Chapter 12

567 6 1
                                    

Si Janella sa side ang cute nya no? :3+++>

-----------------------------------------------

Ilang araw na lang ang natitira at pasukan nanaman..

At syempre itong si mama eh gusto pabilhin na agad ako ng mga gamit ko sa eskwelahan hindi na daw nya ako sasamahan tutal malaki na daw ako at may aasikasuhin pa sya..

Binigay sakin ni mama ang isa sa credit card nya at  pumunta na lang ako sa malapit na mall dito sa amin..

Medyo marami rin akong nabili sa National Book Store.. Hehe wala lang trip ko lang bumili ng kung anu-ano..

Palabas na sana ako sa National Book Store nang makita ko si Janella na mukhang tumitingin ng mga libro..

Waaah! Ang tagal ko rin syang hindi nakita kaya nasigaw ko ang pangalan nya "Janelaaa" marami ang tumingin dahil sa pag-sigaw ko tumingin si Janella sa direksyon ko at biglang lumapad ang ngiti tapos tumakbo papalapit sa akin..

"Omaygash Kath! I super duper miss you" sinasabi nya habang yakap-yakap ako..

Grabe super namiss ko rin ang tinuturing kong bestfriend ngayon "Waah ako din Janella miss na miss na rin kita, Teka ano nga pala ginagawa mo rito?" kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya..

"Nothing.. Tumitingin-tingin lang ako ng mga books.. So I guess naparito ka dahil bumili ka na ng mga gamit? Ang dami naman nyan akin na nga yung isang plastic para hindi ka na masyadong hassle sa pagbubuhat" kinuha nya sakin ang isang plastik na hawak ko at naglakad na kami palabas ng NBS "Hehe wala lang trip ko lang bilhin yung iba dyan, para na rin hindi na ako bumili sa susunod, so ano ng balita sayo?"

Nagpunta kami sa Mcdo.. Trip kasi namin mag-fries at sundae

"Kath, alam mo ba napaamin ako kay Marlo ng wala sa oras.." -Janella.. 

Muntik naman akong mabilaukan sa sinabi ni Janella at sumimangot sya tapos inabot sakin ang coke.. Uminom ako at tsaka nagsalita "Seryoso ka dyan Janella?" gulat na gulat pa rin ako sa nangyari..Waah nakaamin na si Janella..

Bumuntong-hininga sya at nag-pout, hihi ang cute (nasa side yung GIF nung nag-pout sya) "Kasi naman eh ang kulit-kulit nya. Tumawag sya sakin nung isang araw tapos inaasar nya nanaman ako tapos nadulas ako tapos di sya sumagot kaya binaba ko na lang.. Kath,what to do? Nakakahiya eh di ko alam kung paano ako makakaharap sa kanya ngayong pasukan" halata sa mukha nya ang pag-aalala.. Teka! Di rin kasi ako expert dyan eh.. Paano ba?

"Eh nakausap mo na ba sya after nung nangyari?" ako

"Tumatawag sya tapos tine-text nya ako pero hindi ko sya sinasagot kasi naman nahihiya talaga ako" sumimangot ulit sya "Tinatanong nya ako sa text kung joke lang ba yung sinabi ko tapos isang beses ni-relyan ko sya na Joke lang yun tapos di naman sya naniniwala ayun lalo akong kinukulit kaya di ko na pinapansin"

"Hmm, talaga bang paninindigan mo yung sinabi mong joke lang yun?" tanong ko sa kanya.. Nag-shrug sya "Di ko alam Kath.. Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero may part sakin na nagsasabing tama yung ginawa ko, hindi ko na alam.. Haaay Kath bahala na nga sa pasukan maiba nga tayo ng topic ikaw naman ang mag-kwento dali.. may improvement na ba sa inyo ni DJ?"

Sumigla ulit sya.. Haha bipolar tong babaeng to..

"Ehh.. Ngayong bakasyon isang beses ko lang namn sya nakausap" nakinig lang si Janella.. Kinwento ko sa kanya yung nangyari sa park noon..Kilig na kilig si Janella sa kwento ko 

"...at alam mo ba Janella di ko maintindihan yung huli nyang sinabi sakin.. Ang sabi nya kasi K 3 U .. ikaw ba alam mo yun?" 

Nag-isip si Janella at biglang umiling "Nope hindi ko yun alam eh.. Tingin mo ano kaya yun?" tanong nya sakin..

"Haha patawa ka Janella.. Tinatanong ko nga sayo kung alam mo yun kasi wala rin akong idea eh" nagkamot sya ng ulo at tumawa rin..

"Maybe.. I should ask DJ? Malay mo sabihin nya diba?" at sa pagkakataong ito nabilaukan na talaga ako..

Umubo-ubo ako at uminom ulit ng coke.. "Ano ka ba Janella wag mo gagawin yun baka isipin nun naku-curious ako sa kanya at baka isipin nun na lagi ko syang iniisip baka mahalata nyang may gusto ako sa kanya.. Wag mo gagawin yun" 

"Oh okay.. Sooner or later malalaman din natin yung K 3 U na yun, Let's go shopping na tayo" 

Nag-gala lang kami sa mall at kung anu-anong ang aming pinaggaga-gawa..

Girl bonding ba? Pumunta kami sa parlor at nagpa-gupit masyado na kasing mahahaban ang buhok namin tsaka para new look sa pasukan diba?

Nagtimezone din kami at marami pang iba..

Natapos ang araw kasama si Janella at umuwi na kami..

Buti pa si Janella umamin na.. Pero bakit ganun parang ang hirap-hirap aminin sa isang tao na gusto mo sya? Kailan ko kaya masasabi sa kanya no?

-----------------------------------------------------------------------------------------

A/N

PASENSYA NA PO KUNG NGAYON LANG NAG-UD.. Naba-BLOCK KASI YUNG UTAK KO HAHA.. ANYWAYS SORRY ULIT KUNG KORNIIIIII NG UD NGAYON>> PAGBIGYAN NYO NA, NEXT TYM NA YUNG KATHNIEL SCENE HAHAHAHA

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon