Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Alden's POV:
Magdadalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Maine. Dalawang linggo na ring tahimik ang mansyon dahil wala siya. Nakakapnibago pero ganito naman kami dati e. Kumbaga balik lang kami ni Lola Tinidora sa dating gawi. She's not belong in the family. At ayokong dumating ang isang araw na gamitin niya ang pera namin para sa pansarili niyang kapakanan. O di kaya naman gamitin niya ang kasikatan ng pamilya namin para siya din ay umangat. She's asshole! Kung tutuusin, marami rin naman siyang nagawang mabuti sa amin pero kapag naiisip ko, baka palabas lang iyon ni Maine para makapangloko. Mas nangingibabaw pa rin talaga 'yung galit ko sa kanya.
Hindi kasi ako makapaniwalang lolokohin kami ni Maine. Sa kabila ng mainit na pagtanggap namin sa kanya ni Lola Tinidora ay ganito lang ang igaganti niya. Malaya na nga siya sa mansyon na gawin ang naisin niya pero bakit ganoon? Ano bang dahilan ng pagpanhik niya sa mansyon? Nanahimik kaming mag-lola tapos guguluhin niya kami? Gusto kong palakpakan si Maine... Job well done para kay Maine! Ang galng niyang magpanggap... Just wow! Pinalabas niyang napaka-bait niyang tao pero hindi naman pala. Nagawa niyang bilugin ang lahat ng tao sa mansyon. Sabagay sino ba namang manloloko ang aamin ng kasalanan niya at sino ba namang manloloko ang hindi gagawin ang lahat para makapang-loko lang?
Mabuti na lang at nandiyan si Duhriz. Tama nga siya na hindi ako dapat nagpapaniwala sa sabi-sabi ng mga tao lalo na kung hindi ko naman kakilala. Right after nang ibigay sa akin ni Duhriz ang envelope ay tiningnan ko na iyon. Wala ngang kahit na anong information si Maine Mendoza. Doon pa lang makikita mo na agad na hindi siya nagsasabi ng totoo dahil hindi niya sinabi ang kanyang pangalan. Hindi pa ako tumigil dahil gumawa pa ko ng ibang paraan para malaman ko ang pinagmulan ni Maine katulad ng pagkuha ng buhok sa suklay na ginagamit niya. Ipinapatingin ko na rin sa mga tauhan ko kung baka outside the country ay may mkuha silang impormasyon but sad to say, wala talaga.
Well I can't blame Lola Tinidora for what she had na patuluyin sa mansyon si Maine. Mabilis maawa si Lola Tinidora sa mga tao kahit hindi niya pa masyadong nakakasama. At iyon marahil ang pinuntirya ni Maine para tuluyang makapasok at makatia sa mansyon. Hindi ko alam kung gaano kalaki na ang nakuha ni Maine sa amin. I don't have an idea if it is money, things, appliances or what. Either of the three, I don't care! Maliit na bagay lang naman iyon at madaling palitan. What is important now ay hindi na niya magawa iyon sa amin.
Sa totoo lang ang dami ko parin gustong itanong sa kanya. Kung anong pangalan niya? Anong pangalan ng magulang niya? Saa siya nakatira? Saan siya lumaki at sinong mga kamag-anak niya? Anong ginagawa niya sa Maynila at paano siya napadpad sa amin? Bakit niya kami gustong lokohin? Ano bang nagawa naming masama sa kanya o sa pamilya niya? Pero lahat ng iyon ay mananatili na lang isang tanong... She's gone. Wala na siya sa mansyon at hindi ko alam kung nasaan na siya. Wala na rin naman akong pake. For sure nasa ibang mansyon na iyon at naghahanap ng bagong biktima. Gusto kong maawa kay Maine pero until now mas nangingibabaw 'yung pagkamuhi ko sa kanya. Pwede naman kasi siyang magsabi ng totoo sa amin but she choose to lie. Bakit ba kasi nagagawa ng taong magsinungaling para sa sarili nilang kapakanan?
Nakakatuwa lang dahil sa dinami-rami ng tanong ko para sa kanya, ang dami ding tanong na nabuo para sa sarili ko subalit hindi ko masagot... Mahal ko pa ba siya matapos ang lahat ng nangyari? Gusto ko pa ba siyang makasama matapos ko siyang sabihan ng hindi maganda at sa kabila ng malaman ko at ni Lola Tinidora ang ginawa niyang kasinungalungan? Kaya ko pa ba siyang patawarin sakaling magkita kami ulit? Posible pa bang magkita kami? Hanggng kailan mawawala ang galit ko sa kanya? E 'yung nabuo kong nararamdaman para sa kanya, mawawala pa ba?
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...