Prologue

13.6K 243 17
                                    


Loubet St., Southern Forest Hills, Queens, New York, 2:30 A.M.

Mula sa mahimbing na pagtulog ay nagulantang siya, tila may ingay siyang narinig mula sa silid ng kanyang mga magulang. Minabuti niyang bumangon at alamin ito. Paglabas niya ng sariling silid ay nakasalubong niya si Chester, ang kanyang limang taong gulang na bunsong kapatid, matanda siya rito ng tatlong taon. Galing naman ito sa sariling silid, mukhang nagising din sa ingay, kinukusot pa nito ang sariling mga mata.

"What was that?" Chester asked with eyes half-closed.

"Honestly, I don't know, brother," naguguluhang sagot niya. Apat lang sila sa kanilang magarang bungalow sa eleganteng residential area ng sikat na Forest Hills sa Queens, New York. Imposibleng ang mga magulang niya ang gumagawa ng ingay na iyon dahil kapwa  edukado ang mga ito. Ang kanyang ama, si Peter Henderson ay isang kilala at pinagpipitagang judge sa kanilang bayan at ang kanyang ina naman, si Maita Morales ay isang Filipina nurse.

They rushed to their parents' room. Sumasasal ang tibok ng kanyang puso. Iba ang kanyang pakiramdam. Pakiwari niya ay may kung anong nangyayari sa loob ng kanilang tahanan.

Ilang hakbang pa ang layo niya ay narinig na niya ang sigaw ng kanyang ina at ang ungol ng isang lalaki na parang pinahihirapan. Lalo niyang binilisan ang mga hakbang,halos maiwan niya sa mahabang pasilyo ang kapatid.

Nadatnan niyang bukas ang silid ng kaniyang mga magulang na labis niyang ipinagtaka. Pagbungad niya sa pinto ay gayon na lang ang gulat niya. Paano'y hindi lang ang kanyang mga magulang ang nasa loob ng silid. There were also five men inside the room, fully armed and with black bonnets on their heads and faces to conceal their identity.

Agad na hinagilap ng kanyang mga mata ang mga magulang. She cried when she saw Peter Henderson curling on the floor, wounded and bleeding. Her mother was held in the arm by one man.

"Daddy," malakas na sigaw ng nagulat ding si Chester. Siya naman ay parang ipinako sa kinatatayuan. Alam na niya kung ano ang mga ito. Burglars. Pero paano nakapasok ang mga ito sa kanila gayong napakahigpit ng seguridad sa kanilang neighborhood?

Bumaling sa direksyon nila ang tingin ng limang lalaki.

Napasigaw ang kanyang ina pagkakita sa kanila. "Cassandra. Chester."

Bahagyang nag-angat ng ulo ang kanilang ama pagkarinig sa pangalan nila. "Spare my kids, please. Don't hurt them," hirap nitong wika.

"Estupido!" mura ng isa sabay tadyak sa tagiliran ni Peter. He curled in pain.

"Peter!" sigaw muli ng kayang ina. "Get what you want and then leave us. Please, leave us," pagmamakaawa ni Maita.

"I don't need your money. I am one hundred times wealthier than you. You know why I came here. I came here to kill your husband and to get you," sagot ng isang tila siyang pinuno. Napansin niya ang kakaibang accent nito sa pagsasalita ng English. Patunay na hindi ito isang Amerikano.

"You can kill me but you cannot get my wife, over my dead body."

"Si," nakakalokong sagot nito. "Over your dead body, estupido." Itinutok ng pinuno ang hawak na baril sa mukha ni Peter saka kinalabit ang gatilyo. Kumalat sa sahig ang dugo at utak ng kanilang ama. Napasigaw silang tatlo sa nasaksihan.

Tumingin sa kanila ni Chester ang lalaking bumaril sa kanyang ama. "Get them," utos nito sa mga kasama.

"Run," utos niya kay Chester sabay hawak sa kamay nito. Ngunit agad itong nasunggaban ng isang lalaki. Nakipaghatakan siya rito habang panay ang iyak ng nasasaktang kapatid. Napansin niya ang maliit na tattoo ng lalaki sa ibabaw ng kamay nito malapit sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Mukha ito ng demonyo.


Kahit nasa gitna nang pagkalito at kawalan ng pag-asa ay pinilit niyang itinatak sa isip ang itsura ng tattoo. Alam niyang kakailanganin niya ito balang-araw.

The other two men were approaching them. Noon naman tuluyang naagaw si Chester sa kanya.

"Chesteeerrrr!" she just shouted in desperation.

"Get that girl, pronto," galit na utos ng pinuno.

Awtomatikong ipinihit niya ang mga paa. Ayaw niyang iwan ang ina at kapatid ngunit naramdaman niyang kailangan niyang iligtas ang sarili. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kanyang kwarto habang habol siya ng tatlong lalaki. Pagkapasok sa loob ng silid ay dumiretso siya sa ilalim ng kanyang kama. Maya-maya pa ay pumasok na rin ang tatlong lalaki. Hinalungkat ng mga ito ang buong kwarto, binuksan ang lahat ng cabinet pati ang comfort room, mabuti na lang at walang nakaisip na sumilip sa ilalim ng kama. Nang magsawa ay lumabas na ang mga ito ng silid. Ilang saglit pa at narinig niya ang tunog ng papaalis na mga kotse.

Gumapang siya palabas ng kama at mabilis na tumakbo sa silid ng mga magulang. Isinisigaw niya ang pangalan ng kapatid. Ngunit pagbungad niya ay ang malamig na bangkay na lamang ng kanyang ama ang naroroon. Wala si Maita at si Chester. Tinangay ang mga ito ng mga kriminal.

Hysterically, she approached her father. Nakadapa ito, wasak ang suot na pajama. Ititihaya sana niya ito nang mapukaw ang pansin niya sa tatlong titik na iniukit ng mga kriminal sa likod nito gamit ang isang matulis na bagay.

S.L.R.

 Dear readers, I hope you will also support this new novel of mine just like what you did to Zach and Sandro.  This is an action story but romance is still incorporated. Tnx!


ARA


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon