Chapter 6.1

5.6K 162 4
                                    

Nakaluhod pa rin siya habang inaalalayan ang dalagang ngayon ay nanlalambot na nakakapit sa kanyang matitipunong braso. Hindi ito tuluyang nawalan ng malay. Ngunit tila tinakasan ito ng lakas kung kaya ni hindi nito makuhang tumayo. Ang namumungay na mga mata na kulay hazel brown ay matamang nakatitig sa kanya. They were big, deep and captivating. Malaki ang hawig nito sa isang artistang itinanghal na Miss World noong 2013, si Megan Young. His eyes suddenly landed on her pink lips. They are moist with light lip sheener causing them to look sweet and delicious. Parang tuksong nakita niya ang sarili na nilalasahan ang mga iyon. Pinaglabanan niya ang tukso na halikan ang mga iyon.

Ngunit hindi nakaligtas sa malikot nyang mga mata ang mayamang dibdib nito na nakabakat sa manipis na suot. Tumataas-baba ang mga iyon dahil sa malalim na paghinga. The perky tips were cursing under the thin cloth. At napakalinaw ng kanyang mga paningin pagdating sa mga ganoong bahagi ng babae.

She also noticed her foreign looks, magmula sa kulay ng buhok hanggang sa tangos ng ilong. Ngunit nakapagtatakang hindi masyadong maputi ang makinis na balat. Pag susuwertehin nga naman. Akalain mong isa yatang Amerikana ang biglang inihulog ng langit sa mga bisig niya.

Ngunit gayon na lang ang gulat niya nang matatas itong nagsalita nang Tagalog.

"Iligtas mo ako, mamang pulis. May nagtatangkang pumatay sa akin."

"Ano?" Mabilis siyang nagpalinga-linga sa loob ng restaurant. Ngunit ang nakita lang niya ay ang iilang customer. Ang ilan ay malisyosong nakatingin sa kanila samantalang ang iba naman ay walang pakialam habang tuloy lang ang pagkain.

"My life is in danger, maniwala ka sa akin. Alam kong pulis ka, kaya sa iyo ako humihingi ng tulong. Kapag napatay ako ng mga humahabol sa akin, dadalahin iyan ng konsensya mo," wika pa ng babae na tila nahalata ang pag-aalinlangan niya.

Maya-maya ay lumapit ang guard ng restaurant. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Ah, nahilo ang girlfriend ko. Mabuti na lang at naagapan ko siya agad," pagsisinungaling niya.

"Ganoon po ba, sir?"

"I'll bring her to the car." Sabi niya sabay walang anumang buhat sa dalaga. He carried her with his left arms on the back of her knees and his right hand on her nape.

Maagap na sumunod ang guard upang mabuksan nito ang pinto ng kotse sa tabi ng driver's seat. Maingat niyang ipinasok doon ang nanghihina pa ring babae. Pagkatapos magpasalamat sa guwardiya ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan.

Nang makalabas ng parking lot ay tila himalang umayos na ang pakiramdam ng babae. Ngunit napansin niya na tila balisa ito at nagpapawis gayong bukas naman ang air con ng kotse. Panay din ang hagpos nito sa leeg na tila nauuhaw. Panaka-nakang sumusulyap ito sa kanya habang hinahaplos ang sariling balikat, braso at dibdib.

"Are you alright?" tanong niya sabay sulyap dito. Napansin niya ang malagkit nitong titig sa kanya habang kagat ang pang-ibabang labi. Lihim siyang napangiti sa ayos nito.

At ganoon na lang gulat niya nang biglang sumiksik sa kanya ang babae, sabay patong ng kamay nito sa isa niyang hita. She smelled her sweet breath. Her breasts pressed against his one arm.

His body automatically responded to the sensual act of the woman. His blood suddenly rushed through his veins.

The woman started to kiss his right face and neck while her one hand was gently massaging his thigh. Her sweet scent filled his nostrils. He suddenly felt trouble while driving.

"Stop it, miss, o pabababain kita ng kotse," babala niya kahit sa sulok ng isip niya ay mukhang hindi niya makakayang pakawalan ang napakagandang babaeng ito.

"You won't do that, I know. So, stop threatening me," mapanukso nitong sagot, tuloy pa rin sa paghalik sa kanya. Ang isang kamay nito ay lumipat sa tapat ng kanyang dibdib at masuyong humahagod doon. Napahingal siya dahil sa sensasyong hatid ng mga halik at hagpos nito. He felt the tightening of his pants. Now, he couldn't deny his arousal.

"Who are you?" tiim-bagang na tanong niya. Tuloy pa rin siya sa pagmamaneho kahit nawawala na ang kanyang konsentrasyon sa ginagawa.

"My name is Cassandra Henderson, half-Filipina, half-American."

"Kaya naman pala. Now I know, Amerikana ka kaya ganyan ka ka-liberated."

"Hmm, let's just say I am attracted to you," she whispered on his ear. "You can bring me anywhere, Chief Inspector Alexandros Altamonte."

"You know my name?"

"Yes. Ano'ng nakakagulat doon? Kapag gusto mo ang isang tao, you will do everything just to know the person, right?"

He secretly smiled. Sanay na siya sa mga atensyon na itinutuon ng mga babae sa kanya. Pero hindi lahat ng palay na lumalapit sa kanya ay tinutuka niya. Namimili siya. Kung kaya pagkatapos niyang makipag-break sa kanyang kasintahan five years ago, ay nawalan na rin ng kulay ang kanyang sex life. Imagine, five years siyang walang sex. At para sa isang lalaki na tigang sa mahabang panahon na katulad niya, ang mahiwagang babae na ito sa loob ng kanyang kotse ay isang katakam-takam na pagkain.

At sino siya para tanggihan ito?

Iyon nga lang, paano kung ang babaeng ito ay padala pala ng kanyang kaaway para gawing pain?

Ganoon pa man, ito ay isang napakagandang pain na hinding-hindi niya matatanggihan.


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon