Chapter 17

163 4 1
                                        

"OMG! I'm so excited na.. Guys dapat lahat ng rides masakyan natin ah. OMG! OMG!" Sabi ni Janella ng tuwang-tuwa habang nagpapaypay pa ng kanyang kamay sa mukha

"Sus! Baka kayanin mo? Baka pag nasa taas ka na sumuko ka bigla" Inirapan naman ni Janella si Marlo at nagsalita "Panira ka ng moment alam mo ba yun?"

Tinawanan lang namin ang pag-aasaran ng dalawa. Maya-maya ay binaba na kami ng bus sa Sta. Rosa Laguna at sumakay kami ng tricycle papuntang E.K

Nang makarating kami sa E.K ay bumili na kami ng ticket. Ride-all-you-can.

Nakakailang rides na rin kami nang biglang tumunog phone ni Jerome  "Guys wait lang ah sagutin ko lang tong phone"

Habang hinihintay namin si Jerome ay kumakain kami ng cotton candy, nag-aasaran lang ang Marnella loveteam at biglang lumapit sakin si Daniel

"Ah Kath.." Dugdug.. Ayan nanaman ang puso ko! Act normal Kath..

"Uy Daniel! Nag-eenjoy ka ba?" Tanong ko

"Oo naman haha ang saya nung nandun tayo sa space shuttle haha sobrang priceless nung mga mukha natin haha." Masayang kwento ni Daniel sa akin

"Ah oo :)" di ko alam kung nahahalata nya pero maiikli lang ang nga sagot ko sa kanya. Masakit man sa loob ko pero kailangan ko to gawin.

Maya-maya ay lumapit si Jerome samin at halatang masaya sya "Uy guys! Pwede pass muna ako? May pupuntahan lang ako sa airport" Halatang masaya sya sino kaya susunduin nya..

"Daya mo naman bro! Sino ba susunduin mo? Mommy mo?" Marlo

"Pre! Natatandaan mo pa si Jane? Pre bumalik na sya dito nagpapasundo" Ang laki ng ngiti ni Jerome parang ang saya-saya nya dahil saapagbabalik nung Jane

"Ay pre? Totoo? Sabihin mo bonding tayo minsan ah tayong anim pakilala mo si Kath sa kanya! Rome ingat ah" Marlo

Nagpaalam kami kay Jerome at umalis naman na sya. Pag-alis ni Jerome ay napagdesisyunan naming apat na mag-ferris wheel..

"So ganito! Sa ferris wheel dala-dalawa tayo! Kami ni janella sa isang ferris wheel at kayo namang dalawa ang magpartner diba masaya yun?"

Teka! Kaming dalawa ni Daniel? Tumingin ako kay Janella, sign na humihingi ako ng tulong. Napa-shrug lang si Janella at sinabing "Sige. Enjoyin na lang natin to"

Wala na! Walang kumontra, kj ko naman kung kokontra ako diba? Tsaka baka gusto magsolo ni Janella at Marlo. Pero kath! Si Daniel kasama mo sa ferris wheel, kayong dalawa lang gumising ka!

Turn na namin para sumakay sa ferris wheel, inalalayan pa ako ni Daniel para maka-akyat.. kinikilig ako pero kelangan kumalma.

Dahan-dahang umikot ang ferris wheel at ang awkward, walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Si Jane, first love ni Jerome, di ko lang alam kung hanggang ngayon may feelings pa sya, ikaw na gusto nya eh" Out of nowhere na sinabi ni Daniel

"Ha? Uhh.. parang panira naman ako sa love story nila hehe sorry di ko naman sinasadya eh"

Ngumiti si Daniel "Di ka naman panira eh" naging awkward ulit ang paligid

"Ahh Kath matanong lang, uhh galit ka ba sa akin?" Haysss ito na nga ba ang kinatatakot ko eh, ang mahalata nya

"Ha? Eh bakit mo naman nasabi yan?"

"Para kasing iniiwasan mo ako eh. Di mo ako kinakausap ng mata sa mata gaya ng ginagawa mo sa kanila hehe sorry kath napansin ko lang hindi ka naman siguro galit sa akin no?"

Hindi ko alam isasagot ko.. pwede bang isagot ko na 'Daniel hindi ko kaya kasi gusto kita eh!' Kaso hindi ko kaya eh

"Ahhh ehhh kasi Daniel..."uhh ano ba?"Kasi naman hindi tayo masyado close lahat sila close ko na lagi ko nakakausap pero ikaw hindi pa hehe kaya siguro ganun"

Please sana maniwala sya wala na talaga ako maisip na alibi.

Napangiti sya sa sinabi ko "Yun lang pala eh. Kinabahan ako akala ko galit ka na sa akin. Okay! Ngayon na alam ko na edi start ulit natin friendship natin :) Itong ferris wheel ang saksi. Okay ba yun Kath?"

Umakto syang makikipag-kamay sa akin, tinignan ko ang kamay nya at ngumiti ako kahit alam kong masakit para sakin.. Start of Friendship?

"Uyy! Okay yun ah" Nakipag-kamay ako sa kanya.. Dugdug.. Dugdug..

Bumitaw ako at bumitaw din sya. Masaya ako! Sobrang saya ko.. okay na din sigurong ganito kami..

-----------------------

A/N

Ang sabaw ko! Sorry guys ngayon lang nag-UD hehe.. Pangit din ng update ko ngayon. Thank you sa support sa story ko guys hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon