Chapter 2

718 12 0
                                        

Isang buwan rin ang lumipas nang mag-usap kami ni Daniel..

Halos araw-araw dumadaan ako sa room nila para makasilay

At syempre umaasa rin ako na makaka-usap ko siya..

Pero syempre hindi naman ako kagaya ng ibang stories na once na nakausap nila ang crush nila tuloy-tuloy na..

Nakaka-inis bakit nga ba ako umaasang kakausapin nya rin ako eh once lang naman yung pag-uusap na yun at tsaka importante talaga yun..

Haay! Kathryn wag ka umasa.. masasaktan ka lang..

Papunta na ako sa room namin at syempre alam kong madadaanan ko ang room nila..

Pasimple akong tumingin sa loob nila..

Nakita ko siya..

Naka-ngiti..

Masaya..

Napangiti na rin ako sa nakita ko..

at naglakad na ako papuntang room..

Ganun naman lagi ang routine ko pag papasok

Sisilay muna sa room nila tapos feeling ko pag nakita ko na sya inspired na ako mag-aral..

Nakakabuang magka-gusto sa taong malapit lang sayo pero feeling mo ang layo-layo niya..

Nung breaktime na pumunta ako sa likod ng school..

Presko rito.. Maganda ang view..

Dito muna ako kakain..

Bigla kong na-realize sana kahit isang beses lang ulit maka-usap ko siya..

Napaluha ako

Di ko alam kung bakit..

Ahh ang drama naman ng buhay ko..

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko..

Laking-gulat ko nang biglang may nag-abot ng candy sa harap ko..

Pagkatingin ko sa taong nagbigay..

Siya.. ang taong dahilan ng pagluha ko

Ang taong gusto ko..

Si Daniel..

"Kunin mo"bigla nyang sabi sakin..

Ibig nyang sabihin kunin ko daw yung candy..

Inabot ko iyon..

"Ah para saan to?"

Umupo siya sa tabi ko..

Fireworks.. yung puso ko parang sasabog nanaman..

Nakatingin lang ako sa candy..

"Kasi ang bata kapag malungkot binibigyan ng candy para tumahan eh nakita kong naluha ka so binigay ko yan sayo"

Napangiti ako.. Diba dapat panyo ang ibinibigay nya sa mga umiiyak? Tsaka ano tingin nya sakin bata? Haha

Hindi ako makapag-salita.. gusto kong sya lang ang mag-salita..

Gusto ko mapakinggan yung boses nya..

"Pasensya na ah candy lang yung naibigay ko sayo yung panyo ko kasi nasa bag naiwan ko.."tumawa sya ng mahina"Pero okay na rin siguro yang candy kasi unique at alam kong kahit papaano ngumiti ka"

Tumayo siya..

"Sige na alis na ako bili na lang ulit ako ng candy ko" umalis na sya sa harap ko..

Gusto kong magpasalamat sa kanya..

Gusto kong sabihing wag muna siya umalis..

Pero syempre ako si dakilang torpe walang nasabi..

Napa-ngiti ulit ako..

Kanina sya yung dahilan ng pag-luha ko ngayon siya nanaman ang dahilan pero hindi na ang pag-luha kundi ng pag-ngiti ko..

Parang kanina lang hinihiling ko na kausapin nya rin ako pero ngayon natupad din..

Pwede naman diba?

Pwede ko siyang magustuhan ng palihim kahit nandyan sya pero ang layo-layo niya parin pwede naman diba?

Itinago ko ang candy na binigay nya sakin at umalis na..

Ang saya ko, sobrang saya ko..

Sana hindi na matapos..

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon