Dedicate ko sa kanya :) hehe wala lang pinagtyatyagaan nya aksi tong story ko akhit ang korni ^__^ Thank you
-----
Ilang araw na lang bakasyon na..
Busy ang mga fourth year para sa graduation nila at kami pa.easy-easy lang.. Tapos na rin naman kami mag-test para sa fourth quarter.. Hinihintay na lang namin yung mga grades namin..
Nandito ako ngayon sa court.. Wala lang gusto ko lang tumambay hindi naman araw-araw dapat kasama ko si Janella eh..
Pinapanood ko lang yung mga lower year na nag-lalaro ng basketball at kung anu-ano pang laro ng iba..
"Pst" napatingin ako sa mas mataas na upuan.. nakaupo kasi ako sa baba
"Uy nandyan ka pala Jerome" tumabi siya sakin at ngumiti, hindi siya sumagot at nanuod lang din sa mga naglalaro
"Uhh bakit ka nga pala nandito?" tanong ko..
Nag-shrug siya at "Sinundan ka haha stalker mo ako eh" hinampas ko sya "Haha sira ka talaga"
Simula nung umamin sakin si Jerome pagkatapos nung JS prom halos araw-araw nya rin sinasabi saking gusto nya ako.. Nakakailang nga nung una pero nasanay na rin ako..
Nag-kwentuhan kaming dalawa sa kung anu-anong bagay hehe..
"Ahh jerome, uhh bakit mo ko nagustuhan?" ngayon ko lang ito tinanong.. ewan ko na-corious ako bigla eh.. "Kath seryoso ka tinatanong mo ba sakin yan?" tanong nya.. "Uhh bakit? masama ba magtanong? Eh kasi nagtataka lang ako, sa dinami-dami ng babae dyan sakin ka pa nagka-gusto kaya nakaka-curious din kasi ngayon lang may lumapit at umamin sakin eh"
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko "Alam mo Kath isa rin yan sa pinagtataka ko eh.. Oo nga ang dami-daming babae dyan pero sayo ako nagka-gusto.. Hmm ewan ko pero kasi pag nakikita kita parang may paru-paro sa tiyan ko.. Ang korni diba? Tapos masaya ako kapag nandyan ka.. Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko eh.. Ayoko naman magng in-denial kaya alam kong gusto kita" tumingin siya sa akin at umiwas ako ng tingin
"Kath nagka-gusto ka na ba sa isang tao?" nabalik ang tingin ko sa kanya.. seryoso sya..
Kinakabahan ako.. Nagka-gusto ako sa isang tao? "Oo Jerome.. Nagkagusto na ako at aaminin kong hanggang ngayon gusto ko pa rin sya, gustong-gusto, at si Daniel yung taong yun" ayan ang gusto kong sabihin sa kanya..
Nakatunganga lang ako sa harap nya.. di ko alam kung aamin ako o hindi.. Ayoko syang masaktan pero ayaw ko rin syang paasahin.. Kath mag-isip ka..
"DJ please samahan mo na ako mamaya sa mall may kailangan lang ako bilhin" teka boses ni Liza yun ah napatingin ako sa kanila at ayun si Daniel at Liza magkasama nanaman, nakapulupot yung kamay ni Liza kay Daniel "Kailangan ba talaga kasama ako sa pagbili mo? Aishh sige sige mamaya text na lang kita" sabi ni Daniel sa kanya.. Buti pa si Liza isang invite lang kay Daniel para mag-mall pumapayag na at buti pa si Liza may lakas ng loob para sabihin kay Daniel yung nararamdaman nya.. Nakita ko si Liza na tuwang-tuwa dahil pumayag si Daniel sa gusto nya..
"Kath si DJ ba?" nabaling ang tingin ko kay Jerome.. Hala! Kasama ko nga pala sya.. Arghh ano ba yan Kath lutang ka nanaman dahil kay Daniel..
Hindi ko alam ang i-rereact ko.. Napayuko na lang ako at napakagat ng labi.. Haay sige sasabihin kong hindi di Daniel yun at wala pa akong nagugustuhan..
Magsasalita na sana ako ng bigla syang nagsalita "Si Dj nga" nagulat ako sa sinabi nya at ngumiti siya.. The fake one, Hindi na ako umangal sa sinabi nya tutal kahit ano namang gawin kong pag-tago lalabas at lalabas pa rin ang totoo at masasaaktan ko lang sya..
"Sorry" ako habang nakayuko "No! You don't have to say sorry Kath.. tanggap ko na noon pa lang.." napatingin ako sa kanya.. "Tanggap? Noon?" tanong ko sa kanya.. Hindi ko kasi maintindihan eh.. bakit nya matatanggap noon pa lang eh di naman nya alam..
Tumango-tango siya "Kath alam ko nanaman nung una pa lang gusto mo na siya.. Hindi naman ako tanga para di ko mahalata yun.. Nung una medyo nag-aalinlangan pa ako eh pero habang tumatagal mas lalo kong nako-confirm na sya nga ang taong gusto mo.. Sa lahat kasi ng taong nakakasalamuha mo pare-pareho yung ngiti na binibigay mo sa kanila pero napansin ko pagdating kay DJ...
...Iba eh, di man mahalata ng iba yun.. Nakikita ko yun kasi stalker mo ako eh hehe"
====
Pag-uwi ko sa bahay di ko pa rin alam kung paano ako magre-react sa pangyayari.. After sabihin ni Jerome lahat yun tumawa na lang sya at tinawanan nya rin ako ang seryoso ko daw masyado eh..
Ewan ko sa kanya pero sabi nya naman daw okay lang daw sa kanya lahat at wala pa rin naman daw nagbago.. Gusto pa rin nya ako..
Ewan ko ba ! Ganun na ba ako kahalata para malaman nila na gusto ko sya.. Una si Janella napansin nya dahil sa pagtitig ko sa kanya tapos ngayon naman si Jerome dahil nman sa ngiti ko..
Sana naman hindi malaman ni Daniel.. sabi ni Jerome safe naman daw yung secret ko sa kanya at hindi daw sya magpapahalata.. Natatakot kasi ako sa magiging resulta ehh..
Bakit ganun? Parang ang komplikado? Basta think positive lang Kath..
----------------
Waaaaaaaaaah sorry po kung ang boring nitong chapter na ito.. Wala akong maisip eh sorry po talaga..
BINABASA MO ANG
So close yet so far (Kathniel)
FanfictionAng lapit lapit mo pero bakit feeling ko ang layo-layo mo.. Nandyan ka nga pero bakit parang kahit hibla ng buhok mo di ko ka mahawakan.. Yung tibok ng puso ko? Naririnig mo ba? Parang tambol sa sobrang lakas diba? Ikaw kasi ang dahilan nyan eh..