Chapter 19

179 11 0
                                    

Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

Nakauwi na ko sa mansyon pero hanggang ngayon ay lutang pa rin ako. Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip 'yung sinabi ni Alden kanina. Double meaning e. Ano ba talaga 'yung sinabi niya kanina? Wala lang yun?

Matagal akong nakatitig sa kisame. Nakakainis lang kasi hanggang ngayon ba naman ay nasisilayan ko parin ang mukha ni Alden doon. Nakangiti ito sa'kin. Waring nanunukso. 'Yung mga mata niya na sadyang nakakapukaw atensyon. Sabayan pa ng ngiti niya na sobrang mapang-akit. Isama mo pa 'yung malalim na dimples niya sa magkabilaang pisngi, na lalong nagpalakas ng kanyang karisma. Ngayon ko lang na-realize, ang gwapo pala talaga ni Alden, hindi ko lang napapansin.

Kanina sa condo ni Alden, kapansin-pansin ang bawat pagtitig niya sa akin. Nahuhuli ko siya paminsan-minsan kapag hindi ako nakatingin sa kanya. Nararamdaman ko at tama nga ang kutob ko doon. Tiningnan ko na nga 'yung mukha ko sa salamin ng C.R. kung may di kanais-nais sa mukha ko pero wala naman. Bakit grabe siya makatitig sa'kin? Parang matutunaw ako sa bawat titig niya.

Ewan ko lang kung napapansin iyon ni Duhriz. Buhat nang kumain sila, walang ginawa si Duhriz kundi utusan ako ng utusan. Naging maid ako habang naghaharutan sila. May pagkakataon pa ngang naiinis ako sa mga eksenang nakikita ko. Nagtatawanan sila habang nag-uusap, sinusubuan pa ni Duhriz si Alden at ito namang Alden ay mukhang sarap na sarap. Mukhang super close agad sila ulit. Ganoon ba sila dati 'nung bata pa sila? Hmm.. Good for him at nagiging nice siya kay Duhriz.

"Ohh antok! Dalawin mo na ko ngayon please lang!" bulong ko sa sarili. Sinubukan ko nang pumikit nang paulit-ulit kaso hindi talaga ako makatulog. Pag dumidilat ako nakikita ko si Alden. Kapag pumikit naman ako, ganoon pa rin. Hayss.. walang mapaglagyan. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar 'tong nararamdaman ko ngayon.

Puso: Alam mo Maine.. I'm happy for you kasi senyales na 'yan na inlove ka. Yieee!

Isip: Naku Maine! Tigil tigil mo 'yang nararamdaman mo hangga't maaga pa. Masasaktan ka lang..

Puso: 'Wag mong pangunahan ang mga bagay-bagay, malay mo may magandang patutunguhan.

Isip: Maine.. Alalahanin mo.. Hindi ka tao. Kaya hindi mo dapat maramdaman 'yan. Iwasan mo na hangga't maaari.

Puso: Lahat ng bagay may dahilan kung bakit mo nararanasan 'yan. Malay mo 'yan din ang step para matupad mo ang misyon m okay Alden.

Isip: Hindi sa ganyan paraan mo mapagbabago si Alden. Kapag ikaw pa ang nahulog sa kanya, malamang talo ka! Remember.. babaero si Alden. BA-BA-E-RO!

Wahhhh! Ang sakit sa ulo mag-isip. Nagtatalo 'yung puso at isip ko. Bakit ba sila ganyan? Wala naman akong gantong pino-problema 'nung nasa heaven pa ko e. Ngayong nasa ibabaw na ko ng lupa, ang dami kong nararanasan na kung ano-ano. Masasabi kong masarap nga mabuhay dito sa mundo, masaya.. ngunit mahirap.

***

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi. Sa sobrang pag-iisip ko, mabuti na lang at dinalaw na ko ni antok. Ayun, kulang ako sa tulog. Alas-tres na ko nakatulog e. Kinakailangan ko na ngayong bumangon para sa gamot na ipaiinom ko kay Lola Tinidora.

Habang lumilipas ang oras, nakakaramdam ako ng pagkahina ng katawan. Pilit kong iginagalaw ang aking sarili pero ramdam kong nanghihina talaga ako. Siguro dahilan ito ng hindi ko pagkatulog ng maayos. Napainom ko na si Lola Nidora ng gamot niya. Nakakain na ko't lahat pero nanghihina talaga ako. Napansin iyon ng matanda kaya naman minabuti na lang niya na magpahinga ako sa kwarto ko. Pagdating ko ng kwarto ay bumagsak talaga ako sa kama.

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon