Ilang buwan din ang lumipas at ilang buwan na lang at magfo-fourth year na kami..
Busy ang ilan para sa darating na JS prom para bukas habang ako naka-tambay lang sa hallway.. Wala si Janella tumulong kasi sa pag-aayos para bukas..
Napabuntong-hininga ako.. "Haaay"
"Mag-isa ka nanaman nasaan si Jella?"
Yung boses na yun.. Kilalang-kilala ko kung kanino galing yun..
Tumabi siya sa akin at tinignan ko lang sya..
"Daniel.. Bakit ka nandito?"
"Wala gumagala lang ako boring eh.. Halos lahat naman sila busy para bukas tapos si Marlo nasa baba hahanapin daw si Jella para bwisitin nya tapos si Jerome absent naman" si Jella na tinutukoy niya ay si Janella.. Ganun ang tawag ni Daniel kay Janella noon pa lang..
"Ahh oo nagtext sakin si Jerome eh" Nakakapagtaka naman.. Kahit kasi ilang buwan na ang lumipas hindi kami nakakapag-usap at naglalapit ni Daniel ng ganito..
Tumango-tango siya habang kinakagat-kagat nya ang labi nya.. Ang gwapo nya talaga para syang anghel..
"So siguro niyaya ka na ni Jerome na maging date nya no?" tanong nya sakin..
"Uhh oo kagabi sa text napa-oo na rin ako hindi ko kasi siya matanggihan eh" Totoo hindi ko talaga matanggihan si Jerome para kasing ang bait-bait nya sakin ang hirap nya tanggihan..
Humarap naman sya sakin "Bakit hindi mo matanggihan so ibig sabihin napilitan ka lang na maging date nya?" Napilitan? Ewan ko.. Siguro? Ang gusto ko kasi maka-date ikaw ehh.. Hay alam ko naman ilusyon ko lang ito at kalat na kalat na, na si Liza ang date nya..
"Ahh hindi naman sa ganun.. Sa kanya kasi ako komportable eh kaya pumayag na rin ako" sagot ko..
"Ahhh.. siguro aamin na yun bukas" may binulong sya pero hindi ko narinig at hindi ko na lang pinansin..
"Kath bukas ahh wag ka mawawala isasayaw kita" pagkasabi nya nun ay umalis na sya.. at ako ito ang laki ng ngiti..
Isasayaw nya ako :) Ang saya naman..
Nung uwian na ay hinanda ko na ang isusuot ko para bukas.. Napangiti nanaman ako sa sinabi ni Daniel sa akin nagtaka pa nga si mama kung bakit ngiti ako ng ngiti tapos ang iniisip nya na lang baka daw excited na ako sa prom para bukas..
Kinabukasan walang pasok para daw makapaghanda kami para mamaya.. Tinext ako ni Jerome na susunduin na lang nya ako mamaya..
Mga alas-tres ako inayusan dahil alas-sais ako susunduin ni Jerome..
Hindi nga ako sanay sa make-up eh kaya medyo naiilang ako ngayon sa hitsura ko..
Nakatingin ako ngayon sa salamin sa kwarto ko.. Haay kinakabahan ako first time ko mag-gown at magmake-up sa harap ng maraming tao..
Malapit na magalas-sais kaya hinintay ko na lang si Jerome sa sala namin maya-maya lang din ay may bigla ng kumatok..
"Nak nandito na si Jerome yung date mo.. Papasukin ko na ahh" sigaw ni mama..
Tumayo na ako at humarap sa kanya.. Nakita ko siya na nakatingin at naka-stop sa pwesto nya.. Nakakailang.. Ang gwapo nya pa naman ngayon baka kasi magmukha akong katulong sa tabi nya "Ahh sorry ah.. OA ba ng pagkakamake-up sakin o baka hindi bagay yung gown sakin naku naka magmukha lang akong katulong sa tabi mo.." lumapit siya sakin at ngumiti..
BINABASA MO ANG
So close yet so far (Kathniel)
FanfictionAng lapit lapit mo pero bakit feeling ko ang layo-layo mo.. Nandyan ka nga pero bakit parang kahit hibla ng buhok mo di ko ka mahawakan.. Yung tibok ng puso ko? Naririnig mo ba? Parang tambol sa sobrang lakas diba? Ikaw kasi ang dahilan nyan eh..