Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Halos hindi ako makapagsalita nang tanungin ako ni Lola Tinidora. Parang sinimento 'yung buo kong katawan. Hindi ako magalaw ang kamay ko. Gusto ko nga sanang tumayo at mag-C.R pero hindi ko magawa.
"Ohh ano na Maine, magsalita ka! Kinakausap ka ni lola." Sabi ng kaliwang bahagi ng isip ko.
"Gumawa ka na lang ng alibi. Mag-imbento ka na lang! No choice ka na eh. Kaysa sabihin mo pa 'yung totoo. May kapalit kapag nilabag mo ang utos. Alalahanin mong may misyon ka pa kay Alden." Kanang bahagi ng isip ko naman ang nagsalita.
Tumutol na naman ang nasa kaliwa. "Ano ka ba Maine!? Magsabi ka na lang ng totoo. Mas okay na 'yun kaysa magsinungaling. Mas masama kapag lumabag ka sa kautusan ng Panginoon."
"Maine? May problema ka ba?" hinawakan ni Lola Tinidora ang kamay ko. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko akalaing naubos na ni lola ang mais na kinakain niya pati na rin ang juice na kanina'y puno pa.
"AYY MATANDANG BAKULAW!" gulat kong sabi.
Imbes na mainis ay tawang-tawa naman si Lola Tinidora. "HAHAHAHA! Sinong matandang bakulaw Maine? 'Yung isa sa amiga ko ba ang tinutukoy mo?" saglit siyang huminto sa pagsasalita. "Pero pa'no mo nalaman 'yun? Hmmm.. OO! HAHAHAHA.. Siya nga.. Siya nga 'yung matandang bakulaw sa'ming magkakaibigan. Inaasar namin 'yun dati nang ganun! HAHAHA!"
Mabuti na lang hindi siya nagalit sa sinabi ko. Pero ang bad naman ni lola at dinamay pa ang amiga niya. Wala nga akong alam sa sinasabi niya. Nagugulat na nga lang ako paminsan-minsan sa kinikilos niya kasi tatawa tapos magiging seryoso tapos tatawa ulit. Hayss.. Praning! Pero mas nakaka-praning 'yung sitwasyon ko ngayon. Desidido talaga si Lola Tinidora na malaman ang tunay kong pagkatao.
"Sabihin mo na kasi Maine.. May problema ba kaya ayaw mong sabihin? Baka matulungan kita.."
Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas upang makapagsalita ng maayos. Matapos ang bangayan ng dalawang panig sa isip ko, I got my final decision.
"Lola 'wag po kayong mabibigla.." panimula ko.
*Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..* 'yung heartbeat ko sobrang bilis.
"Ang totoo po niyan.." Hayss.. bakit ba ang hirap sabihin. Ganito ba talaga sa lupa?
. *Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..* pabilis na siya ng pabilis.
"Ano na nga 'yun Maine.." wika ni Lola Tinidora na halatang nasasabik na sa kwento ko.
"Kasi po ganito. Ang totoo po niyan.."
*Blagggghhhh!!!*
Napurnada na naman ang pagsasalita ko nang makarinig kami ng mabilis na pagsara ng pinto kung kaya't naging malakas ang tunog nang lumapat nito. Kasabay nito ay pumasok si Ibyang na may dala-dalang trash can. Nagtapon yata ng basura.
"IBYANGGGG! ISARA MO NG MAAYOS 'YUNG PINTO SA SUSUNOD HA!? MAHAL 'YANG PINTO! 'PAG NASIRA 'YAN IKAW ANG IBABAYAD KO 'PAG NAGPAGAWA AKO NG BAGO! LINTEK KANG DAMUHO KA!" ani Lola Tinidora. Beast mode agad eh. Samantalang ako, heto kabado parin.
Nang mahismasan ay binaling na ulit ni Lola Tinidora ang tingin niya sa'kin. "Anon a nga ulit 'yang sasabihin mo?"
Hayss.. sana may malaglag o kung anumang mangyari para matigil na ang usapan namin ni Lola Tinidora. "Ang totoo po niyan.. Galing po ako sa.."
"Sa.. Saan???" dinugtong naman ni Lola Tinidora ang sinabi ko.
"Please lang magkaroon sana ng himala kahit ngayon lang." Napapikit pa ko.. In one, two three! WALANG NANGYARI.. No choice. Kailangan sabihin ko na nang matapos na.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...