Ayun nga naging close naman kami ni Janella..
Natatawa ako sa kanya kasi inis na inis siya kay Liza Soberano..
Classmate namin na nalilink kay Daniel ngayon..
Sabi ni Janella sa akin sobrang arte daw..
At ngayon nandito kami sa room wala kaming teacher may biglaang meeting sila..
Katabi ko si Janella habang nag-iisip siya ng pangalan daw namin ni Daniel na pinaghalo haha kalokohan nitong babaeng ito..
"Ano kaya kung ChanDan? Ehh ang pangit parang San Dyan yung tunog err ano kaya pwede?"naiinis na siya sa kaiisip haha hindi daw siya titigil hangga't hindi siya nakakaisip ng pangalan..
Ang dami na niyang nasulat..
gaya ng Danryn,ChanDan,JohnChan,JohnRyn,KathJohn at kung anu-ano pa..
Nagulat ako ng napahampas siya sa upuan at tuwang-tuwa niya ipinakita sa akin ang papel na sinulatan nya..
"Kathniel"muntik nya pang isigaw buti na lang nakontrol nya rin..
Ipinaliwanag nya sakin ang pagkakabuo ng pangalan na iyon at ang tamang pag-pronounce KATNYEL daw ang tamang bigkas..
Maya-maya lang habang nagkekwentuhan kami biglang pinatawag din ang mga class officer ng klase..
Padabog pa ngang lumabas si Janella sa room eh paano ba naman kasi ang sarap-sarap ng kwentuhan namin eh haha..
Kathniel? Hmm paano kaya kung mutual kami ng nararamdaman ni Daniel ano kaya ang mangyayari..
Haay ewan ko sayo Kath nag-iimagine ka nanaman..
Lumabas ako ng room pwede naman lumabas ehh..
Nagpunta lang ako sa canteen..
Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay may bigla akong nabangga..
"Sorry"sabay naming sabi..
Nalaglag yung wallet ko.. Dadamputin ko na sana pero naunahan ako ng lalaking nasa harap ko..
Inabot nya sakin ang wallet ko..
"Here"sabi nya sa akin..
Kinuha ko ang wallet ko at nagpasalamat..
"Ahh miss"lumingon ako sa kanya..
Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay nya..
"Jerome Ponce nga pala and you are?"
Medyo nagdadalawang-isip pa ako..
Sa totoo lang medyo nahihiya ako kasi ang nasa harap ko eh isa sa kaibigan ni Daniel..
"Kath..Kathryn Bernardo"at inabot ko ang kamay nya..
Ngumiti siya..
"Nice to meet you"at umalis na siya..
Hindi ko na lang inisip yun at kumain na ako sa canteen..
Nakita kong pumasok si Daniel kasunod si Marlo at Jerome..
At syempre ako si Kath eh palihim nanaman na sumulyap sa kanya..
Ang gwapo niya talaga nung una hindi naman ako nagwapuhan pero pag nagustuhan mo pala ang isang tao parang lahat na lang sa kanya perfect..
Kakagatin ko na sana yung sandwich na kinakain ko nang biglang..
"Kath"tumingala ako at nakita ko si Jerome..
BINABASA MO ANG
So close yet so far (Kathniel)
FanficAng lapit lapit mo pero bakit feeling ko ang layo-layo mo.. Nandyan ka nga pero bakit parang kahit hibla ng buhok mo di ko ka mahawakan.. Yung tibok ng puso ko? Naririnig mo ba? Parang tambol sa sobrang lakas diba? Ikaw kasi ang dahilan nyan eh..