Chapter 3.1

6.2K 169 4
                                    

Maya-maya ay lumapit sa kanya si Dalton Baldovini, ang kanyang matapat na alalay simula pa noong pareho silang kasapi ng La Cosa Nostra. Ngunit higit sa isang amo at tauhan ang turingan nila sa isa't isa. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, naging matalik silang magkaibigan o baka higit pa.

Dalton was in his early 40's. Just like him, he was tall and muscular. His skills in fighting using weapons or martial arts were fortified by his experiences in La Costa Nostra and in Orion Triangle. He could still remember that he was among the youngest member of La Cosa Nostra before. In fact, Dalton was with him when Judge Peter Henderson sent them to jail nineteen years ago. At kasama niya ito nang pumasok sila sa bahay ni Peter Henderson para isakatuparan ang kanilang paghihiganti.

"Buon giorno, Salvador," bati nito sabay abot sa kanya ng isang telescope.

"Ano'ng masasabi mo, Dalton?" tanong niya habang inaabot ang telescope.

"Dumating na siya, tulad ng iyong inaasahan," makahulugan nitong tugon.

"Mabuti kung ganoon." Nangingiting itinapat niya ang telescope sa mga mata, ang kabilang dulo nito ay nakatuon sa dagat.

Sa layong ilang milya ay kitang-kita niya ang papalayong motor boat habang may isang tila tao na lumalangoy patungo sa isla.

"Magaling. You welcome her, katulad nang ating pinaghandaan."

"Masusunod, Salvador." Bahagyang yumuko si Dalton pagkuwa'y tumalikod na ito.

Ilang minuto na siyang lumalangoy ay parang hindi pa siya napapagod. Sisiw lang kasi sa kanya ito bilang isang magaling na swimmer noong nasa college siya. At lalong nahasa ang galing niya sa paglangoy noong nag-training siya sa FBI bilang special agent. Kasama kasi ang swimming lesson sa survival skills na kailangan niyang matutunan.

Kailangan kasi niyang languyin na lang ang ilang milyang distansya patungo sa Helena's Island upang hindi siya mamalayan ng mga tauhan ni SLR. Kung lalapit siya sa islang ito sakay ng motor boat ay baka hindi pa siya nakakasampa sa dalampasigan nito ay nabistay na siya ng bala ng mga tauhan ng Orion Triangle.

Pagsapit sa dalampasigan ay namangha siya sa ganda ng isla. Nalalatagan ito ng mga luntiang halaman at puno. Ganoon pa man ay hindi mo aakalain na nasa isang isla ka dahil mistulang isang modernong village ang lugar na iyon. May mangilan-ngilang mga bahay at may sementadong daan paakyat sa tila tuktok ng maliit na bundok. At mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita ang maringal na mansion ni SLR.

Naniningkit ang kanyang mga mata habang pinapasadahan ng tingin ang nakakalulang kayamanan ni SLR. Mga bunga ng kasamaan. She tightened her jaws.

Bilang na ang mga araw mo, Salvador La Russo. Naparito ako hindi para bawiin lang ang ina at kapatid ko kundi upang ihatid ka rin sa impyerno. Nagsikip ang kanyang dibdib dahil sa naipong galit sa loob ng maraming taon.

Tnx for reading. Your votes and comments, pls.

ARA


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon