Chapter 15.1

5.1K 177 12
                                    

Ganado siyang nagluto habang naliligo si Alexandros. Maliit lang ang kitchen kung kaya madali niyang nakita ang mga kakailanganin niya sa pagluluto, mula sa kitchen tools at ingredients ng naisip niyang menu.

Gamit ang grilling pan, nakapag-ihaw siya ng isdang bangus at talong habang nagluluto ng kanin sa rice cooker. Nang matalupan ang inihaw na talong ay nilagyan niya ito ng ginayat na sibuyas, kamatis at tinadtad na manggang hilaw. Binuksan niya ang de-latang fruit cocktail, inilagay ang laman sa isang bowl at binuhusan ng syrup na ginawa niya pagkatapos ay inilagay niya sa freezer upang madaling lumamig. Pagkuwa'y naghanda siya ng toyong may kalamansi bilang sawsawan. 

Nang makatapos mag-shower ay naglagi lang sa salas si Alexandros. Abala ito sa pakikipag-usap sa cell phone sa salas. Tila confidential ang pinag-uusapan nito at ng nasa kabilang linya dahil kailangan pa nitong hinaan ang boses upang hindi niya marinig ngunit hindi kaila sa kanya ang madalas nitong pagsulyap sa kanya at ang panaka-nakang pagtitig na animo'y nawawala sa sarili at sa kausap. Oftentimes, he would stare at her with dreamy eyes. Was it because he found her beautiful and he liked her also? Was he also imagining that steamy moment when they first made love? What could be the effect on him now that she was in his kitchen and cooking for him?

She shook her head. What was happening to her now? Narito siya ngayon dahil sa isang misyon. Misyon na nangangahulugan ng buhay ng lalaking lihim na hinahangaan. It's either she kill him or she bring him alive to SLR. But she knew that killing him was none in the options. Kung hindi niya ito nagawang patayin noong una nilang pagtatagpo ay mas lalong hindi niya ito kayang patayin ngayon. Ngayon na may kakatwa siyang nararamdaman para rito.

She knew that Alexandros could somehow help her. Isa itong alagad ng batas. Maaaring makakaisip ito ng ibang paraan kung paano silang mag-ina  makakatakas sa impyernong kinasasadlakan ngayon nang hindi kinakailangang magbuwis ito ng buhay. But how to tell him her dilemma was her problem. Paano niya kukunin ang tiwala ng binata lalo na't hindi maganda ang una nilang pagtatagpo?

"Are you done?" bahagyang nakangiting tanong ng binata sa kanya. Kanina pa pala ito sa harap niya. Tapos na itong makipag-usap sa cell phone. Maaliwalas na ang guwapong mukha nito at mukhang preskong-presko sa white Hanes t-shirt at black shorts na suot. Bakat ang magandang hubog ng katawan nito sa kasuotan dahilan upang saglit na liparin ang diwa niya sa isang senswal na imahinasyon. She didn't answer but continued gaping at him. "Miss black belter, I'm asking if you are done cooking?" nangingiting tanong nito na bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya, dahilan upang masamyo niya ang ibinuga nitong mabangong hininga. Bigla tuloy siyang natauhan.

"Y-yes," sa wakas ay tugon niya. Napapahiyang umurong siya. My gosh, amoy-mantika at amoy-usok siya. Bigla tuloy siyang na-conscious sa kanyang amoy at itsura.

"You can use the bathroom if you want," mahinang sabi ng binata nang mahalata na hindi siya komportable sa itsura niya.  "You can use one of my shirts if you want to change clothes," he continued with eyes on hers.

"Y-yes, k-kung puwede..." halos masamid siya sa pagsasalita.

"By all means," ngumiti muli ang binata. "Ako na ang bahalang maghain. Nasa loob ng silid ang aparador ng mga damit ko, puwede kang mamili ng gusto mong isuot pero I'm sure, lahat sila ay maluwang sa iyo," pagkasabi noon ay masuyong humagod sa kabuuan niya ang mga mata nito.

"O-okay lang," pagkuwa'y mabilis siyang tumalikod at pumasok ng silid. Hindi niya kayang tagalan ang pilyong mga titig nito. Gosh, he was lusting her. And what could she expect? He tasted her once, and it's but normal for him to want her again.

He opened the closet. Bumulaga sa kanya ang patong-patong na mga t-shirt na bawat isa ay masinop na nakatiklop. She looked for a red or blue color, pero wala siyang makita kahit isa.

"Ano ba namang tao iyon?" bulong niya. "Tatatlo yata ang alam na kulay ng damit. Black, white and gray lang ang nakikita ko rito."

Pagkuwa'y hinila niya mula sa patong ng mga t-shirt ang isang kulay light gray. Manipis lang ang tela nito, v-neck at may konting white prints sa harap. "Puwede na ito," bulong niya uli. Saglit niyang pinagala ang mata sa loob ng closet, umaasang makakakita siya nang malinis na bath towel ngunit wala siyang nakita.

Lumabas na siya ng silid at muling dumaan sa kitchen. Nakatalikod si Alexandros, abala sa paghahain habang umaawit ng isang lumang kanta. Dire-diretso siya sa loob ng bathroom sa pag-aalalang muli na naman siyang makita nito.

Maligamgam ang tubig na lumalabas sa dutsa, sapat iyon upang mapreskuhan ang balat niya ngunit hindi sapat upang pahupain ang init na pilit sumisingaw sa balat niya. Kakaibang init ang nararamdaman niya, may paghahanap, may pangangailangan. She closed her eyes, hoping that the running water will pacify the small monsters of fire that started to torment her body.

She was no longer a teen-ager, alam niya kung ano ang gusto niya sa mga sandaling ito. And she never felt it before. It was strange and yet powerful. Parang may lakas ito na humihila sa kanya para sa isang kaganapan. Kung ganito ang nararamdaman niya, alam niyang mas lalong higit ang nararamdaman ng lalaking nasa labas ng bath room.

"My God, I should not fall for him," bulong niya habang nagsasabon ng katawan. "Hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko dahil baka mabalewala ang lahat nang pinaghirapan ko. I need to fight this feeling or else all of my endeavors will turn into ashes." Lalo niyang pinalakas ang tubig mula sa dutsa, umaasang papawiin ng tubig ang init na nararamdaman. She knew that it was not right falling in love at the wrong time and at the wrong place. It had to end as early as possible.

Nang matapos ay saka lang niya naalala na wala siyang gagamiting tuwalya na pangtuyo ng basang katawan. Nasulyapan niya ang tuwalyang maayos na nakasampay sa isang kawad na nakakabit sa magkabilang pader ng banyo. Walang alinlangang hinila niya iyon. Medyo basa pa ito, alam niyang ginamit iyon ni Alexandros kanina lang. "Puwede pa ito," nangingiting usal niya. Pagkuwa'y masiglang ikinuskos niya sa katawan at buhok ang basa-basang tuwalya. Napapangiti siya dahil sa kapilyahang ginagawa. Pagkatapos ay isinuot na niya ang gray shirt ni Alexandros. As expected, maluwang ito sa kanya at hanggang kalahati ng hita niya ang haba. Ibinalot niya sa ulo ang tuwalya upang maiwasan ang pagtulo ng tubig mula sa kanyang basang buhok.

She heard knocks on the door of the bathroom.

"The table is ready, Cassandra," tila excited na wika ni Alexandros.

She heard the thudding of her chest. For the first time in her life, an unexplainable fear troubled her strong disposition.

__________________________________________________________________________________

Tnx for reading. If you like this chap, don't hesitate to cast a vote or drop a comment. Mukhang SPG ang kasunod, fellas!





My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon