Epilogue

11.4K 327 47
                                    

Three years later...

Abalang-abala si Cassandra sa paghahanda ng mga masasarap na pagkain. Narito siya ngayon sa kanilang magarang bungalow sa loob ng isang exclusive subdivision sa Nueva Ecija. Masayang-masaya siya dahil ilang oras na lang ay darating na ang mga inaasahan niyang panauhin. Nang matapos magluto ay agad niyang inihain ito. Naligo siya at isinuot ang light blue sundress na regalo sa kanya ng inang si Maita noong nakaraang birthday niya.

Nang tumunog ang door bell ay nagkakandarapa siyang tumakbo upang buksan ang pinto. Tumambad sa kanya si Maita Henderson. Kagagaling lang nito sa US. Umuwi ito roon upang asikasuhin ang mga ari-arian nila sa Queens, New York. Bumalik lang ito para sa napakahalagang araw na ito. Elegante itong tingnan sa suot na vermillion dress. Nakapusod ang buhok nito kung kaya lalo nitong napanindigan ang pagiging isang dating beauty queen. Napakaganda ng kanyang ina, elegante at glamorosa. Hinding-hindi niya pagsasawaang pagmasdan ang kagandahan nito na labis na sinamba ng kanyang amang si Peter Henderson at kinabaliwan ni Salvador La Russo.

Sabik na niyakap niya ang ina pagkatapos ay hinalikan sa magkabilang pisngi. Gumanti ito ng halik.

"How are you, honey?"

"I'm fine, mommy."

"Narito na ba sila?"

"Wala pa, mommy. Pero on the way na raw sila."

Papasok na sana sila sa loob ng bahay nang may bumusina sa labas ng gate. Tuloy-tuloy na pumasok ang kotse sa nakabukas na gate na bakal at tumigil sa tapat mismo ng front door. Pigil ang hiningang hinintay nila ang mga bababa sa sasakyan.

Unang bumukas ang isang pinto sa tapat ng passenger's seat. Lumabas mula roon ang isang matangkad at makisig na binata. Agad itong sumulyap sa kinatatayuan nila. Pagkuwa'y ngumiti at kumaway.

"Chester..." halos maluha siya sa kaligayahan nang muling makita ang kapatid.

Umikot ito sa kabilang pinto at binuksan iyon. Isang magandang dalaga naman ang lumabas mula sa sasakyan.

"Athena..." Ngayon ay halos magtatalon na siya sa tuwa nang ang bunsong kapatid naman ang nakita.

Patakbong sumugod sa kanila si Athena at yumakap kay Maita. Si Chester naman ay agad ding yumakap sa kanya.

"I miss you so much, brother," naluluhang wika niya habang hinahagpos ng palad ang curly bronze hair ng kapatid. His brown eyes stared at her.

"I miss you too, ate. And I love you," basag ang tinig na tugon nito. "Thank you so much for your sacrifices."

Matagal niyang tinitigan ang mukha ng kapatid. Paano'y para niyang nakikita ang kanilang ama sa anyo nito. Pagkuwa'y kumalas ito upang yakapin naman si Maita. Nakangiting lumapit naman sa kanya si Athena at inabot ang mga kamay niya.

"Parang nararamdaman ko pa rin ang takong ng combat shoes mo sa panga ko, ate Casey," nakangiti nitong wika habang mahigpit na hawak ang mga kamay niya. "At ang malupit mong kamao sa sikmura ko. Though that was three years ago."

"Yes, that was three years ago. Pero nakaguhit pa rin sa likod ko ang mga marka ng iyong latigo."

Nagkatawanan sila. Kapwa lumapit sa kanila si Maita at Chester at nagyakapan silang apat. Umaapaw ang kaligayahan sa puso niya ngayong buo na mulli ang kaniyang pamilya. Natapos na nina Chester at Athena ang sentensiya sa kanila. Dahil sa pag-amin sa mga kasalanan at pagtestigo laban sa Orion Triangle, napagaan ang kaso nila.

"You can go back to New York now and start a new life," masaya niyang sabi sa tatlo. "Naghilom na ang sugat ng nakaraan sa ating mga puso."

"You sure you don't want to go with us?" si Chester ang nagtanong.

"Yes. I have a new life here. Malayong-malayo sa buhay ko sa US. At masayang-masaya ako rito."

"Tama ka, ate Casey. Ibang-iba ka na ngayon. I mean, babaeng-babae ka na. Parang hindi na ikaw iyong dating astig na FBI special agent."

"Tama," isang tinig ang narinig nila. Nang lingunin nila ito ay nakita nila si Alexandros na nakatayo sa likuran nila. Katatapos lang nitong ipasok sa garahe ang kotse. Ito kasi ang sumundo kina Chester at Athena mula sa kulungan. Maaliwalas ang mukha nito. Sa loob ng tatlong taon ay halos walang nagbago sa taglay nitong kakisigan. He was still the damn, gorgeous cop that rocked her world. Malagkit ang mga titig nito sa kanya na para bang nagpapaalala sa kanya kung gaano siya kamahal nito. "But she is still deadly and dangerous. Kaya iniiwasan kong magalit siya. Minsan na niya akong binugbog at halos ikalumpo ko iyon."

Nagkatawanan silang lahat. Lumapit siya sa asawa at masuyong ipinulupot dito ang mga braso niya. Tumingkayad siya upang lapatan ito ng isang malambing na halik.

Lumapit sa kanila si Chester. "Ikaw din naman, Alexandros, este bayaw. Deadly and dangerous ka rin. Muntik mo na akong mapatay dahil sa mga pamatay na moves mo. Akala ko noon ay ang galing-galing ko na sa martial arts pero natauhan ako nang makaharap na kita."

Ngumiti si Alexandros. Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "Puwede nating ulitin kung gusto mo. Malay natin, baka makabawi ka."

Chester laughed. "Puwede pero huwag ngayon. Wala akong praktis, eh." Nang bigla itong sumeryoso. "But seriously speaking, bayaw. Salamat sa lahat, sa mga tulong mo at sa pag-aalaga mo sa ate namin."

"Wala iyon. Tungkulin ko iyon bilang isang alagad ng batas. Nakahanda akong ulitin iyon kung kinakailangan." Pagkuwa'y nagyakap ang dalawang lalaki.

Nang biglang dalawang tinig ang umalingawngaw mula sa pinto ng bahay.

"Daddyyyyy!" Nagmula iyon sa isang batang lalaki at isang batang babae na mukhang parehong dalawang taong gulang. Kapwa nakangiti habang nakatayo sa pinto. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita si Alexandros.

"S-sila ba?" nakangiting tanong ni Maita habang nakatingin sa dalawang bata.

"Yes, mommy. Si Apollo at si Phoebe. Ang bunga ng pagmamahalan namin ni Alexandros."

Parang namalikmata ito sa nakikita. "My God! They are soooo beautiful. Parang kayo lang ni Chester noon. And their names were taken from the twin Roman god and goddess of light and moon."

"You're right, mommy. Ganoon kasi ang tawag sa akin ni Alexandros, moonlight and fire," nakangiting tugon niya. Pagkuwa'y bumaling siya sa asawa. "Oh, ayan ang mga makukulit mong tsikiting-gubat, Police Superintendent Alexandros Altamonte. Tingnan ko lang kung gagana ang maximum tolerance sa kakulitan ng dalawang iyan."

Humahalakhak na lumuhod si Alexandros upang hintayin sa mga bisig ang dalawang paslit na nag-uunahan sa pagtakbo. Mahigpit nitong niyakap at hinalikan ang mga anak.

Napangiti siya. Umaapaw ang kaligayahan sa puso habang pinagmamasdan ang kaniyang mag-aama. A sigh of joy escaped from her lips.

Moonlight and fire. Si Apollo at si Phoebe ang liwanag na tatanglaw sa landas na tatahakin nila ni Alexandros bilang mag-asawa. At ang apoy na magpapanatili ng init ng kanilang pagmahahalan.

Thanks for reading, guys! I hope you will also read and love  another book of To Love, To Serve and To Protect Series "My Drifting Star."

My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon