Chapter 15

485 7 0
                                    

"Curiosity kills."

Red's POV

Napag pasyahan kong pumunta muna sa mall para bumili ng mga simple gifts para sa mga kaibigan kong nagstay nung nasa hospital ako. Excused parin naman ako sa school kaya okay lang. Pagkapark ko ng kotse ko, pumasok na ako sa mall.

"Good morning po." Nginitian ko yung guard na bumati sakin.

Hm, sana good vibes ako ngayong araw.

Naghanap ako ng shop na pwedeng pagbilhan ng mga regalo. Siguro yung ibibigay ko sa boys, long tees nalang. Nung minsan kasi sinabi nila saking may gusto silang long tee at ipagshopping ko daw sila. Grabe diba? Sila pa talaga yung ipagshoshopping. Pumasok ako sa isang shop na lagi naming pinagbibilhan ng mga damit nila.

"Good morning, Miss Red." Bati sakin nung mga staff. Kilala pa din pala ako dito kahit na matagal na akong hindi nakakapunta. "Kayo lang po? Buti hindi nyo po kasama yung mga iba?"

"Pumasok sila. Ako hindi." Kinindatan ko siya at tumawa kami. "Anyway, tulungan mo akong mamili para sa mga lalaki."

"Lalaki? Kayo ah, miss! Sino po mga lalaki niyo?" Pabiro ko siyang pinalo sa braso. "Joke lang po. Sige po, dito po tayo sa Room M."

Papasok na sana kami sa Room M ng biglang tinawag ng isang staff yung kausap ko. "Mia, may mga customer dyan."

"Bakit bawal pumasok? Reserved ba?"

Tumango yung kausap nya. "Yap, reserved yan. Gagamitin ata sa isang event."

Napatingin sakin si Mia at napakamot ng batok, "Miss Red, sorry po, may mga customers po pala sa loob."

Sayang naman. Napangiti nalang ako. "Sige, babalik nalang ako mamaya. Mag hahanap muna ako ng gifts para sa mga girls."

Nag paalam na ako at lumabas ng shop. Dumiretso naman ako sa shop na favorite namin nina Ally. Lagi kami dito dumidiretso kapag nag shshopping kami. Pumasok ako at binati ng mga staff.

Pinabayaan lang nila akong mamili dahil kilala na ako dito. Nang matapos na akong mamili, hinayaan ko na silang ayusin para sa bayad.

"Magkano lahat?" Tanong ko habang tinitingnan yung isang accessory. Hindi sumagot yung sale's lady sa cashier kaya tiningnan ko siya. "Miss?"

Napakurap siya bago tumingin sakin. "Ma'am, twenty four thousand po?" Hindi na sure na sabi.

Naglakad ako papunta sa cashier at nilabas yung card ko. "Ilang paper bags?"

"Seven paper bags po. Gusto niyo pong iwan muna dito?" Tanong nya habang inaayos yung payment ko.

"Diba nagdedeliver naman kayo?" Tumango yung sale's lady. "Pakideliver nalang sa bahay. May pupuntahan pa kasi ako."

May nilabas siyang paper at doon ko sinulat yung address ng bahay namin. Nang matapos na akong mag bayad, bumalik ako ulit dun sa shop na una kong pinuntahan. Madaming tao sa labas ng shop kaya napasimangot ako.

"Anong meron don?" Tanong ko sa sarili ko habang papalapit sa shop.

"Oh my god, ang gwapo nila!"

"Sila ba yung bagong models ng shop na yan?"

"God, hindi pa ako nakakita ng ganyang kagwapong mga lalaki!"

"Marry me!"

Dahil sa curious ako, nakipag siksikan ako para makita yung nasa loob. Dahil sa may mga babaeng malilikot sa likod ko. Halos masubsob na ako papasok sa shop buti nalang hindi ako nag mataas na heels! Nang itaas ko yung ulo ko, napahawak ako sa bibig ko sa nakita ko.

Autumn Red with The GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon