Chapter 1.1

10.6K 235 7
                                    

Hilam sa luha ang mga mata habang pinararaanan niya ng mga daliri ang kanilang family picture. Larawan ito ng isang masayang pamilya. Si Peter Henderson noong 40 years old ito, si Maita Morales noong 30 , si Chester noong limang taon at siya noong walong taon. Isa ito sa mga mahahalagang bagay na kailangan niyang dalhin sa nalalapit na pangingibang bansa. Pagkuwa'y ipinatong niya ang larawan sa ibabaw ng kanyang mga nakatuping damit at isinara na niya ang malaking travelling bag.

Nineteen years ago, she was the eight year old Cassandra Henderson who helplessly witnessed that hateful night when five members of the notorious Italian mafia La Cosa Nostra" entered their home and brutally killed her father and took her mother and younger brother

Labing-siyam na taon na nga ang nakalipas. Ang now, she was twenty-seven years old. Ngunit damang-dama pa rin niya ang pangungulila sa nawalay na pamilya. Totoo pala na hindi lahat ng sakit ay kayang paghilumin ng panahon.

"We will see one another soon, mommy, Chester. Ang tagal kong naghintay nang tamang pagkakataon. Ngayon ay dumating na iyon. Hindi ko na palalampasin ito. At humanda ka sa aking pagdating, Salvador La Russo. Sisingilin kita hanggang sa huling patak ng iyong dugo. Ipararanas ko sa iyo ang lahat ng sakit at pait na ipinataw mo sa aking pamilya."

Oo nga at nakaligtas siya sa trahedyang iyon ngunit mala-impyerno ang kanyang pinagdaanan upang makalimutan ang trahedyang sinapit ng pamilya. Isang uri ng sakit ang dumapo sa kanya dulot ng matinding sakit sa pagkawalay ng mga mahal sa buhay kung saan nakaranas siya ng madalas na mood episodes from mania to depression. She suffered from a low type of bipolar disorder. Mabuti na lang at dinamayan siya ng nakatatandang kapatid ng kanyang ina na nagkataong naninirahan din sa United States. Mula sa tahanan nila sa Queens, New York ay kinuha siya nito at pinatira sa kanilang tahanan sa New Jersey at doon ay matiyaga siyang ipinagamot. Ayon dito ay mas madali raw siyang makakalimot kapag hindi na niya nakikita ang lugar at mga bagay na makapagpapaalala sa kanyang pamilya.

Oo nga at sa tulong ng mahuhusay na doctor at gamot ay gumaling siya. Ngunit walang doktor o gamot ang nakapaghilom ng mga sugat. Dinala niya sa buong panahon ng kanyang kabataan ang sakit at pangungulila. At sa pagdaan ng mga taon ay isang plano ang unti-unting nabuo sa kanyang isipan.

Paghihiganti.

Paghihiganti sa isang taong alam niyang puno't dulo ng kasawian ng kaniyang pamilya.

Si Salvador La Russo. Ang lider ng mafia group na nag-ooperate sa buong North America. The group was responsible for multiple massacres, human smuggling, kidnapping, drug trafficking and contract killing. Isang grupo ito ng mga sindikato mula sa mother group nito na nakabase sa Italy, ang La Cosa Nostra. May iba't ibang sangay ito sa buong mundo, kadalasan ay sa mga mayayamang bansa.

Ginugol niya ang buong panahon ng kanyang kabataan upang masundan ang mga gawain ni S.L.R. Sa kanyang sariling pag-iimbestiga at sa police record ay nalaman niya na matagumpay pala itong naipakulong ng kanyang ama bilang isang mahusay na judge. Ngunit sa anong kadahilanan ay nakatakas ito sa kulungan at binuweltahan ang kanyang ama.

Vendetta. Iyon ang nakitang dahilan ng mga pulis kung bakit nito pinatay si Peter Henderson. Ngunit ang ginawa nitong pagtangay kay Maita Morales at kay Chester ay isang malaking palaisipan.

Ngunit hindi na mahalaga iyon para sa kanya. Ang importante ay mabawi niya ang kanyang ina at kapatid. Sa kanyang pagsunod sa mga gawain ng grupo ay nalaman niya na dalawang taon ang nakakaraan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni S.L.R. at ng iba pang lider ng mafia. Sa galit ay tumiwalag sa grupo si S.L.R. at nagtayo ng sariling sindikato. Ngunit naging masikip ang Europe at America para sa kanyang grupo dahil sa pag-uusig ng batas maging ng kanyang mga kaaway sa La Cosa Nostra kung kaya napilitan siyang lumipat sa Asia. Noong isang taon lang ay isang maliit na bansa ang napili nitong pagtayuan ng bagong sindikato na tinawag nitong Orion Triangle kasama ang dalawa pang mas nakababatang lider, at tinawag nitong Salvadorians ang mga miyembro.

At ang bansang iyon ay walang iba kung hindi ang Pilipinas. Ang bansang sinilangan ng kanyang ina.

Kung kaya mabilis siyang nag-file ng leave mula sa pagiging special agent ng FBI para isakatuparan ang personal na misyon.

After her graduation in college, she succesfully completed an intense 20 week training program at the FBI Academy in Quarantico, Virginia. Doon ay natutunan niya ang apat na basic course ng training katulad ng survival skills, driving skills, firearms training at international training. Ngunit nang maging isang special agent na siya ay lalong nahasa ang kanyang kaalaman hindi lang sa paghuli at pakikipaglaban sa mga kriminal, kundi maging sa pagganap ng tungkulin sa mga secret o undercover activities as part of investigative operations. Ilang beses siyang tumanggap ng parangal bilang isa sa pinakamahusay na FBI special agent.

Ngunit may higit siyang pinag-aralan at pinaghandaan. And that was how to infiltrate the mafia.

And now that she was ready, she was decided to claim back what was hers, none other than her mother and her brother and most of all, vengeance.

Bilang na ang oras mo, Salvador La Russo. Ako, si Cassandra Henderson ang tatapos sa iyong kasamaan sa lupa. She clenched her fists at the surge of hatred.


My Moonlight and Fire (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon