Chapter 16

510 7 7
                                    

"Pst Kath" Lakad lang Kath..

Kunwari wala kang narinig..

Lalalala! "Ui Kath" 

Waaaaah! Ano ba naman yan daniel mas lalo mo ako pinapahirapan..

Kapag hindi ako lumingon baka isipin nya nilalayuan ko sya which is true, pag naman lumingon ako masisira plano ko..

Arghhh ano ba? "Gotcha!" waaah nahuli nya ako.. Hinawakan nya yung isa kong kamay ayy bahala na!

Hingang-malalim, Harap, Ngiti "Ui Daniel! Hehe bakit?" wooh sana di nya mahalatang peke lang ang ginagawa ko..

Binigyan nya ako ng weird look.. Ang OA ko siguro masyado "Eh wala naman.. kanina pa kasi kita tinatawag di ka man lang lumingon.. Sasabay sana ako paakyat sayo sa 4th floor eh kaya napilitan akong hilahin ka haha okay lang naman diba?" 

Ehh? Ano nakain nito ni Daniel usually kasi di sya ganito sa akin.. Di sya masyado dumidikit sakin pero bakit ngayon? Sus Kath baka gusto nya lang maging friendly!

"Ayy! Sorry hehe kaya pala parang may naririnig akong pangalan ko kanina.. Ikaw pala yun uhh sure sabay na tayo" Nice lie Kathryn.. Sa totoo lang ayaw ko syang sabayan pero bakit ganun ang hirap tanggihan ng taong gusto mo?

Ngumiti sya na malapad at bigla nyang kinuha yung shoulder bag ko..

Nagulat naman ako "Daniel? Bakit?" ngumiti lang sya ulit..

Ang weird nya talaga.. Hinayaan ko na lang sya.. DI naman siguro nya itatakbo yung bag ko no?

"Wala.. Gusto ko lang buhatin yung bag mo.. Nagpapaka-gentleman lang naman ako eh hehe" at sa sagot nyang iyon mas lalo akong na-weirdohan

"Uhh nakakahiya eh.. Baka may makakita" nahihiya kong sagot sa kanya..

"Sino naman makakakita?" bigla akong napatingin sa may gilid ng hagdan.. si Liza nandun kasama yung iba naming classmate na mga kaibigan nya..

"Ahh Daniel amin na! Baka kasi makita ni Liza ayun sya oh" tinuro ko yung pwesto nila Liza di pa naman kami nakikita ni Liza eh kaya dapat makuha ko agad, tumingin si Daniel sa pwesto ni Liza at mukhang na-disappoint? Ewan ko parang yun eh tapos bigla nyang binigay yung bag sakin

Nung binigay nya sakin yung bag ko bakit parnag ang skait? Sobra! Para kasing pagdating kay Liza lahat kaya nya isuko?

"Ahh sige na Kath.. una ka na, sorry kung di na kita nasabayan" nag-smile sya..

Tumango-tango na lang ako "Oks lang yun ano ka ba! Para kay Liza naman yun eh diba? diba? Hehe Go Daniel kaya mo yan" Worst Lie nanaman kathryn.. Okay na siguro to dapat maging immune na ako sa sakit para naman madali ko na makalimutan yung feelings ko sa kanya..

Ginulo nya lang yung buhok ko at binigyan ko sya ng aking death glare haha "Sige na Kathryn mauna ka na" Teka! KATHRYN? Minsan nya lang ako tawagin ng buo kong name.. Ang sarap talaga pakinggan.. Bakit ganun?

Paakyat na ako ng makita kong nakatingin samin sa Liza.. Sana hindi nya nakita..

Tumingin lang sya sa akin pero di say nakangiti.. Bakit? Usually kasi pag nakakasalubong ko sya ngumingiti sya sakin eh..

//

"...half-day lang daw tayo ngayon eh.. Mamayang hapon kasi may meeting ang mga teachers, ang saya diba Kath?" tanong sakin ni Janella

"Talaga? Nice.. Tara gala tayo.. Friday na naman eh tsaka minsan lang to oh wala rin amsyadong homeworks" aya ko

"Good Idea Kath! Tara sama natin sina Marlo, para naman magsama-sama tayo sa gala lagi na lang school eh haha.wait lang ah text ko sila"

"Kath, sige daw mga 2 pm daw kita kits na lang daw sa tapat ng school" -Janella

//

2pm~

Nandito na ako sa tapat ng school ako ang nauna medyo malapit lang kasi bahay namin dito sa school..

Maya-maya nagsidatingan na rin sina Janella,Marlo, Jerome at Daniel..

Napagdesisyunan naming pumunta ng Enchanted Kingdom.

Biglaan eh kaya dun na lang hehe tsaka medyo madali biyahe namin dito..

Hmm sana maging masaya ang trip namin dito..

---------------------------------------------------------------------

A/N

Hi readers ^^, tara punta tayo enchanted kingdom.. Sakay tayo sa mga rides weeeeeeeeee \(^^,)/

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon