Maid in Heaven
By: @yaaannkasi
---
Alden's POV:
Nagmamaneho na ko ng kotse pabalik sa condo pero luting parin ang isip ko. Badtrip kasi hindi ako nakahingi ng extra money para sa pustahan namin sa car racing mamaya. May pera naman ako sa account ko yun nga lang ayokong ma-zero. Syempre mang-tsi-chiks pa ko after that, hindi pwedeng wala akong maibibigay sa makaka-one night ko. Baka sabihin nila ang kuripot ko. Baka kantyawan pa ko ni Frankie 'pag nalaman iyon.
Until now, hindi parin mawala sa isip ko 'yung pananampal ni Maine kanina. Shit! Siya lang ang nakagawa sa'kin ng ganun ahh!? How dare she could do that!? Wala pang kahit na sinong nanakit sa'kin even Lola Tinidora. Kahit pa nga parents ko na nasa abroad hindi man lang ako sinaktan ng ganun. Kahit pa sabihin na nating hindi ko naman sila nakasamang lumaki. Even 'nung nasa States ako para mag-aral, lagi na silang busy.
Kinapa-kapa ko 'yung pisngi ko. Hindi na naman ganun kasakit katulad kanina. Tumingin pa ko sa salamin malapit sa pwesto ko, wala na ang pamumula. Pero shit! Bakit parang nilalamon ako ng konsensya sa sinabi ni Maine. Feeling ko ako ang may mali kahit na ako 'yung sinampal.
"MASYADO KA NA BANG EXCITED MAMBABAE AT MAGBULAKBOL KAYA KAILANGAN MO NA NG PERA?! NAGPAPAHINGA ANG LOLA MO, GALANGIN MO NAMAN! NGAYON KUNG HINDI MO KAYA, WALA KANG KWENTANG APO! SANA HINDI KA NA LANG NILA PINALAKI KUNG GANYAN DIN LANG!"
Holy shit! Naririnig ko pa rin 'yung boses ni Maine sa utak ko. Nakakainis naman. Mali ba ang ginawa ko? Dinuro ko lang naman siya at dinakma ang magkabilang pisngi dahil sa sobrang inis ko. E siya nga sinampal ako ng malakas. Hindi na nga ako kumibo 'nun e. Mali ko pa rin ba? Bakit ba kasi nangengelam siya sa ginagawa ko. Pati kami ni Lola Tinidora pinapakelaman niya. Yaya lang naman siya do'n. Hmm.. Pero mukhang na-offend ko nga siya sa ginawa ko kaya niya siguro nagawa 'yun.
"Mag-sorry ka na lang kay Maine. 'Wag mo nang i-defend ang pagkakamali mo. Kahit na nagkamali siya, may nagawa ka paring hindi maganda." May kung anong tinig na naman ang pumasok sa isip ko para mangonsensya.
"ARRRGHHHHH!" Hinigpitan ko 'yung paghawak ng manibela at dali-daling pinaandar ang kotse. Pwede ba please? Not now! May pustahan pa ko at ayokong matalo ngayong gabi. Kailangan kong manalo dahil bibihira pa kong natalo. Nakakaka-chamba lang sila kaya ganun. Sana nga chiks ulit 'yung kalaban ko para ma-motivate ulit ako makipag-karera-han. Magka-karera-han kami mamaya hangga sa kama ko. I'll fuck her off! *Grin*.
***
Malayo pa lang ay kumaway na sa'kin si Frankie. Aba! Ang linaw ng mata 'nung mokong na 'yun ahh!? Nakita agad ako. Sabagay ang pogi ko at walang kahit na sino ang hindi nakakakilala sa'kin. Hindi lang naman si Frankie 'yung nakaway, maging ang mga tao na nadoon upang makinuod at makipusta ay kumaway rin.
Nagsimula na ang usapin sa pagitan ko at nang magiging kalaban ko. Badtrip kasi lalaki 'yung makakalaban ko. Pero ayos lang! Para may thrill naman paminsan-minsan. Huhugot na lang ako ng chiks dito para maiuwi mamaya sa condo ko. O kaya kung may maibibigay na naman si Frankei na matitipuhan ko. Kahit pa sabihin niyang natikman na niya 'yun, okay lang, kasi hindi naman ako naniniwala sa pinagsasabi niya. Haha. Puro yabang lang naman si Frankie.
Nang matapos na ang deal ay saka naman bumuhos ang malakas na pag-ulan. Agad namang nagsi-takbuhan ang mga taong nandoon.
"Hala! Umulan!" wika ni Frankie. Nasa may silungan na kami at nagpapatila. "Pa'no na 'yan!?"
"Mukhang malakas pa 'yung ulan at hindi titila. Ipagpabukas na natin 'to." May kung sino ang nagsabi.
"Oo nga.. Mahirap mangarera kapag naulan." Pag-sang-ayon naman ng isa pa.
BINABASA MO ANG
Maid in Heaven
FanfictionThis story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa ng istorya na sila mismo ang bida. Hindi na talaga mapigilan ang patuloy na pag-ratsada ng kanilang c...