Chapter 6

579 11 0
                                    

"You're weird. I like it" 

"You're weird. I like it" 

"You're weird. I like it" 

Arghhh paulit-ulit..

Hanggang ngayon sa pagtulog ko ayan pa rin yung naiisip ko..

Kung anu-ano na ginawa ko para makatulog ako pero hindi ko pa rin makalimutan..

Pero ang saya ko nung sinabi nya yan..

Grabe! Ako lang ba ang tao na masayang masabihan ng weird?

Pero kasi may I like it yung pagkakasabi nya eh.. Ibig sabihin gusto nya yun?

Ahh mababaliw na ako sa kakaisip.. Pero sabi nga nila wag kang umasa para di ka masaktan..

Tama! Wag aasa..

Haaay makatulog na nga lang..

~Kinabukasan..

"Oh Kath bakit ganyan ang hitsura mo? May sakit ka ba? Inaantok ka pa ba? Matulog ka muna sabihin ko na lang sa mga teacher na excuse ka muna" Tuloy-tuloy na sabi ni Janella

Grabe hindi talaga ako pinatulog nung mga katagang yun..

Inaantok tuloy ako..

"Ah hindi Janella okay lang ako! Hehe medyo nagpuyat lang ako kagabi kaya ganito"

Napalitan yung worried face ni Janella ng isang ngiti..

"Ay ganun? O sige basta pag may problema dito lang ako" Nginitian ko siya at umupo na kami sa kanya-kanyang upuan.

Nakinig lang ako sa mga lecture ng teacher..

Nung breaktime sabay kami lumabas ni Janella..

Pumunta kami sa may mini garden at dun kumain..

Pero dun din ako nakakuha ng chance para makatulog kaya sinabi ko kay Janella na matutulog muna ako tutal 30 minutes ang break at nabalitaan naming may 1and a halh hour na free time kami dahil wala si Mr.Mates ang teacher namin sa biology..

Umubob ako sa mesa doon at nagsimulang matulog, si Janella kasi may tatapusin yatang files ng class kaya nandun sya saharap ko at seryosong gumagawa..

"Ha-ha you're so korni talaga.. Nakakabwiset panira ka ng araw" nagising ako nang bigla kong marinig si Janella na sumisigaw..

Inangat ko ang ulo ko at nagulat ako sa nakita ko..

Si Jerome nasa harap ko at nakatitig sa akin..

"Guys ayan tuloy nagising si Kath sabi ko naman sa inyo na wag kayo maingay diba?" saway ni Jerome kay Janella at Marlo na nag-aasaran.. Ang cute nila tignan..

"Ah hindi Jerome okay lang naman eh" sabi ko kay Jerome..

Hindi ko alam kung anong meron pero may bigla akong hinanap..

Sino pa ba ang hahanapin ko diba?

At ayun siya nakaupo sa kabilang mesa habang nakasuot yung earphones nya at nakapikit..

"Ahh Kath sa Friday nga pala basketball game namin nuod ka ah" -Jerome

Napatingin ako kay Jerome "Uhh sure anong oras ba?"

"Mga 4 dito lang din sa school kalaban yata namin yung taga-Berly High.. Ipagdasal mo rin na sana manalo yung team natin! Kasi malalakas din yung mga yun eh" Ahh..

"Ayy Berly High? Dun ako nag-aral nung first year ako.." -Ako

"Talaga? So suporta ka pa rin sa kanila no?"

"Ahh medyo pero syempre full-support ako sa school natin no dito na ako nag-aaral eh"

Tumawa kami ni Jerome at ang dami nyang kwentong nakakatuwa kaya ayun medyo nag-improve nanaman kami ni Jerome..

Maya-maya lang may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin sa direksyon ni Daniel kaya napatingin ako..

Eto nanaman ang lakas nanaman ng kabog ng puso ko..

Sobrang lakas..

Assuming lang ba ako o talagang nakita ko si Daniel na nakatingin sa akin?

Hindi ko alam pero sa loob-loob ko sana totoo yung nakita ko.. Sana tinitignan din nya ako..

Pero sabi nga wag umasa.. Malay mo naman Kath tumitingin-tingin lang si Daniel sa paligid nya diba? At sa di sinasadyang pagkakataon eh napatingin lang sa sa direksyon ko.. Tama! Baka ganun nga..

"Kath it's almost time na.. Baka malate tayo sa klase ni Ms. Garcia.. So guys next time na lang ulit ah" announce ni Janella sa amin

"Sure Janella Panget" -Marlo

Magsasalita pa sana si Janella nang biglang nagsalita si Daniel

"O sha sha baka sa sobrang asaran nyong dalawa eh hindi na makaalis si Janella at Kath dito .. Sige na mga binibini umakyat na ho kayo sa mga classroom nyo at kayo'y mag-aral mabuti" yumuko pa si Daniel

Haha ang kulit..

"Ew DJ what's with you? Sobrang makata eh.. Kath let's go na nga mga tao dito wala sa katinuan eh baka mahawa pa tayo" -Janella

Kinaladkad na ako ni Janella paalis sa harap nila at tumawa na lang sila..

Ang saya! 

Naalala ko bigla yung mga titig ni Daniel kanina.. Bigla akong humiling 'Sana ako nga ang tinititigan nya'

Napangiti na lang ako sa naisip ko..

Haay Iba ka talaga Daniel..

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon