Chapter 20.1

5K 165 11
                                    

Cassandra was sitting on the backseat of the car. Mixed emotions were now torturing her. Kung hindi lang niya alam na may mas mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ngayon kaysa sa damdamin niya ay baka kanina pa siya humagulhol sa matinding depresyon at kabiguan. Hindi lang ang ginawang pagtataboy sa kanya ni Alexandros ang labis niyang ikinalulungkot, higit ay ang katotohanang tila mahal lang siya nito habang magkahinang ang kanilang mga katawan. Once their bodily connection was cut, his true self would reveal. He was no different. He was just a typical man who would say he loves a woman while he is inside of her.

At dumagdag pa sa inis niya ang kanina pa niya napapansing mga makahulugang tingin ng Salvadorian sa kanya mula sa rear mirror. Matangkad ito at payat, ngunit mabalasik ang mukha. His square jaw and deep eyes looked threatening pero hindi siya nakakaramdam ng takot dito. This was the same driver that brought him to the apartment of Alexandros.

"May problema ba?" singhal niya rito.

"Hindi mo napatay si High Mount?" may pagdududang tanong ng Salvadorian. His eyes were still on the rear mirror.

"It's none of your business," masungit na tugon niya.

"May pakialam ako, Medusa. Dahil malinaw ang utos sa akin ni SLR." Biglang nagpreno ang Salvadorian at tumagilid paharap sa kanya. Ang kaliwang kamay ay nasa manibela pa rin pero ang kanan ay may tila kung ano'ng dinukot mula sa bulsa ng suot na itim na jacket.

She smelled danger. "Ano'ng utos niya sa iyo?"

Mabilis na umigkas ang kanang kamay nito sabay tutok ng baril sa kanya. "Patayin daw kita kapag hindi mo napatay o nadala sa kanya si High Mount."

"Ganoon ba?" tanong niya na hindi man lang natinag.

The Salvadorian smiled wickedly while slowly pulling the trigger of his gun. Suddenly, a shot was heard in the stillness of the night. Lumungayngay sa harap ng manibela ang walang buhay na Salvadorian.

Parang walang anuman na lumabas siya ng kotse. "Hindi mo alam na kanina pa nakatutok sa likod mo ang baril ko, bobong Salvadorian. Iniisip pa lang ni SLR, alam ko na." She muttered as she pulled the dead body from the car.

She drove the car. Lihim niyang ipinagpasalamat na hindi tinanggalan ni Alexandros ng bala ang baril niya dahil kung nagkataon, siya ang itinanghal na bangkay ngayon.

She bit her lips. Muling kumirot ang dibdib niya pagkaalala sa binata. Masakit pa ring isipin na pinagbintangan siya nito bilang isang kaaway at itinaboy palayo sa puso nito. Kung bakit sa sobrang sakit na naramdaman niya kanina ay hindi na niya nagawang ipaliwanag dito ang buong katotohanan. Ang tanging nagawa niya ay takasan ang mga pang-uusig nito.

She was hurting. Pero bakit? Dahil ba sa napipintong kabiguan na mabawi niya ang kanyang ina o dahil sa kabiguan sa pag-ibig ng binata? Alin man sa dalawa ang totoong dahilan, todong sakit ang nararamdaman niya ngayon. Now she realized, it's never really right to fall in love at the wrong time. She should not mix love and personal mission. She should not love a man like him.

Si Alexandros...

Her eyes were still misty when she reached the STYX building. Sa tuktok ng building na ito ay naroon ang helicopter na magbabalik sa kanya sa Helena's island. Matapos sabihin ang password sa guard na nasa harap ng glass door ay tuloy-tuloy siya sa elevator. Pinindot niya ang number button na magdadala sa kanya sa pinakamataas na palapag.

From the highest floor, she used the stairs to reach the roof top. Nadatnan niya na natutulog ang piloto ng chopper sa isang folding bed ilang dipa ang layo sa mula sa helicopter. Isa itong Indian national pero matatas managalog. Ginising niya ito.

"Nasaan si Hilton?" naalimpungatang tanong nito sa kanya.

"Hindi na importante kung nasaan siya," matapang na tugon niya. Ihahatid mo ba ako pabalik sa Helena's island o papatayin kita ngayon din?"

"You killed Hilton?" The Salvadorian hastily stood up. Walked few steps away from her and stood on a fighting stance. "Hindi mo ako kayang takutin, Medusa. Alam kong mapanganib ka pero hindi ako nasisindak sa isang babae."

"Puwes, hindi ko rin naman ugaling manindak, I just kill." She also prepared for a fight.

"Nasaan si High Mount?"

"Makulit ka pala," she blurted.

"You killed Hilton instead of killing the real target. Sinasabi ko na nga ba, hindi ka dapat pagtiwalaan, Medusa. Kahit kailan ay tinik ka sa Orion Triangle."

"Tama na ang satsat. Laban na."

"Isang tanong, isang sagot, Medusa. Nasaan si High Mount?"

"I'm here." Isang tinig ang nagmula sa hagdan. When she turned around, she saw Alexandros lazily going upstairs, with intense eyes on her. Gosh! He was really a looker. A drop-dead gorgeous cop.

Suddenly, she felt the urge to run towards him but she remembered that both of their lives were on danger now, so she had to finish off this Salvadorian first.

Thanks for reading. Merry x-mas everyone!



My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon