Chapter 2.2

6.7K 187 12
                                    

La Russo's mansion, Helena's Island, Zamboanga Sibugay.

Salvador La Russo's eyes surveyed his vast kingdom. From the wide veranda of the second floor of his mansion which was perched on the highest area of his private island which he named Helena's island, he could see the expanse of his territory. Nasasakop ng Zamboanga Sibugay ang islang ito. Isang primera klaseng lungsod na nasasakupan ng tangway ng Zamboanga. Naibigan niya ang rehiyong ito dahil sa mahalumigmig na panahon at madalang na kalamidad.

One year ago, he bought this 200 hectare island from a wealthy family at pinalabas na pagtatayuan niya ng private resort ngunit ang totoo ay headquarters nang newly founded syndicate ang ipinagawa niya, ang Orion Triangle. Dito isinasagawa ang mahahalagang pagpupulong ng kanyang mga lider at mga tauhan ukol sa pagpapalaganap ng krimen at pagkakamal ng salapi gamit ang kasamaan. Paminsan-minsan ay pumupunta rito ang dalawa niyang anak na siyang tumatayong lider sa dalawa pang rehiyon, si Eximore La Russo ng Luzon at si Athena La Russo ng Visayas.

Sa loob ng mahigit isang taon ay pinag-aralan niya ang mga dayalekto sa bansang ito. At dahil likas na may kakayanang mapag-aralan agad ang iba't ibang wika, sa loob ng maikling panahon na iyon ay natutunan niya ang Tagalog, Cebuano, Zamboangueno, Hiligaynon, Iranun, Sibanun at Ilocano.

A wicked smile curved on his mouth. He could say that his decision to break away from La Cosa Nostra two years ago and putting up his own mafia was not a mistake. Hindi siya nagkamali sa pagpili sa bansang ito dahil sa loob lang ng maikling panahon ay natutunan niya kung paano paiikutin ang mga tao at batas dito.

The people in this country had some characteristics that he used for his own advantage. Watak-watak ang mga mamamayan dito pagdating sa pulitika at relihiyon. Walang trabaho o negosyo ang karamihan. Marami ang mangmang, ang nagugutom, at nangangailangan ng masasandalan. At siya, si SLR ay nakahandang kumupkop at magbigay ng proteksyon sa sinomang nakahandang maglaan ng serbisyo sa kanya.

And that was a game he knew very well to play. Sa tagal niya sa loob ng La Cosa Nostra ay na-master na niya kung paano paglalaruan ang kahinaan ng mga tao. At kung paano gagamitin ito para sa kanyang sariling ambisyon. Kayamanan, tagumpay at kapangyarihan. Ito ang kanyang buhay. Ito ang kanyang pangarap.

Masasabing puwede na siyang magretiro. Sa edad na limampu't apat ay isa na siyang matagumpay na mafia leader. At katumbas ng tagumpay niya ay ang limpak-limpak na salapi na iniaakyat sa kanya ng kanyang mga iligal na negosyo. Marami na siyang nabiling pag-aari sa iba't ibang panig ng mundo. At masasabing matatag na rin ang Orion Triangle dahil kahit nakatayo ito sa maliit na bansa ay nakakapag-operate naman ito sa buong Asya at sa mga bahagi ng Africa at Europa.

Ngunit hindi pa masyadong hinog sa pamumuno ang dalawa niyang anak, si Eximore at Athena na kahit sa batang edad ay hinubog na niya ang isipan pagdating sa mga iligal na gawain. Nais niyang katulad niya ay maging tuso at madulas din ang mga ito pagdating sa pag-uusig ng batas.

At marahil kapag ayos na ang lahat, aalis na siya sa bansang ito at payapang mamumuhay sa isang lugar sa Latin America na napili niya kapiling si Helena.

Si Helena. Ang nag-iisa niyang pag-ibig. Ang babaeng nagparanas sa kanya kung paano magkaroon ng isang pamilya at kung paano maging isang ama sa kabila ng kanyang kasamaan at mga iligal na gawain.

Tnx for reading. Pls. don't forget your votes and comments.

ARA


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon