Chapter 9

208 14 4
                                    

Maid in Heaven

By: @yaaannkasi

---

Maine's POV:

Kanina pa ako nagmamasid sa kawalan. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko ngayon. Actually wala pala akong ginagawa, hinhinitay ko lang ang pagbalik ni Alden galing sa kung saan mang lupalop. Malamang gumimik 'yun o kaya nag-chiks. Ganitong oras niya ginagawa ang pagbubulakbol, kapag tulog si Lola Tinidora niya.

Oo nga pala, kanina pa kong hapon dito bumagsak sa lupa. Yes, you heard it! Nasa lupa na po katulad nga po ng sabi ni Dyosa Nidora. Kailangan maging successful ang plano namin na OPLAN: TAO-TAO. Kailangan naming magkatawang-tao, kaming mga anghel, upang makita kami ng mga taong tiga-lupa at tulungan silang mapagbago.

Kung bakit kasi hindi ako nakapagsalita kanina sa harapan ni Alden. Isinara niya pa ang bibig ko kasi nakanganga. Nakakainis! Bruhong yun! Akala mo kung sinong pogi. Uhmm.. Okay fine, sige na aaminin ko Gwapo talaga siya, at mas gwapo sa personal. Kaya ganun na lang 'yung pagkamangha ko kanina nang magkrus ang landas namin. Actually nginitian ko naman siya 'nung naghahanap siya ng masasakyan, pero nung kinausap na niya ko, natameme na ko. Nakakapagtaka nga sa lalaking iyon, may kotse naman, nag-aabang pa ng taxi. Tapos babaik din pala para kuhanin 'yung kotse niya. Ayy talaga nga naman.. Tsk tsk!

Nasa labas lang ako ng mansion nila Alden. Wala akong orasan na suot pero ano kayang oras na? Tumingin ako sa langit. Mukhang malalim na ang gabi. Nakakapanibago naman 'tong lugar na pinuntahan ko. Sa heaven kasi, maliwanag lang. Walang dilim. Maganda ang paligid at walang mga bahay-bahay. Naisip ko lang, totoo kayang masarap tumira sa mundong ito?

Malayo pa lang ay nakita ko na ang paparating na kotse. Alam kong si Alden na iyon dahil ang bilis magpaandar ng kotse. Hindi pa man siya nakakapasok ng gate ay bumaba na agad ito sakay ng kanyang kotse.

"Ikaw na naman!?" ani Alden habang nakapatong ang kanyang kaliwang kamay sa may pintuan ng kotse. Maangas ang kanyang pagkakasabi. "Who the hell are you?"

"Huyy Maine, sino ka daw?! Magsalita ka kaya!" may kung anong nagsalita sa aking isip.

Halos mautal-utal naman ako sa pagsagot sa kanya. "Ahmm.. Ano.. Ahmm.. A-ako nga pala s-si.. Maine."

Ngumiti ako sa kanya matapos magpakilala. Hindi siya tumugon sa sinabi ko. Agad naman siyang bumalik sa kotse upang paandarin iyon nang bumukas ang gate ng kanilang mansyon. Aba! Bastos na Alden na 'yun! Tatanung-tanungin ako tapos hindi rin pala ako kakausapin ng maayos!

"Maghunus-dili ka Maine.. Alalahanin mo may misyon ka at bawal maging bad. Be a good girl Maine. Calm down okay? Inhale.. exhale.." heto na naman ang mumunting tinig.

Akala ko ay magtutuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng mansyon nila nang maiparada na ni Alden ang kanyang kotse sa may garahe, ngunit nagtaka ako dahil lumabas pa ito.

"Ano bang kailangan mo?" inilabas niya ang kanyang pitaka na sobrang kapal. Hindi naman obvious na sagana talaga sila sa buhay. Iniabot niya sa'kin ang papel na pera. Hindi ko alam kung magkaano iyon. Hindi naman ako tiga-lupa. May mga alam lang ako sa kanila pero alam kong madami parin ang hindi ko pa nalalaman.

"A-Ano 'to.. Suhol!?" tanong ko sa kanya.

"Di ba nanglilimos ka?" asik naman niya sa akin.

Aba! At mukha ba kong nanglilimos? Excuse me! Sa ganda kong 'to mukha ba kong nanghihingi ng limos? Kung alam niya lang.. Naku kung alam niya lang talaga na isa akong anghel, baka mamangha siya sa'kin. Baka siya pa 'tong ngumanga kapag nakita niya ako at ang pakpak ko. Pero joke lang 'yun syempre. Baka nga pagtawanan pa niya ko kapag nalaman niya iyon. Syempre pa, tinatandaan ko ang bilin sa'kin ni Dyosa Nidora. Bawal ipakita ang pakpak. Bawal ipaaalam kung sino ako at ang aking misyon. At bawal din gumamit ng kapangyarihan dahil manghihina ako. Hindi ko alam kung totoo 'yung panghuli pero walang masama kung susunod. Sabi nga ni Dyosa Nidora, "Sumunod sa tamang daan upang hindi magdulot ng kapahamakan." O diba?! Check na check!

Maid in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon