So paano ba to?
Ilang lingo rin ang lumipas simula nung makilala ko si Jerome..
Akala ko nga ganun na lang din kadali na maka-usap ko si Daniel pero mali nanaman ako..
Kapag kasi pumupunta si Jerome sa akin hindi sumasama sina Daniel, gusto ko nga tunungin kay Jerome pero parang nakakabastos naman diba?
Hanggang ngayon din hindi ko rin maintindihan si Jerome kung bakit lagi syang lumalapit sa akin.
Pumunta ako sa likod ng school kung saan binigyan ako ni Daniel ng candy..
Hanggang ngayon Daniel umaasa pa rin ako..
Nag-pahinga lang ako saglit sa likod ng school..
Maya-maya may narinig akong kaluskos..
Kinabahan ako..
"Me-May tao ba diyan?" tanong ko pero wala akong narinig na sagot kundi isang kaluskos nanaman..
Kinakabahan ako..
Aalis na sana ako nang biglang..
"AHHHHH" may natapakan akong paa.. Di ko alam kung kaninong paa ito..
Teka ! Galing ba ito sa isang bangkay..
Natakot ako lalo kaya napatakip ako ng mukha..
"Ouch" teka may nag-salita..
Binuksan ko ang mga mata ko..
"Daniel?!" halos nasigaw ko ang pangalan nya..
Nakita ko siyang hawak-hawak ang parte ng paa kung saan ko siya natapakan..
Teka ibig sabihin hindi bangkay yun?
At si Daniel ang natapakan ko?
Tumingin siya sa akin at tumawa..
Nagtaka naman ako..
Ano nakakatawa?
Nakatingin lang ako sa kanya na may halong pagtataka..
Maya-maya natapos na rin siya sa pagtawa pero hinihingal-hingal pa siya..
"Haha nakakatuwa yung reaksyon mo kanina Kath" a-ano sabi nya?
Kath?
Tinawag nya ako sa pangalan ko..
A-ano to? Bakit big deal sakin pag tinawag nya ako sa pangalan ko..
Ang sarap pakinggan.
Parang feeling ko ang ganda-ganda ng pangalan ko..
Hindi ko namalayan na natameme ako sa pwesto ko..
Tumayo siya at lumapit sa akin..
"Teka! Bakit ka natameme may nasabi o nagawa ba akong mali? Haay tanga mo DJ ginulat mo kaya yung tao.. Ahh kath sorry talaga kung nagulat ka"
Ako naman ang natawa sa reaksyon nya..
Nakita kong nagtaka rin sya at umupo sa may upuan..
Napaupo rin ako habang tumatawa..
Hinihintay nya siguro ako matapos tumawa..
Nang matapos na ako tumawa..Nagtanong sya bigla "Bakit ka natawa?"
Ito nanaman ang awkward nanaman..
Mabilis nanaman yung pintig ng puso ko..
Teka..
Kinakausap nya ulit ako. Dapat magsalita ako..
"Hehe wala naman" sagot ko..
Napasimangot naman siya..
"Ganun? Tumatawa ka ng walang dahilan.. Takas ka sa mental no?"tugon nya..
Ha? Ako? Takas sa mental?
"Teka pag ba natawa ng walang dahilan takas agad sa mental?" hindi ba pwedeng nandyan ka kasi at napapasaya mo ako?
Napaisip siya saglit..
"Sabagay may punto ka dun.. Bakit kaya di ko agad naisip yun malay mo may naalala kang nakakatawa diba?O kaya may nakita kang epic sa harap mo pero sigurado naman akong wala kang makikitang epic sa harap mo nun kasi ang gwapo ko naman para maging epic"sunod sunod nyang sabi..
Natawa ulit ako
Tawa lang ako ng tawa at nahalata kong hinihintay nya ako matapos tumawa habang nakatingin sa akin..
Na-realize ko bigla na si Daniel ang katabi ko ngayon kaya napatigil ako sa pagtawa..
"Bakit ka tumigil?"tanong nya..
Eh kasi Daniel ikaw ang nasa tabi ko ngayon paano ako makakatawa eh ang awkward kaya..
Umiling lang ako habang nakangiti..
Nag-sigh siya..
"Dapat di ka muna tumigil eh.."Nagtaka akong tumingin sa kanya "Yung tawa ng isang tao.. Isa iyon sa pinakamasarap pakinggan sa mundo para sa akin"Nag-smirk siya "Weird ba? Pero ganun talaga ako eh gustong-gusto ko rin yung mga tunog ng tawa ng iba't-ibang tao basta yung hindi nakakirita sa tenga kaya minsan pag may tumatawa sa tabi ko gusto kong pakinggan lang ito gaya mo ngayon.. Ewan ko pero parang ang sarap pakinggan ng tawa mo hindi peke eh"Ngumiti siya..
Namumula na ako dito..
Sana hindi nya mahalata..
Ang init na..
Bakit ganito..
Napangiti lang ako sa sinabi nya..
KATAHIMIKAN..
"Si Jerome?" Jerome? anong meron kay jerome? "Tingin mo kung magkagusto sayo yun at ligawan ka may pag-asa ba?
Pag-asa? May pag-asa nga ba?
Ano ba ang isasagot ko?
Wala Daniel kasi ikaw ang gusto ko eh.. Gusto ko to sabihin sa kanya
Pero..
"Uhh lahat naman may pag-asa diba? Basta ba makikita mo yung effort at pagtyatyaga nya eh lahat may pag-asa"
Ngumiti si Daniel at tumayo na..
"Tama! Ah sige na Kath alis na ako thank you sa oras.. Nag-enjoy ako"
Ako rin Daniel nag-enjoy ako.. sobrang enjoy
Tinignan ko lang sya habang papalayo sa pwesto ko..
Nang bigla ulit siyang magsalita..
"You're weird.. I like it"
Mahina pero rinig na ringi ko ang pagkasabi nya nun..
Malinaw na malinaw..
Daniel Gustong-gusto kita.. Sana malaman mo kaya lang natatakot ako..
Haaay! Ang saya ko nanaman dahil sa kanya..
Salamat Daniel :)
BINABASA MO ANG
So close yet so far (Kathniel)
FanficAng lapit lapit mo pero bakit feeling ko ang layo-layo mo.. Nandyan ka nga pero bakit parang kahit hibla ng buhok mo di ko ka mahawakan.. Yung tibok ng puso ko? Naririnig mo ba? Parang tambol sa sobrang lakas diba? Ikaw kasi ang dahilan nyan eh..