Chapter 11

495 9 6
                                    

Naboboring na ako sa bahay.. Hmm ano na kaya ginagawa ng mga kaibigan ko ngayong bakasyon? Nakakatuwa, dati pag bakasyon di ko iniisip kung ano na ginagawa ng ibang tao pero ngayon iba sila.. Simula nang dumating si Janella sa buhay ko sunod-sunod na silang dumating..

Dati loner ako pero ngayon dahil sa kanila nabago yun.. Mga nasa province sila ngayon kaya siguro nagpapakasaya yung mga yun..

Naisipan kong pumunta ng park.. Wala rin kasi si mama sa bahay may aasikasuhing trabaho daw..

Alas-kwatro pa lang naman kaya naglakad na ako papunta sa park dito sa may amin..

Dumiretso ako sa playground.. Di ko alam pero parang kusa akong dinadala ng mga paa ko dun..

Umupo lang ako sa isa sa mga upuan doon.. Mga ilang minuto na rin akong nandito..

Gusto ko ng umalis pero bakit ganun ayaw ng mga paa ko.. Parang may dapat akong makita dito, naramdaman nyo na ba yun?

Tatayo na sana ako nang may mapansin ako.. Napalapit ako sa may swing, may lalaking nakaupo doon at nakatalikod.. Di ko siya makilala kasi naka-hood siya.. Ang weird bakit feeling ko kilala ko siya..

Lalayo na rin sana ako nang bigla niyang tinanggal yung hood ng jacket nya at dahil dun nakilala ko siya..

Yung likod nya at yung buhok nya kilalang-kilala ko ang mga iyon..

Di ko alam kung lalapit ako o hindi, baka kasi mapahiya lang ako..

Aalis na lang ako! Pero ewan ko ba sa buo kong katawan at bigla akong lumapit sa isang swing sa tabi niya at umupo ako doon.. Ano ba tong ginagawa ko? Bahala na

Nakatingin lang ako sa harapan ko at naramdaman ko namang tumingin siya sa akin.. Ito nanaman yung puso ko nagiging wild nanaman..

"Kath?" narinig kong sabi nya kaya naman humarap ako sa kanya at ngumiti.. Alam kong nagulat siya nang makita nya ako..

"Ui Daniel.. Hehe tama nga ako ikaw nga yan!" sabi ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sakin.. Ahh ano ba ito dapat pala hindi na ako lumapit mukhang mapapahiya lang tuloy ako sa kanya.. Baka isipin nya FC ako masyado eh yung last na pag-uusap namin eh nung prom..

"Ehh nakakaistorbo ba ako sayo.. uh sorry aalis na lang ako" tatayo na sana ako nang magsalita siya "Huwag.." tumingin ako sa kanya, seryoso siya "Please, wag ka munang umalis" Dugdug..Dugdug

Pi-pinigilan nya ako? Ayaw nya ako umalis.. Umupo na lang ako sa katabi nyang swing..

Tiningnan ko ulit siya.. Bakit ganun? Parang may problema siya? "Ahh Daniel.. May problema ka ba?" tanong ko sa kanya..

"Ewan ko Kath.. Di ko rin maintindihan sarili ko eh! May problema ba ako? ewan, wala naman eh pero kasi may na-realize ako bigla kaya ayun di ko alam kung ano na nangyayari sakin.. Yung na-realize ko kasi sobrang laki ng magiging epekto sa lahat kapag naisipan kong ituloy yun.. Ang labo!" sagot nya.. Ang weird wala siyang problema pero may na-realize daw sya.. "Ahh tungkol ba saan yan?" Please sana sabihin nya.. Gusto ko siyang matulungan, ayaw kong nagkakaganyan siya..

Huminga siya ng malalim "May gusto kasi akong babae pero mukhang huli na ang lahat eh.. Umpisa pa lang huli na eh" may gustong babae? Diba si Liza lang ang napapabalitang gustong babae ni Daniel.. "Uhh tungkol ba kay Liza yan? Sorry masyado na yata akong tsismosa pero kasi kahit papaano gusto kitang tulungan eh" totoo gusto ko talaga syang tulungan kahit gaano pa kasakit para sa akin yun.. "Eh diba may gusto rin naman si Liza sayo so ano namang problema dun tsaka nakikita ko namang simula pa lang okay kayo eh" masakit yung sinasabi ko sa kanya pero titiisin ko.. Makita ko lang syang ngumiti

"Tingin mo Kath?" tanong nya sakin at napa-shrug na lang ako "Sana nga tungkol kay Liza yun eh pero hindi eh, tanga-tanga ko" pabulong nyang sabi at hindi ko iyon narinig kaya naman "Ah ano ulit yun?" tanong ko sa kanya "Wala Kath sabi ko sana totoong hindi pa huli ang lahat" 

Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya at kay Liza man pero para sa ikasasaya nya gagawin ko "Hmm.. hindi sa ini-spoil ko ang magiging ending nyo Daniel pero alam kong sa huli magiging okay ang lahat" Kahit masakit sa part ko ,kakayanin ko maging okay ka lang..

Ngumiti siya sakin.. Ayun yun lang naman ang hinihintay ko eh.. Yung ngiti nya!

"Kath sana nga.. sana nga magiging okay ang lahat" sabi nya sakin "Hehe bakit? May problema ba kayo ni Liza? Diba gf mo na sya?" tumawa siya bigla sa sinabi ko.. Ehh may mali ba sa sinabi ko? "Haha! Ano ka ba Kath di ko pa siya gf no! Kanino mo naman narinig yan?" ahh kaya pala.. yun siguro yung problema nya no? gusto nya talaga siguro si liza kaya nalulungkot siya dahil di pa rin nya gf si Liza..

"Haha wala! Naisip ko lang naman pero kung mali pala ako ng iniisip ehh pasensya na haha" sagot ko.. Napahiya ako dun ah! "Pero wag ka mag-alala magiging kayo din ni Liza" tumingin nanaman ako sa kanya at bumalik ulit yung mga lungkot sa mata nya, bakit? ano ba talagang problema? "Kath ang manhid mo pala" bulong nanaman nya kaya di ko ulit narinig "Ha?" pasigaw kong tanong sa kanya kaya umakto siyang parang nasaktan ang tainga..

"Ahh ano ba naman yan Kath! Ang ingay mo naman tsk.. Magkalapit lang kaya tayo diba?" sabi nya at nagtawanan, asaran at kwentuhan lang kami.. 

"Kath nililigawan ka na ba ni Jerome?" tanong nya "Ehh hindi naman.. Umamin lang sya pero di naman nanligaw bakit?" 

"Nice!..Eh wala naman natanong ko lang" tumango-tango na lang ako..

Magaalas-sais na pala.. Ang bilis ng oras.. Alam nyo ba yung feeling na gustong-gusto mo na umamin ng nararamdaman mo sa kanya pero di mo magawa..

Gusto kong malaman nya yung nararamdaman ko pero ayaw ko namang sabihin sa kanya yung totoo.. Ewan ang gulo!

Ngayon naman ang topic namin tungkol sa kanila ni Liza.. Ang sakit promise! Parang gusto ko na malusaw dito sa swing.. Wag lang si Liza ang pag-uusapan.. 

That's the thing about pain.. it demands to be felt

Para maiba yung topic eh tinanong ko kung malapit lang ba sya dito nakatira kasi natambay sya dito eh.. Ako kasi ilang lakad lang eh.. Ang sabi nya malayo pa daw sya dito pero trip nya lang pumunta kaya nag-alala ako bigla anong oras na kasi eh..

Pinauwi ko na sya dahil baka kung mapaano siya sa daan..

Nung naghihintay kami ng jeep ay nagsalita sya "Kath! Thank you ngayong araw.. Kahit masakit pa ring tanggapin lahat.. naging okay din kasi nandyan ka eh" ngumiti lang ako sa kanya at dumating na ang jeep..

Nang pasakay na sya ay may sinabi pa siya pero di ko na narinig kaya sumigaw ulit ako ng ha? sa kanya pero ang sabi nya lang "Haha wala sabi ko K 3 U" at umalis na ang jeep nag-wave na lang ako sa kanya..

K 3 U ? Ano naman yun?

Umuwi ako ng may ngiti sa labi.. Kahit nagmukha akong martir kanina dahil sa pagsuporta ko sa knila ni Liza.. okay lang.. Masaya naman

---------------

ANO NAMAN KAYA ANG K 3 U NA PINAGSASABE NI DJ KAY KATH? HMMMMM.. FISHYYY

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon