Chapter 15

467 4 5
                                    

Second day pa lang ng klase pero hindi na agad ako nakatulog ng maayos..

Hindi dahil sa mga assignments o project pero dahil sa kaiisip ko kung ano ang gagawin ko para hindi ko na maramdaman yung sakit.. Ahh grabe mahirap magka-gusto sa isang taong laging nandyan pero magkaiba naman kayo ng nararamdaman..

Sa una lang masarap pero ang hirap na kapag gusto mo na itigil..

Nandito na ako sa school at breaktime na nga namin eh di kami pumunta sa tambayan..

Nagkwento lang si Janella tungkol sa nangyari sa kanila ni Marlo kahapon..

Umamin na daw sya tapos si Marlo umamin din na may crush din sya kay Janella.. Kaya pala laging inaasar ni Marlo si Janella eh haha.. So bale parang M.U sila. Okay diba?

"Eh kath paano kaya kung umamin ka na rin kay DJ?" sinamaan ko sya ng tingin at umakto sya na parang di nya ako nakita "Naman eh.. Nang-aasar ka ba Janella? Buti kung yung lovestory ko kagaya ng sayo eh.. Kaso malabo eh, may Liza na sya okay? Malabong magustuhan ako nun" 

"Ano ka ba kath wag ka nga ganyan sa sarili mo.. Compare mo kay Liza mas better ka! Marami ngang nagkakagusto sa babaeng yun, eh ang tanong nirerespeto ba sya? Mas okay pa rin yung nirerespeto ka ng marami" nagulat ako sa sinabi ni Janella at tinakpan ko ang bibig nya.. mahirap na baka mamaya may makarinig sa amin eh..

"Ano ka ba Janella wag mo sasabihin yan baka may makarinig" ako yan tapos inalis ko yung kamay ko sa bibig nya "Why? Totoo naman eh.. Nagugustuhan lang naman sya ng iba kasi pag sumasayaw sya halos makita na yung buong katawan.. Di mo ba naririnig yung mga bulungan ng mga lalaki pag sumasayaw sya.. Haay naku Kath" 

Umiling na lang ako sa sinabi ni Janella.. Pero totoo yun, diba nga member si Liza ng dance group dito sa school so kapag may event sumasayaw sila tapos minsan yung mga suot nila pag maluwag halos malaglag na yung damit tapos kapag masikip yung suot nila medyo bakat na yung kalul--... Ehh basta alam nyo na yun..

Teka nga pala yung dahilan kung bakit hindi kami bumaba ni Janella eh kasi busog pa kami tapos isusulat ko rin yugn schedule namin sa planner ko kaya may ginagawa naman ako kahit papaano.. Si Janella nakaupo lang sa upuan nya..

"Ahh Janella, di ko alam kung tama ba itong gagawin ko" napatingin si janella sa akin.. sasabihin ko na sa kanya yung dapat kong gawin para makaiwas agad sa sakit..

"Napagdesisyunan kong layuan na sya" halata naman sa hisura ni Janella ang pagka-gulat "Y-you mean.. L-lalayuan mo na si DJ? H-hindi mo na sya gusto" tanong nya

Nag-nod lang ako at tinuloy ang pagsusulat ko "Kath! Are you serious? Lalayo ka dahil sa akala mo wala ka ng pag-asa? Dahil si Liza ang gusto nya at di ikaw?" 

"Hindi naman sa ganun Janella.. Ayaw ko lang kasi dumating sa punto na kahit gusto ko lang sya eh mahihirapan ako na alisin yung feelings ko sa kanya.. Ayaw ko na ng mga nangyayari sa akin lately at ayoko rin na mas lumala pa yung nararamdaman ko sa kanya.. Janella please! Tulungan mo ako, ikaw lang at si Jerome ang nakakaalam nito eh.. Please" mukha namang nag-isip pa si Janella..

"Haay! O sige tutulungan kita, susuportahan kita kung para sa ikabubuti mo yan.. Basta be sure to make yourself happy ah" labas sa ilong na pagsabi ni Janella..Hehe halata pa rin kay Janella yung disappointment..

Sa sobrang tuwa ko niyakap ko si Janella at nagtawanan na lang kami pagkatapos..

Kailangan ko rin sabihan si Jerome tungkol dito hehe alam nyo naman na silang dalawa lang ang may-alam nito eh..

After ng class, Nandun si Marlo sa tapat ng room namin.. Mukhang gets ko na kugn sino hinihintay nito ah..

Ako ang mas naunang lumabas kay Janella kasi sinabi kong pupuntahan ko pa si Jerome..

"Uyy Marlo! Ikaw ah may pahintay-hintay ng nalalaman ah.. Haha nga pala hintayin mo na lang si Janella palabas na yun" sabi ko sa kanya "Haha ano ka ba Kath! Mang-aasar lang naman ako! Boring eh wala magawa" sya

"Hoy! Ano tingin mo kay Janella laruan? Wag na wag mo paglalaruan yung bestfriend ko kung hindi..." ako to habang pinoform ko yung kamay k na parang manuntok "Ehhh ano ka ba kath hindi ko naman sya paglaruan no, takot ko na lang sayo" kamot-ulo nyang pagsabi..

"Haha sure yan ah! Ay nga pala nasaan si Jerome?" tanong ko sa kanya

"UYYY! Ikaw ahh hinahanap-hanap na ahh.. Haha nandun pa sa room cleaners sya eh puntahan mo na dun..YIIIEEE" nagbehlat na lang ako sa kanya at pumunta na sa room nila..

Sana wala si.... Basta alam nyo na yun!

Nang makarating ako sa tapat ng room nila ay saktong lumabas si Jerome.. Siya yata taga-tapon ng basura..

"Uyy kath! Nandito ka pala haha halika pasok ka sa room! Dun ka muna upo habang naghihintay ka" hinila ako ni jerome sa loob ng room nila at pinaupo sa likod..

Naghiyawan pa nga mga kaklase ni Jerome eh.. Haha ang kulit!

Pinanood ko lang sila amglinis, hindi naman sila nakakabored panoorin, ang kukulit kasi nila eh! Sa section 1 kasi madalas seryoso yung mga tao..

Nang matapos na yung paglilinis nila ay lumapit na si Jerome sakin at naglakad na kami palabas..

"Wala sya.. absent sya eh" out of the blue na sabi ni Jerome "Ha? Sinong absent?" takang-taka kong tanong

"Si DJ.. Hehe wala lang baka kasi hanapin mo eh.." sabi nya "Trip nya lang daw hindi pumasok eh haha baliw talaga uyng lalaking yun! Tinatamad nanaman, second day pa lang namand aw ng klase eh" pagpapatuloy nya

Medyo naginhawaan ako nung sinabi nya yung rason ng pag-absent niya akala ko kasi may sakit sya eh.. Hayy ayan ka nanaman Kath concern ka nanaman!

"Ahh di ko naman sya itatanong eh.. sa tooto nga lang gusto ko na syang iwasan" sabi ko

Mukha rin naman syang nagulat parang si Janella lang haha "Iiwasan mo sya?" 

"Oo, kaya humihingi ako ng tulong sayo na kung pwede wag mo na ipapaalala na may feelings ako para sa kanya para madali kong ma-stop yung naraamdaman ko sa kanya..Pwede ba yun?" sabi ko naman sa kanya..

"Ha? Ehh bahala ka kung yan ang gusto mo.. Kugn kaya mo bang turuan yung puso mo eh, magagawa mo yan pero paano pag hindi?" 

"Kaya ko to Jerome.. Nandyan naman kayo para tulungan ako eh.. Diba?" nagnod na lang sya..

At sumakay na ako pauwi sa amin..

Magkaiba rin kasi kami ng way eh..

Kaya ko ba to?

KAKAYANIN KATH. KAKAYANIN MO YAN!

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon