaya pupunta na naman ako sa office dahil may hindi pa ko natatapos na gawain. Nag-ring 'yung cellphone ko. May tumatawag, si Frankie.
"Hello Frankie?" sagot ko.
Si Frankie, siya yung kababata ko at matalik kong kaibigan. Oo kaibigan ko 'yung gagong 'yun! Ang yabang 'nung gagong 'yun, akala mo kung sino. Lumaki lang sa States nag-iba na ang asal. Ang dami niya daw babae. Sus! If I'm not mistaken, lahat ng mga babae niya, napagsawaan ko muna. Ilang beses pa nga silang nagmakaawa sakin pero sorry na lang sila. Ang angas din 'nung gagong 'yun kasi pinagmamalaki 'yung pag-aari nila. Umaasa lang naman siya sa mga magulang niya. Dati naman siyang walang dating, nabihisan lang akala mo sobrang taas na!
Noon pa man lagi na kaming pinagkukumpara sa school. Lahat ng mga makikilala naming tao kami lagi ang topic. Kung sinong mas marunong sumayaw, kumanta, tumula at kung ano-ano pa. Hanggang sa nasanay na ko na laging kami ang center of the attraction. Hindi ba pwedeng ako lang muna kahit minsan? O kaya pwede bang huwag nila pagdikitin ang pangalan namin sa isa't-isa? Dahil magkaiba kami. Mas pogi ako. Uulitin ko, MAS POGI AKO. Capslock para intense!
"Let's go party tonight! Okay lang ba? Sagot ko." Ani Frankie na nasa kabilang linya. Ganap na naman 'yung gago! Sagot daw niya. Okay, kwento mo sa pagong.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...