Chapter 8.2

5.5K 159 7
                                    

Pagkalabas ng elevator ay humahangos na tinakbo niya ang roof top ng Styx building. Pag-aari ni Salvador ang ten storey building na ito sa downtown ng Sibugay gamit ang isang dummy. Sa tuktok ng building na ito ay mayroong helipad. Dito sila lumapag ni Dalton kaninang umaga sakay ng isang helicopter.

Pagsapit sa roof top ay agad niyang namataan ang helicopter na ginamit nila. Ngunit wala sa loob si Dalton at ang piloto. Humahangos na nilapitan niya ito. Mula sa likuran niya ay sumulpot ang kanyang hinahanap. She immediately turned around. Biglang umakyat sa ulo ang kanyang dugo nang makita si Dalton. Sa tabi nito ay nakatayo ang isang Salvadorian na tila isang Pakistani. Matangkad ito at may kapayatan. Hindi niya gusto ang pagmumukha nito.

"Buona sera! So you're here, Medusa. I didn't expect that you will return here this early," nakakalokong ngisi nito.

She smiled sarcastically, too. "Oh, yeah? I needed to return here immediately to kill an old dog."

"Hey, something's wrong?" tanong nito, hindi pa rin naaalis ang pagkakangisi.

"Wala sa usapan na hahantong kami sa kama nang pulis na iyon," unti-unti siyang humakbang palapit sa dalawang lalaki, tikom ang mga kamao, ibinubuga nya sa hangin ang galit.

"Non capisco!" pagkukunwari nito na walang alam.

"Hayop ka! Bakit mo nilagyan ng gamot ang inumin ko?"

"Ah, iyon ba? Ti piasce? Nag-enjoy ka naman, hindi ba? Pasalamat ka at ipinaubaya kita sa pulis na iyon, ayon na rin sa utos ni Salvador. Dahil kung ako ang masusunod, sa akin ka sana bumagsak, o sa aming dalawa kaya." Nakakalokong itinuro pa ng lalaki ang katabing Pakistani. Ngumisi ang Pakistani na tila naintindihan ang sinabi ni Dalton. Malisyosong humagod ang mga mata nito sa kabuuan niya. Agad siyang nakaramdam ng pandidiri.

"Bakit? Gusto n'yo rin ba?"

"Mukhang nakulangan ka pa sa pulis na iyon, Medusa?" Mukhang sineryoso ni Dalton ang huling sinabi niya.

"Oo. Sa totoo lang, biting-bitin ako sa aksyon. At ngayon ay hot na hot ako..."

"Wow! Davvero?"

"Permesso. Pero kanina pa ako hot na hot na patayin ka."

Mabilis ang sumunod niyang kilos. Sa isang iglap ay lumundag siya sa ere, sabay ikot. Isang pamatay na spinning roundhouse kick agad ang ibingay niya rito para hindi makaporma. Sapol sa kaliwang pisngi si Dalton. Mabuway itong napaatras.

Maagap niyang isinunod ang nabiglang Pakistani. Isang side kick ang agad na ibinigay niya rito. Tumilapon ito sa malayo pero agad niyang nilapitan. Bago ito nakatayo ay lumuhod siya sa tabi nito sabay bigay ng isang right hand knife strike sa leeg.

"Kanina pa ako naaasar sa pagmumukha mo kaya matulog ka muna."

Pagbaling niya kay Dalton ay mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla. Marahan nitong pinahid ang dugo mula sa pumutok na labi. Nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya. He pulled his chest out and stretched his arms as a preparation for a fight. Hinubad pa nito ang suot na itim na gloves upang maisuot sa pagitan ng mga daliri ang isang bakal.

"Are you thinking that you can defeat me? Estupida!" sumisingasing na wika nito habang marahang humahakbang palapit sa kanya. "Ako ang pinakamatagal at pinakamagaling na tauhan ni Salvador. Mula pa sa La Cosa Nostra ay magkasama na kami. Pinanday na nang mahabang panahon ang mga karanasan ko sa pakikipaglaban."

"Halata ko nga." She smiled while sheepishly. "But I think you're too old to fight me. How about a rest, mad dog? Non ti preoccupare, ako na ang bahala dyan."

He rushed toward her. Sunod-sunod na suntok ang ibinigay nito sa kanya. Humahaginit sa hangin ang mahahaba at matigas nitong mga braso at kamao. Ngunit maliksing naiilagan o nasasalag niya ang mga iyon nang walang kahirap-hirap gamit ang tamang parrying o blocking.

I am not an FBI special agent for nothing, gigil na bulong niya sa sarili.

Agility and elusiveness, fluidity of movement and transference of force. Iyon ang mga katangian na hindi inaasahan ni Dalton sa kanya. Sa ilang suntok na ibinigay nito ay wala ni isa mang tumama.

Using the strategy of moving out of the way or range of strike, she was able to be close to him for a counter-attack. Sinunggaban niya ang pulso ng kanang kamay nito na muntik nang tumama sa mukha niya. Hindi nakaligtas sa mabibilis niyang mga mata ang maliit na tattoo na malapit sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo nito.

Ang marka ng demonyo. Ang mukha ni Satanas.

A familiar sight automatically flashed on her mind. Parang may button sa utak niya ang napindot kung kaya biglang nag-flashback ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya.

How could she ever forget the most painful and hateful tragedy that struck her family when she was only thirteen years old? She was a picture of a young girl screaming wildly and miserably as she was staring at a tall, dark man who was trying to pull her younger brother away from her? Tears were streaming down her face as she was trying to save Chester. Umiiyak din ito sa sakit habang pinag-aagawan nila ng lalaking kasama ng limang kriminal na pumasok sa bahay nila sa Queens, New York. Malakas ang lalaki kung kaya unti-unting humulagpos ang pagkakahawak niya sa braso ng kapatid. Ngunit bago tuluyang naagaw ng sindikato ang kapatid ay nakita pa niya ang maliit na tattoo sa ibabaw ng kanang kamay nito sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo.

Ang marka ng demonyo. Ang mukha ni Satanas.

And she couldn't be mistaken. Ang lalaking iyon at si Dalton ay iisa.

Votes and comments, pls.

ARA


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon