Chapter 11.2

4.7K 136 14
                                    

But she had no time to think. Kailangan niyang pag-aralan ang kasunod na kalaban kung kaya inilipat niya kay Eximore ang mga mata. Mas matangkad at mas guwapo ito sa malapitan kaysa sa inaasahan niya. He had hazel brown eyes just like hers. Halos magkakulay rin ang mga balat nila. His curly, bronze hair matched his chiseled face. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kanya ng ilang taon lamang.

He was challenging her. But she couldn't feel any urge to fight him. Mas gusto niyang titigan ang guwapong mukha nito na tila may kung anong bahagi sa kanyang alaala. Mas gusto niyang kausapin ito at tanungin kung nagkita o nagkakilala na sila.

"We're not enemies," mahinahon niyang wika. "I won't fight you."

"You will fight me whether you like it or not." Ngumisi ito, lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin.

Lalo siyang nalito. Kilala niya ang mga ngiting iyon. She transferred her eyes to Maita and opened her mouth but no words escaped from her mouth.

Hindi niya tuloy namalayan ang pagdating ng isang suntok mula kay Eximore, sapol siya sa pisngi. Napaurong siya, sapo ang namamagang bahagi ng mukha.

It was only a jab but she knew that she couldn't afford to receive more jobs from him or else, she will lose this fight.

Eximore continouosly threw punches on her. All she could do was to cover-up to avoid his incoming strikes. She pressed her both fists against the front of her face to protect it but she knew that this type of guard was too weak against attacks from below. At hindi siya nagkamali, isang suntok ang diretsong tumama sa kanyang sikmura nang bahagyang bumuka ang dalawang braso niya na nagpoprotekta dito.

She gasped for breath. Her knees wobbled. Napaurong siya habang sapo ang sikmura. Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang muling pag-atake ni Eximore. She automatically jumped laterally to avoid his punch. Mabilis na umigkas ang kanyang kanang kamao patungo sa sikmura nito. Nang bahagyang mapayuko ito ay sinalubong naman ng kanang tuhod niya ang panga nito. She dazedly took few steps away from him to give him a tornado kick. Desidido na siyang tapusin ang laban bago siya ang tapusin nito.

But before she could launch herself into the air, she heard a hissing sound from behind.. At bago pa siya nakapihit upang tingnan ito ay may mahabang bagay ang pumaltik sa likod niya. Matalim na gumuhit sa balat niya ang kahabaan nito. Makirot ito, sagad sa laman. Napaliyad siya sa sakit. Alam niyang nasira ang damit niya sa likod. Sunod-sunod na tumama sa likod at braso niya ang bagay na iyon na nagdudulot sa balat at laman niya ng ibayong sakit. When she turned around, she saw Athena La Russo, with her whip whirling in the air. Hindi niya inaasahan ang pagsali nito sa laban. At alam niyang dehado siya. Dahil sa latigo nito na sunod-sunod na pinapatama sa kanya ay hindi siya makakalapit dito. Sanay na sanay ito sa paggamit ng latigo, alam kung saang parte ng kanyang katawan patatamain. Unti-unti siyang napaluhod habang namimilipit sa sakit.

"Shit! Who told you to join this fight, Athena?" asik ni Eximore.

"You're a weakling, Eximore. Para isang babae lang? Hindi mo kaya?"

"Kaya ko siya, kaya umalis ka na! Huwag kang makialam ditto."

"Not now. I enjoy seeing her curling and groaning in pain." Athena continued on lashing her. Namilipit lalo siya sa sakit.

"Stop it!" Sigaw nang hindi nakatiis na si Maita. Nakatayo ito habang hilakbot na nakatingin sa kanilang tatlo na parang nakakita ng multo.

"What's wrong, mi amore?" gulat na tanong ni Salvador.

She didn't answer. Her eyes were rounded and her mouth opened wide. Her white skin turned pale.

"S-si figuri, mi amore!" Parang biglang natauhan ang babae, dagling huminahon ito. "I just want you to stop the fight, per favore!" pakiusap nito.

"Prego, mi amore!" Tumango-tango si Salvador pagkuwa'y bumaling sa kanilang tatlo. "Tama na 'yan!"

Mabilis na lumapit ang dalawang Salvadorian sa kanya at walang anumang binitbit siya upang ilayo sa hall. Hinang-hina siya kung kaya hindi siya halos makatayo. Sa nanlalabong paningin ay naaninag pa niya ang palapit na si Eximore. Nakangisi ito.

"Uulitin natin ito, Medusa, and I'll make sure you are dead next time," mahina ngunit mariing wika nito.

My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon