Chapter 27

161 10 0
                                    


Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

Ang hirap ng kinasasadlakan ko ngayon. Paano ko ipagtatapat kina Alden at Lola Tinidora ang isang bagay na hindi naman pwede. Bawal nga malaman ng kahit na sino ang tunay kong pagkatao. Bawal nilang malaman na anghel ako. Bawal kong sabihin kung saan ba ko nagmula at kung ano ba talaga ang tunay na pakay ko kung bakit ako pumunta sa mansyon.

Sabagay tama nga naman... Baka isipin nilang nababaliw ako. Baka isipin nila na galing akong mental hospital at nakalabas lang doon. Sabayan pa ng puti at mahabng tela na bumabalot sa likod ko. Baka imbes na paniwalaan nila ako sa sinabi ko, baka pagtawanan lang nila ako. Malamang na walang maniniwala dahil mahirap paniwalaan ang isang bagay na wala namang katunayan. Kung pwede ko lang din ipakita ang kapangyarihan ko sa kanila, ginawa ko na matagal na. Kaso ako lang din ang mahihirapan.

Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon sa akin ni Duhriz. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. In fact, siya nga itong may gnagawang hindi maganda. Pero dedma na ako doon, iyon ang kagustuhan niya e. Mahirap kontrolin ang tao. May sarili itong pag-iisip at pagpapasy sa mga bagay na gusto niyang gawin para sa sarili. Kaya nga hindi ko rin hawak ang puso't isip ni Alden. Hindi ako magtataka kung bakit galit siya sa akin ngayon at patuloy niya kong nilalayuan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na lang niya ko paalisin sa mansyon at sa kompanya para wala na siyang problema. Dahil ba gusto niya muna akong pahirapan?

Ang nais ko lang naman ay makatulong sa tao. Kay Alden... Ang gusto ko lang ay mapabago siya. Kaya nga pumayag rin ako sa misyon na sinasabi ni Dyosa Nidora at ni Bro. Nakikita ko kasing busilak ang puso ni Alden kung mabubuksan lang ito. Nababalutan lang siya ng pangit na nakaraan. Kulang siya sa atensyon na hinhingi niya noon sa kanyang magulang. Nahumiling siya masyado sa makamundong gawain noong panahong nasa U.S. pa siya kaya hanggang ngayon dala-dala na niya ito. Actually nagbago na siya di ba? Maraming nakapansin at maraming nakasaksi sa pagbabagong iyon. Natuwa nga ako sa progress na ipinapakita niya kaya lang kung kailan nararamdaman ko na ang tagumpay sa misyon ko, saka pa nagkaganito.

Higit sa lahat, hindi ko kayang mawala sila Alden at Lola Tinidora. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng pamilya sa mundo ng mga tao. Pakiramdam ko sila ang extended family ko bukod sa mga anghel sa langit, kay Dyosa Nidora at kay Bro. Sila ang nagpapasaya sa akin. Masaya akong naglilingkod sa mansyon kahit walang hinhintay na kapalit. Tanging pagkupkop lang nila sa akin ay masaya na ako. Hindi ko hahayaan na masira ako sa lahat kaya ngayon pa lang ay sasabihin ko na ang totoo kay Lola Tinidora. Na walang Maine Mendoza sa mundo. Na gawa-gawa ko lang iyon at lahat ng pagpapanggap ko. Pero paano ko ba maipapaliwanag sa kanila iyon na hindi nalalaman na isa akong anghel sa langit na ipinadala dito sa lupa para sa misyon? Paano?

Pero tila huli na ang lahat para sa pagpapaliwanag ko dahil pagkahatid sa akin ni Kuya Mon sa may garahe ng mansyon ay nagtungo na ako sa sala. Nakita ko si Lola Tinidora na halatang naghihintay sa akin. Nakatalikod ito at nakapamewang lang sa bintana.

Bumati ako sa kanya. "Good evening po Lo—"

"'Wag mo akong malola-lola!" giit ni Lola Tinidora na may hawak pang pamaypay. Isinara niya iyon at ipinangturo sa akin. "Akala mo ba hindi ko alam?"

"Lola—"

"I said DON'T CALL ME LOLA!" naiinis nitong turing sa akin. "I DON'T HAVE ANY GRAND DAUGHTER. SI ALDEN LANG ANG NAG-IISA KONG APO!"

Hindi na ako kumibo. Nanatili lang akong nakatingin kay Lola Tinidora. Hindi ko na alm ang gagawin ko. Mukhang hindi na niya ako pagbibigyang magpaliwanag pa.

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon