Chapter 10

488 7 1
                                        

"Okay class! Thank you for the whole year and enjoy your summer" pagkasabi ng adviser namin nya ay natayuan ang lahat at tuwang-tuwa..

Bakasyon na :) Ang pinakahinihintay ng mga estudyante..

"Kath.. Yes! Bakasyon na rin sa wakas so ano ba balak mo ngayong bakasyon?" tanong sakin ni Janella "Ehh di ko alam Janella.. Pag bakasyon kasi wala kaming plano kung saan lang kami dalhin ng mga paa namin ganun-ganun lang.. Ikaw ba?

Lumaki ang ngiti ni Janella at nagkwento na sa balak nya ngayong bakasyon.. Ang dami nga nyang balak kasi daw uuwi daw sya sa province nila para dun muna tumira kasama yung mga cousin nya..

Nang nasa labas na kami ay nagpaalam na kami ni Janella sa isa't-isa "Wee kath mamimiss kita ilang linggo rin siguro tayo di magkikita.. Byee Kath enjoy your summer" with that, umalis na si Janella..

Ilang buwan ko ring di makikita yung babaeng yun.. Pati na rin si Daniel? Haaay ewan ko sayo Kath sya nanaman naiisip mo..

Umuwi na ako sa bahay at nagpahinga na.. Maya-maya tinamad nanaman ako kaya naisipan kong mag-fb..

Ang daming nagii-status na mga estudyante tungkol sa bakasyon.. Tinignan ko ang notification ko.. May dalawang status na tinag sa kin ni Jerome..

Yung una.. "Ang dami nanaman naming napagkwentuhan ni Kathryn at natuwa ako na pinagkakatiwalaan nya ako sa secret nya" tinignan ko yung date.. ito yung date na umamin ako sa kanya na gusto ko si Daniel.. Tinignan ko ang comment at nag-comment si Daniel..

Daniel: Bro! Pasecret-secret na lang ah.. share naman dyan

Jerome: Hoy DJ asa ka namang ishe-share ko yun :P kaya nga secret eh

Daniel: Ulul! Ganyan ka eh ang damot..

Natawa naman ako paano ishe-share ni Jerome yung secret eh si Daniel nga yung secret ko.. Haha adik eh..

Pangalawang status: "Whooo! Hindi ako makakapasok bukas.. K lang last day na naman eh! Grabe bakasyon na! Hindi ko man lang kayo makikita bukas guys.. Kitakits na lang sa susunod :P mamimiss ko yung isa dyan <3--with Daniel Padilla, Marlo Mortel, Janella Salvador and Kathryn Bernardo

Kahapon nya pala status yan.. Ni-like ko lang ang status nya.. at ni-click ko nanaman ang profile nya..

Kanino pa ba? Edi yung profile ni Daniel, stalker na siguro yung dating ko no? Wala binasa ko lang yung mga status nya..

Nakita kong itinag sya ni liza sa isang status.. "Weee super happy nanaman ngayong araw dahil kay Mr. Daniel Padilla.. thank you bhe.." Bhe? Ouch! Okay ang sakit..

Hinayaan ko na lang yun at lumabas na ako sa kwarto ko para kumain.. Napansin yata ni mama na malungkot ako kaya lumapit sya sakin..

"Anak, may problema ba?" umiling ako "Mama wala po, pagod lang po siguro ako.." nagfake-smile ako at mukhang di tumalab kay mama yun "Kathryn kilala kita alam  ko pag may problema ka.. Sabihin mo sakin baka matulungan kita" oo nga naman, masarap kapag may mapagsasabihan ka ng problema..

So ayun.. Inamin ko kay mama na may nagugustuhan na ako.. Akala ko nga patitigilin nya ako eh pero mukha pa syang natuwa kasi daw ganap na dalaga na daw ako.. Haay ewan ko kay mama..

"Alam mo anak.. hindi naman masama na masaktan ka sa mga nakikita mo kasi part naman talaga ng pagmamahal yan at kahit wala naman kayong relasyon pwede ka pa rin naman makaramdam ng selos kasi mahal mo siya eh.. hindi masama magmahal pero wag mo lang kakalimutang mahalin ang sarili mo, baka kasi sa sobrang pagiging insecure mo sa taong gusto ng gusto mo eh makalimutan mo na mahalin yung sarili mo" payo ni mama sa akin..

Pero mahal? Hindi ko naman mahal si Daniel ahh.. Gusto ko lang siya "Ma.. hindi ko naman sya mahal eh gusto ko lang sya" Natawa si mama "Haay! Ewan ko sayo Kath manag-mana ka sakin ganyan din ako nung una sa papa mo akala ko crush ko lang pero malalim na pala natatakot kasi ako na amnin na mahal ko na pala sya ewan takot ako sa mga magiging consequence eh iba na kasi kapag sinabing gusto mo lang yung isang tao at mahal mo ang isang tao.. pero syempre puso mo naman magdedecide kung ano ba talaga ang totoo eh" 

Mahal ko ba si Daniel? Hindi Kath.. Infatuation lang ito.. Si mama naman kasi kung anu-ano na ang mga sinasabi.. Bata pa kaya ako..

Naguguluhan tuloy ako.. Haay ano ba yan.. Bakasyon na dapat mag-refresh muna ako wala muna ang mga yan.. Dapat siguro mag-bakasyon din muna yung nararamdaman ko para kay Daniel...or not?

Haaaay ano ba?

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon