Chapter 21

235 12 1
                                    


Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

Maine's POV:

Wala akong idea kung saan kami pupunta ngayon. Basta ang alam ko kasama ko si Alden at bigla na lang niya kong hinila papunta dito sa kotse niya. Saan ba kami pupunta? I'm clueless.

"Huyyy! Saan ba tayo pupunta Alden?" tanong ko sa kanya na abalang-abala sa pagmamaneho.

"Basta 'wag kang mainip." Saad niya naman sa akin.

"Ehh? Baka hanapin tayo ni Lola Tinidora. Mamaya magalit pa 'yun sa akin." Wika ko.

Nilingon niya ako nang nakangiti. OMG! I'm dead. Joke! Everytime na ilalabas niya ang dalawa niyang lubog na dimple, kinikilig talaga ako. I feel there's a butterflies in my stomach. May ganito ba talagang feeling?

"Hindi 'yan..." wika ni Alden. "Boto nga 'yun sa atin ehh!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi narinig 'yung last part. "ANO?!"

Ipinaling niyang muli ag kanyang ulo sa harapan. "WALA... Ang sabi ko, maghintay ka na lang diyan. Okay?"

Nang hindi ako nakapagsalita ay saka siya nagpatuloy. "Don't worry, I'm sure you'll like this place."

Pasimple niyang hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lap ko. Napatingin ako sa gawing iyon kaya naman agad kong inalis ang aking kamay. Mabilis naman din niyang inalis iyon at inilagay sa manibela.

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi ng sandaling iyon. Parang naging awkward ang ambiance sa loob ng kotse dahil parehas na kaming hindi nag-iimikan. Ipinaling ko na lang ang aking paningin sa labas ng bintana ng kotse.

Isang oras din ang ginugol sa aming biyahe at nakarating na kami sa aming paroroonan. Ang ganda ng view. Parang paraiso sa sobrang ganda.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa puso mo..."

Lumingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Akmang paglingon ko ay nakatingin din pala siya sa akin kaya agad na nagtama an gaming mga mata. Parang may kung anong kuryente ang naglalapit sa aming dalawa. Agad kong inilihis ang tingin ko sa kanya. Baka mamaya kung saan pa humantong 'tong nararamdaman ko.

"Joke lang... Haha.. Ikaw naman hindi ka mabiro." Saad niya. "Nasa Picnic Groove tayo sa Tagaytay."

Agad akong nagpatakbo-takbo doon na parang isang bata. "WOW ANG GANDA DITO!"

Sinundan naman niya ako. "OHH DI BA? SABI KO SA'YO MAGUGUSTUHAN MO DITO EHHH!"

Nang muli kaming maglapit ay napagpasyahan naming maupo sa damuhan. Sobrang saya ko ngayon. Ang ganda kasi ng view. Ang sarap ng hangin. Tapos may mga bulaklak din akong nakikita na may iba't-ibang kulay. Nakikita ko rin ang mga ibong nagliliparan sa himpapawad. Hayss.. bigla kong na-miss ang heaven. Na-miss ko na si Dyosa Nidora at si Bro.

Tumingin ako sa ulap. Pinagmamasdan ko lang iyon ng matagal. Ang sarap pala talaga titigan ng ulap. Ganito pala ang pakiramdam. Sobrang gaan. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang langit mula sa kinatitirikan ko ngayon. Pero naniniwala akong malapit lang iyon kung mayroon kang paniniwala kay Bro. Konting panahon pa Dyosa Nidora, Bro... makakabalik na ko diyan. Makakasama ko na rin kayo.

Lumingon ako sa katabi ko. Kaya ko bang iwanan si Alden? Ngayon pang nakikita na ang simula ng pagbabago sa kanya... Kaya ko bang mawalay sa kanya gayong napapalapit na ang loob ko sa aking alaga? Teka—alaga pa rin nga ba ang turing ko sa kanya?

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon