Chapter 18

164 9 0
                                    

Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

"Ohh dalhin mo na dito 'yung mga dinala kong pagkain para kay Alden. Ipasok mo na Maine bilis!" Utos sa'kin ni Duhriz.

Nasa condo kami ni Alden ngayon. Nagpunta si Duhriz sa manyson kanina upang dalawin sana si Alden kaya lang hindi niya yata alam na madalas sa condo si Alden tumutuloy. Nang malaman niya na wala si Alden sa mansyon ay agad na rin siyang nagpaalam ngunit nagulat ako dahil gusto niya kong isama. Madami daw kasi siyang dalahin at kailangan niya ng tulong ko.

Tinanong ako ni Lola Tinidora kung okay lang daw ba sa'kin at pumayag naman ako. Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko si Duhriz. Marami nga siyang pinamili at isa na rito ay ang paborito daw na pizza ni Alden. Limang box yata iyon na parang good for 12 person na ang isang box. Seriously? Mauubos ba lahat iyon ni Alden lahat?

"Bakit ho ang dami niyo namang pinamili kay Alden, Duhriz?" tanong ko habang isa-isang pinapasok ang mga pagkain. Bukod kasi sa pizza ay mga naglalakihan at sariwang prutas at ilang mga groceries.

"Wala ka na do'n! We're not that close kaya 'wag kang F.C.!" saad niya. Nag-crossed arm pa siya sa harap ng pinto kaya nahirapan akong pumasok. F.C.? Anong ibig sabihin 'nun? Matanong nga si Ibyang mamaya.

Madali kaming nakapasok sa condo ni Alden dahil may duplicate na susi si Lola Tinidora. Sila din naman ang may-ari ng condo kaya any moment ay pwede rin siyang pumunta dito. Ayaw niya lang dahil gusto niyang bigyan ng privacy si Alden. For as long as na inaasikaso ni Alden ang business nila dito sa Pilipinas, lahat ng luho niya ay masusunod. Grabe! Gano'n sila kayaman.

Nang maipasok na namin ang lahat ng dalahin sa may sala ay nakita kong dahan-dahang sumilip si Duhriz sa kwarto ni Alden. Pagkatapos ay agad na bumalik ito sa kinaroroonan ko.

"Sino 'yung babaeng kasama ni Alden?" tanong ni Duhriz sa'kin.

Babae? Talaga? May kasamang babae si Alden ngayon sa kwarto niya? May kung anong kumurot sa puso ko. Akala ko tuluyan nang magbabago si Alden. Mukhang mahirap pala. Babaero pa din e. Tama nga siguro si Ibyang, "Babaero will always be a babaero". Mukhang kailangan pa yatang malagas ang pakpak ko dito sa ibabaw ng lupa bago siya tuluyang magtino. Pero it's a big no! Hindi pwede. Hindi maaari. Kailangan magawa ko ang misyon sa lalong madaling panahon.

"So hindi mo kilala?" nakangising sabi ni Duhriz. Mukhang may binabalak siyang hindi ko alam.

Muli siyang pumasok sa kwarto ni Alden at naroon pa rin ang babae na nakayakap kay Alden. Nakita ko si Alden na mahimbing na natutulog at nakadapa ito. Halos manuyot ang lalamunan ko dahil kitang-kita ko ang kurbado ng kanyang likod. Katamtaman lang naman ang laki at sobrang kinis ng kanyang kutis. Umandar pa ang mata ko hanggang sa matunton ko ang matambok niyang pwetan. Ipinilig ko ang ulo ko. Baka kung ano pang maisip ko at magkasala na naman ako. Mas pinili ko na lang hintayin si Duhriz sa sala.

Ilang sandali pa'y nakarinig ako nang kalabog. Tila may bumagsak na kung ano. *Blaaagghhhhh!*

Nanglaki ang mata ko dahil nakita kong kinaladkad ni Duhriz ang babaeng natutulog kanina kasama ni Alden. Hatak hatak ni Duhriz ang buhok ng babae at halos hindi makapalag ito dahil nakatali ang paa at kamay ng babae. Hindi rin makasigaw ang babae o makapagsalita man lang dahil may pinakain na kung ano sa kanya si Duhriz. Nang magawi sila sa tapat ko ay nakita kong medyas ang nasa bibig ng babae. Dinala ni Duhriz ito hanggang sa makaladkad niya palabas ng pintuan ng condo ni Alden.

"HMMMMMMMM.." pilit na gustong kumawala nang babae. Matawa-tawa naman si Duhriz at enjoy na enjoy na pinagmamasdan ito.

"HMMMMMMMM—HMMMMMMMM.." galit nag alit na turan ng babae. Halatang sobrang badtrip na siya sa ginawa ni Duhriz at malamang sa malamang, kung hindi lang nakagapos ito ay inaway na niya si Duhriz.

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon