Chapter 5.1

6K 151 8
                                    

They were now inside the library of the mansion. Bale tatlo sila kasama ang parang asong laging nakabuntot sa amo na si Dalton. Matapos buksan ang computer ay tumambad sa screen ang mga larawan ng isang lalaki. May kuha ito na mukha lang at meron ding life size. Sa tabi ng mga larawan ay ang mga impormasyon tungkol dito. Her eyes quickly browsed the profile on the screen.

Name: Police Chief Inspector Alexandros D. Altamonte

Age: 30 years old

Province: Nueva Ecija

Occupation: Chief of Operations, Criminal Investigation and Detection Unit, Zamboanga Peninsula

Educational Attainment: Bachelor of Science in Public Safety, Philippine National Police Academy, Class valedictorian, Class 2007

Awards Received: One of the Most Outstanding Young Police Officers

PNP Commendation Medal

PNP Mindanao Campaign Medal

PNP Efficiency Medal

Other information: 8 years in police service

She secretly admired the profile of the police, but what really caught her attention was his physical features. He was devilishly handsome. He was tall, muscular and sporting the much sought-after "healthy tan look", a typical Filipino complexion. Sa itsura pa lang, mukhang may dahilan upang mabahag ang buntot ng demonyong si La Russo.

"What do you want me to do with him?" patay-malisya niyang tanong. Pilit niyang itinago ang nararamdamang paghanga sa pulis.

"I want you to kill him. Tinik sa lalamunan ko ang pulis na iyan. Masyado siyang mapapel. Mula nang madestino iyan dito sa Zamboanga, ilang buwan pa lang ang nakakalipas, wala nang siyang ginawa kundi sundan ang mga gawain namin. Hindi tuloy makakilos nang maayos ang Orion Triangle dito sa Zamboanga dahil sa kanya. At nakarating sa akin na lately ay nagbabalak siyang arestuhin ako dito mismo sa aking teritoryo. And I cannot afford that to happen. Kahit Amerika ay hindi ako naipakulong nang matagal, ang maliit na bansang ito pa kaya?"

"Bakit ako ang napili mong trumabaho sa kanya? Marami kang tauhan na hindi hamak na mas magagaling."

"Masyadong matinik ang pulis na iyan. Baka hindi pa nakakalapit ang tauhan ko sa kanya ay tinadtad na niya ng bala. Hindi naman niya siguro paghihinalaan ang isang babae lalo na at alam nang lahat na walang babaeng miyembro ang Orion Triangle maliban sa anak ko na si Athena."

"Isa siyang alagad ng batas at ako ay ganoon din. Mga kriminal na katulad mo ang pinapatay ko, La Russo. Sa palagay mo ba ay maaatim kong pumatay ng isang kauri ko ang trabaho lalo na at wala namang personal na atraso sa akin?"

"I know you will do it, Cassandra. Alang-alang sa buhay ng iyong ina at kapatid. Matino akong kausap. Tumutupad ako sa usapan. Kapag sinabi kong ang buhay ng pulis na iyan kapalit ni Helena at Chester, tutuparin ko iyon."

"Stop calling my mother in a different name, La Russo. Maita Henderson ang tunay niyang pangalan."

"I will call her whatever I want. Habang naririto kayo sa aking teritoryo ay ako ang inyong panginoon. Tatawagin ko kayo sa pangalang gusto ko. Tatratuhin ko kayo sa paraang alam ko. But once you killed that police, wala na akong pakialam sa inyong mag-iina."

Naningkit ang kanyang mga mata. Pilit binabasa ang katotohanan sa mga sinabi ng lalaki. She was not stupid. Alam niyang pinaglalaruan lang siya nito. Gagamitin sa kasamaan at pagkatapos ay papatayin. Ngunit sa ngayon ay hawak ng lalaking ito ang alas at kailangan niyang makipaglaro rito. Kung mapapaniwala niya na susundin niya ang iniuutos nito, pansamantala siyang magiging ligtas sa loob ng teritoryo nito.

"Where can I find him?" tiim-bagang niyang tanong.

"Good. Dalton will bring you to him."

"Hindi ko kailangan ang aso mo. Kaya kong magtrabaho mag-isa."

"Wala pa rin akong tiwala sa iyo, Cassandra. Paano ako makakasigurong hindi mo ako oonsehin? Si Dalton ang magiging mata ko sa iyo habang wala ka rito. At kapag nagkamali ka, he is licensed to kill you. At baka maging ang ina at kapatid mo ay madamay sa galit ko."

Marahas siyang napabuntong-hininga. Hindi dapat malagay sa panganib ang buhay ng kanyang ina at kapatid. "Okay. Kailan ako magsisimula?"

"Sa lalong madaling panahon. Kailangang mapatay mo siya bago siya makapunta rito upang arestuhin ako."

"Sige, payag na ako."

"Bueno, simulan na ang initiation," pagkasabi noon ay pumalakpak pa si Salvador.

Sabay biglang pasok ng dalawa pang Salvadorian. Mabilis na hinawakan siya sa dalawang braso sabay turok ng syringe sa kanya. Muli siyang nakaramdam ng panghihina, nanginig ang kanyang mga tuhod dahilan upang mapaluhod siya, hindi pa rin bumibitiw ang dalawang tauhan sa kanya. Lumapit si Dalton at pumuwesto sa likod niya. Marahas nitong sinira ang kanyang damit sa likod dahilan upang malantad ang kanyang balat. She decided to turn around to see him when a burning object suddenly pressed to her skin near her nape. Sumagitsit ang nasunog niyang balat kasabay nang pangangamoy nito. She even saw the smoke on the periphery of her vision. She cried in pain. Gusto niyang pumihit upang bigwasan si Dalton ngunit hindi niya magawa dahil sa matinding panghihina. Then the two men released their grip on her. Parang lantang gulay na bumagsak siya padapa sa sahig. Groaning ang curling in pain.

Sa nanlalabo niyang diwa ay narinig pa niya ang huling sinabi ni Salvador.

"Ngayon ay isa ka nang Salvadorian. Dadalhin mo ang tatak na iyan habang buhay. At bilang isang Salvadorian, gagawin mo ang anumang ipag-uutos sa iyo ng iyong panginoon. At mula sa araw na ito, you will be called in your code name, Medusa."

Tnx for reading!!! Your votes and comments, pliit!!!

ARA


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon