Chapter 3

862 11 0
                                    

Janella and Marlo sa right side :) ---->

-----------------------------------------

Nandito ako ngayon sa may court ng school..

Free-time namin..

Nanuod na lang ang section namin ng practice ng mga varsity..

At syempre dahil varsity si Daniel

Makikita ko siya..

Nsa may gilid ako ng court habang naka-tingin sa kanya..

Tumabi sa akin si Janella..

Isa sa classmate ko..

Maganda siya ngayong year ko lang sya naging classmate eh.. Balita ko nga kaibigan nya sina Daniel eh..

Mabait siya, vice president ng section namin yan eh..

Nakakainggit buti pa sya kaibigan nya sa Daniel

Haay insecure ka nanaman Kath..

"Kath"

Tinawag nya ako at humarap ako sa kanya..

Nakangiti siya..

Ngumiti rin ako "Ah bakit Janella?"

"Wala naman gusto lang kita tabihan"na-weirduhan ako sa sinabi nya..

"Don't get me wrong ah gusto ko lang tumabi sayo di ko nga alam kung bakit eh pero parang ang gaan ng loob ko sayo unlike our other classmate ang aarte ng iba"sabi nya sakin..

Haha ganun naaartehan sya sa iba naming classmate..

"Hehe okay lang"tugon ko..

"Let's be friend"-Janella

Inabot ko ang kamay nya "Sure"

Nagkwentuhan lang kami ni Janella..

Grabe ang dami nyang kwento..

"Kath aminin mo nga"napatingin ako sa kanya ano namang aaminin ko?

"May gusto ka kay DJ no?"si DJ si Daniel..

Teka paano nya nalaman?

Wala akong pinagsasabihan..

"Ha?"pagmamaang-maangan kong sagot..

"Hay naku Kath friend mo na ako wag ka mag-alala safe ang secret mo"

TInusok nya ako sa tagiliran yung parang kinikilig sya..

"Ahh..ehh paano mo nalaman?"err baka kasi kalat na pala na may gusto ako kay Dj

"Nakita ko kasi kung paano mo sya tignan"-Janella

Kung paano ko sya tignan? Teka.. Ano konek?

Tumingin lang ako sa kanya ng may lito sa hitsura..

Nakatingin lang sya sa court..

HInintay ko na lang yung sasabihin nya..

"Bawat tingin mo kasi sa kanya may meaning ehh.. I knew it because I used to look at him in that way.. before"

Mas lalo akong naguluhan..

"Before?"tanong ko..

"Yes! Magkakilala na kami ni DJ since grade 5, family friend namin sya and katulad nila"tinuro nya ang mga babaeng nagchi-cheer para kay DJ "Nung una kong nakita si DJ nagkagusto na rin ako, ewan koba kung ano meron sa lalaking yan at kapag tinignan mo sya sa mata parang bigla ka na lang mafa-fall hindi naman siya sobrang gwapo"

Ngumiti siya

Pinapakinggan ko lang sya at tumingin din ako kay Daniel na kasalukuyang may hawak ng bola

"Bata pa lang kami mahilig na sya sa basketball at sa twing napapanuod ko sya sa game nya mas lalo akong nafa-fall. Ewan ko ba! Sa twing sinasabi ko naman sa kanya na crush ko sya gagawin nyang biro yun" Nag-pout siya "Tingin nya lang saakin little sister.. Nakakainis pero syempre noon lang yun simula nung tumuntong na kami ng high school dito mismo sa school na ito.. Dumami yung nakilala ko at syempre pati sya.. Unti-unti nawala yung feelings ko sa kanya tapos"tumingin siya sakin"Shhh wag ka maingay ahh sa ngayon kasi ang crush ko si Marlo yung close friend ni DJ kilala mo siya diba?"

Nag-nod ako..

So ganun? Crush ni Janella si Daniel dati tapos ngayon napalitan na dahil kay Marlo?

Nice ang cute..

"Basta Kath ah secret lang natin yung part na kay Marlo ahh naku bwisit yung lalaking yun eh lagi na lang ako inaasar tapos ayun di ko alam na ganun pala.. The more you hate,the more you love ika nga nila.. basta ah wag ka maingay na crush ko sya tayo lang nakakaalam ah"

Sabi niya sakin na mukhang takot na bata..

Haha ang cute..

"Paano kung sabihin ko?"niloloko ko lang sya..

"Edi sasabihin ko din kay DJ na may gusto ka sa kanya para quits"

Nagtawanan na lang kami dun habang nanunuod..

Haay ang sarap pala magkaroon ng close friend

Napatingin ako kay Daniel.. Kailan kaya kita magiging kaibigan?

So close yet so far (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon