Chapter 10.2

4.9K 149 5
                                    

May ilang metro rin ang layo ng kinaroroonan ng function hall, ngunit balewala lang sa kanya na lakarin o paminsan-minsang takbuhin ito. Ngunit habang papalapit sa tatlong palapag na building ay parami naman nang parami ang mga Salvadorian na gustong humadlang sa kanya upang makalapit dito. Ilang Salvadorians ang nakatikim ng bagsik ng kanyang mga sipa at kamao.

Nang nasa entrance na siya ay tatlong guwardiya ang sabay-sabay na sumugod sa kanya, ngunit desidido siya na mapasok ang hall kung kaya buong husay siyang nakipaglaban sa mga ito. One Salvadorian succsesfully held her in her arms. Binalite nito ang dalawa niyang braso at marahas siyang pinigilan mula sa likod. Nawalan nang silbi ang dalawa niyang kamao pero kaya pa rin niyang ituloy ang laban gamit ang malakas niyang mga sipa. Nang mapalapit ang mukha ng Salvadorian na nakahawak sa kanyang mga braso ay ubod lakas niyang pinatikim ito ng sarili niyang version ng 'Glasgow kiss', gamit ang likod ng kanyang ulo. Nang mabitiwan siya nito ay isang elbow kick ang pinakawalan niya, diretso sa talagang target, ang itaas ng kilay nito. Agad na sumirit ang dugo sa pumutok na noo nito.

Isang napipikong Salvadorian ang nagtutok ng dulo ng hand gun sa noo niya. He was about to finish her off by pulling the trigger of the gun when another Salvadorian came out from the security turnstile door.

Sumigaw ito sa wikang Italyano.

"Fermo!" Galit na sinugod nito ang Salvadorian na nagtutok ng baril sa kanya. Pagkuwa'y walang sabi-sabing inundayan ng suntok ito.

She knew what it meant. Salvadorians  could hurt her physically, but they couldn't kill her.

Yamot na iniwan niya ang mga kalaban at sumugod papasok sa building na halos yari sa salamin. Pagkapasok ay agad na bumulaga sa kanya ang maluwang at napakaeleganteng function hall at ang napakaraming Salvadorians. All of them were on their elegant black suits. They were sitting on round tables while feasting on delicious foods and expensive wines. Malakas at maharot ang musikang pumapailanlang sa paligid. Mukhang may okasyon talaga. But she didn't care. Desidido siyang sirain ang kasayahang ito.

Parang iisang tao na kumilos ang ilang Salvadorians na nakatayo at nakaharang sa daraanan niya. Walang pangingimi na tuloy-tuloy siyang nakihalo sa matatangkad, matitipuno at mababalasik na myembro ng Orion Triangle. Her eyes scrutinized all the people inside the hall. Iisang tao lang ang hinahanap niya.

The music suddenly stopped when she reached the middle of the hall. Gulat na nagtakbuhan paalis ng dance floor ang may sampung babae na kasalukuyang nagtatanghal. They were all beautiful and sexy in their Hawaiian costumes. She heard the sighs of disappointment from some Salvadorians.

Nang mawala ang mga babae sa gitna ng bulwagan ay tumambad sa kanya ang taong hinahanap. SLR, together with some guests, was sitting behind a long table on the far end of the hall. Sa harap nito ay nakahain ang masasarap na pagkain at mamahaling mga alak. He was also staring at her as if he expected her coming.

She slowly strided towards him while clenching her fists. Umaalon sa galit ang dibdib niya. Habang papalapit ay nakilala niya ang magandang babae na nakaupo sa tabi nito. Sa isang iglap ay parang binuhusan nang malamig na tubig ang nag-aapoy niyang damdamin.

It was Maita Morales, sitting beautifully beside SLR. She was also looking at her but her face was blank. She couldn't detect any emotion in those loving eyes which used to stare at her with love and care when she was young.

A familiar ache crushed her heart. She felt the urge to run towards her mother, embrace her and cry on her shoulders. Kung puwede nga lang ay isumbong niya rito ang mala-impyernong pinagdadaanan niya ngayon.

But she knew that this was not the right time. She should not let herself to be swept with emotions. Dahil kung hindi nya pipigilan ang sarili ay baka masira ang lahat ng plano niya.

She also noticed a young, beautiful woman sitting beside Maita. She had Caucasian features. Her long, blonde hair matched her white skin. Maayos na naka-pony tail ang mahaba at tuwid nitong buhok. Nakatingin ito sa kanya.

Lumipat naman ang mga mata niya sa bandang kanan ni SLR. She saw a handsome, young man with wavy, bronze hair sitting beside him. He also looked American though his skin was not as white as the young woman beside Maita. Sa tingin nga niya ay parang kakulay niya ang balat nito. He was also looking at her.

"Benvenuta, Medusa!" SLR slowly stood up. "Welcome to my birthday party." He raised his arms as a gesture of welcoming her. "Tamang-tama ang dating mo. Nais kong ipakilala sa iyo ang dalawa kong anak. It's my pleasure to introduce to you my son, Eximore La Russo, and my daughter, Athena La Russo."

Malinaw niyang narinig ang mga sinabi ni SLR pero hindi niya pinansin iyon. May mas mahalaga siyang sadya kung bakit napadali ang pagbabalik niya sa Helena's island.

Naningkit ang mga mata niya. Nagtagis ang kanyang mga bagang. "Bakit mo iniutos kay Dalton na lagyan ng gamot ang inumin ko?"

"Scusami!" Tila maamong tugon ng lalaki.

"Huwag kang magkunwaring mabait sa harap ng mga anak mo at ng mga tauhan mo," gigil niya. "Ang usapan ay papatayin ko lang ang pulis na iyon. Labas ang katawan ko sa usapan natin."

"Si! Pero nagawa mo ba?"

"Muntik na. Pero natuklasan ko na hindi ka mapapagkatiwalaan sa isang kasunduan."

Nakakalokong ngumisi ang Italyano. "Ganoon din ako. Nalaman ko na hindi ka rin marunong tumupad sa usapan."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Humihingal siya sa galit. Kanina pa niya gustong-gustong lundagin ang lalaking ito sa kinatatayuan at pilipitin ang leeg nito sa harap ng mga tauhan nito.

"Mia Medusa," muling ngumisi ito na parang nakakaloko. "Hindi mo na panghihinayangan ang isang mahalagang bagay na nawala na sa iyo. Sabi nga ng mga Amerikano, "It's useless to cry over spilled milk'. Kapag nawala na ang anumang iniingatan mo, magiging madali na para sa iyo ang pagsunod sa mga ipag-uutos ko nang walang alinlangan."

"Ganon ba?" She also smiled sarcastically. "Puwes, ano naman ang mararamdaman mo kung sabihin kong nawala na sa iyo ang paborito mong aso?"

SLR's face suddenly turned pale. "Si Dalton ba ang tinutukoy mo?" Nagliliyab ang mga mata nito habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Oo. Pinatay ko lang naman ang kampon ng demonyong kumuha sa kapatid ko. Ngayon, amanos na tayo. Nababoy ang katawan ko, pinatay ko namang parang baboy ang alaga mo."

Salvador stumped his fists on the table. "Diablo!"

Nagulat ang mga tao sa reaksyon nito maging si Maita at ang dalawa nitong anak. Ngunit hindi siya. She stood motionless and fearless while preparing herself for the next possible fight.



My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon