Chapter 13.1

4.8K 127 7
                                    

"Como stai?" SLR asked her as he entered the room, behind him was Eximore.

Tiningnan niya nang matalim ang lider ng mafia. SLR was now standing in front of her. He looked friendly but dangerous as well. Eximore was standing on his right, with both hands on the pocket of his black pants. He looked more relax than SLR.

"Non sto bene," inis na tugon niya. "Ano'ng klaseng tanong 'yan, La Russo?"

SLR shrugged his shoulders, paying no attention to her antagonism. "Matapang ka pa rin, Medusa, kahit alam mong wala ka nang magagawa. Dahil diyan ay lalo mo akong pinapahanga," he said in sarcastic tone.

"You can kill me now, La Russo. What keeps you from doing that?" sumingasing siya sa galit.

SLR laughed. "Not now, Medusa. You know that I still need you. Orion Triangle needs you."

"Ano pa ang kailangan mo sa akin? Nabigo akong mapatay si Major Altamonte at sa halip ay ang aso mong si Dalton ang pinatay ko."

"You were not able to kill Altamonte because you did not try. But few hours ago, you showed us how you fight, Medusa. Kahit sampung Dalton o sampung Altamonte ay kayang-kaya mong patayin gamit ang pambihirang lakas, utak at kaalaman sa martial arts."

"Go straight to the point, La Russo. Ano'ng dahilan at binuhay mo pa ako?"

"I'm giving you a second chance, Medusa. Kung hindi mo maatim na patayin si Altamonte, at least, bring him here and I will kill him. Kapag nagawa mo iyon, kalilimutan ko na pinatay mo si Dalton at ang iba ko pang mga tauhan. At tutuparin ko pa rin ang mga ipinangako ko sa iyo."

"I am now an enemy to him because of what I did to him . How can I bring him here?"

"With your wit and charm, any man will kneel before you. Sigurado akong sa mga sandaling ito ay nasasabik siyang muli kang makaniig."

"Is that the reason why you instructed Dalton to put aphrodisiac on my drinks?"

"Partly yes. Few women know that they can use their beautiful body for their own advantage. Altamonte is a man and I know that as a man, he is now crazy to taste you again."

"Should I trust you again, La Russo?" naningkit ang kanyang mga mata.

"Of course, Medusa. Because you have no choice. Ako pa rin ang panginoon mo dito. At ang isang alipin ay hindi puwedeng mamili o tumanggi sa ipinag-uutos ng kanyang panginoon."

"Alright," tugon niya habang pinapagana ang utak. "Just make sure that there'll be no dirty tactics this time. Gagawin ko ang gusto mo pero huwag mong papakialaman ang diskarte ko."

Ngumisi si SLR. "Grande! You will be unchained in few minutes, Medusa. Ihahatid ka ng isa sa mga tauhan ko sa cottage na magiging tahanan mo rito sa isla habang nagpapalakas ka. I expect you to regain your strength after two days. On the third day, you will meet Altamonte again." SLR whirled around and headed to the door. Eximore followed him.

"La Russo!" tawag niya.

SLR halted and turned his head. "Cosa?" Tumigil din sa paghakbang si Eximore at lumingon sa kanya.

"Where is my brother? I want to see him." She darted her eyes to Eximore but he didn't show any emotion.

"Mi dispiace. Nagsinungaling ako sa iyo, Medusa. Your brother was already dead. He was killed by Altamonte few months ago.

Parang bombang sumabog ang huling sinabi ni SLR.

"Sinungaling ka!" She struggled. Lalong humigpit ang pagkakabuhol ng lubid sa kanyang pulsuhan. Naramdaman niya ang hapdi nang pagkapanit ng kanyang balat pero hindi niya pinansin iyon. Mas mahapdi ang mga salitang narinig niya mula sa lalaki.

"Totoo ang narinig mo, Medusa. Ngayon ay may mahigpit ka nang dahilan upang patayin ang pulis na iyon."

"Sinungaling ka, La Russo!" nanginginig na bulong niya. "Sabihin mong hindi totoo iyan. Sabihin mong buhay ang kapatid ko. Buhay siya."

Ngunit tila manhid ang lalaki sa sakit ng kalooban na nararamdaman niya. Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita. "Nahuli ng grupo ni Altamonte si Chester sa isang operasyon. Alam mo ba kung paano pinatay ng mga pulis ang kaawa-awa mong kapatid? Pinahirapan muna nila. Binugbog ang kapatid mo hanggang siya na mismo ang nagmakaawa na patayin na lang siya. Nahuli ka nang ilang buwan, Medusa. Siguro kung napaaga ang dating mo dito sa Pilipinas, baka hindi sinapit ng bunso mong kapatid ang mapait niyang kamatayan."

"You're a liar. Why should I believe you, demon?" Nanghihinang sabi niya. Patuloy pa rin ang pagpipilit niyang makawala sa pagkakatali. Blood oozed from the wounds on her wrist.

"Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala, Medusa. Pero dapat mong isipin na hindi lang ako ang may utang sa iyo. "Yes, I killed your father and Altamonte killed your brother. Arrivederci!" Tumalikod na ito at tuloy-tuloy na lumabas ng silid kasunod si Eximore.

Maya-maya ay lumabas mula sa likod ng lumang aparador si Maita. She hurriedly headed towards the door. Ni hindi siya tinapunan nito ng tingin.

"Mommy!" tawag niya.

Ngunit tuloy-tuloy lang ito na lumabas ng pinto na tila walang narinig. Naiwan siyang nagsisikip ang dibdib dahil sa bagong kaalaman tungkol sa kapatid niya.

When she could no longer bear the pain, she released her emotion by shouting as loud as she could. "Aaaaaahhh!" Sinundan iyon nang malakas niyang hagulhol. The room was suddenly filled with her anger and pain.







My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon