Mint's POV
Shit wait, hindi kami pwedeng mag kamali. Is that our teacher?
"Guys! Si Miss Liv ba yon?!" Sigaw ni Trish.
Napairap ako. Obvious naman tinatanong pa.
Tumango naman ng sabay sina Red.
Tumayo si Exodus, "Kaya siguro wala sa mood mag turo kasi inaatupag tong trabaho nya!" Padabog nyang nilapag yung iniinom niya at umupo.
"Dapat may gawin tayo. Hindi ako papayag na yung magaling na teacher mag tratrabahong ganyan!" Sabi ni Red, tumayo siya at akmang aalis na pero pinigilan sya ni Grey.
"Damn girl, sit down. Anong plano mo ha?" Mahinahong tinanong ni Grey si Red, "Alam mo ba kung paano siya ililigtas? We don't even know why is she working here."
"I just want to get her out of this nasty bar!" Pag mamaktol ni Red.
Tumayo ako, "Let's go, kunin natin si Miss don. Ex, pahiram ng jacket mo." Binigay naman saakin ni Exodus yung jacket nya.
Nagplano kami kung paano namin kukunin si Miss don. Fuck, nakaka distract! Kailan pa gumaling sa pag giling si Miss? Napailing ako at pinalo ang sarili ko sa mukha.
Focus, Minton, focus!
Pinlano naming i-lights out ng DJ yung buong bar, syempre, kailangan namin siyang bayaran para mapapayag siya. What is money, paper only. Pag nag lights out na, kukunin namin si Miss. We all agreed na ako na ang kukuha kay Miss, since wala naman ako ibang magagawa.
Pumunta na kami sa mga places namin. I saw Red talking to the DJ and after a few seconds, nag lights out na. The crowd went silent for a while, then begun shouting.
That's my cue, umakyat ako kaagad sa stage at hinila si Miss Liv. Tinakpan ko yung bibig niya para hindi siya makasigaw. Nang makapunta na kami sa likod ng stage, dun ko binitiwan yung bibig niya. Baka mamatay pa 'to. Sayang!
"Ano ba—" Natigil sya sa pag sasalita.
"Shhhh! Keep calm!" I said, wala akong pake kung teacher siya. Ayoko man pero parang nagbago ang tingin ko sakanya. "You good?"
"M-Mint?!" The one and only. "A-anong g-ginagawa m-mo dito?"
Umiling ako at hinatak pa siya dun sa may darker corner ng room. I scoffed, "No... Ako dapat mag tanong nyan sayo. Anong ginagawa mo sa bar, habang sumasayaw ng kung ano man at ganyan lang ang suot mo?"
Yumuko sya, "P-please... L-leave me alone..." Sabi niya habang umiiling.
"No." I simply said at hinatak ko siya palabas ng bar kung saan naghihintay sina Grey.
"Red! Andito na sila!" Sigaw ni Natalia.
Nagulat si Miss ng nakita niya ang mga kasama ko.
Sumimangot sya, "W-what are you doing here?"
Nag seryoso yung mukha ni Trish at tinaasan siya ng kilay, "No miss, ikaw nga dapat ang sumagot saamin nyan eh. Anong ginagawa mo dito?"
"Pwede bang wag dito? Sa isang fast food nalang tayo mag usap." Mahinahong sagot ni Miss Liv.
Sumimangot ako, "What? Fast food? At ganyan suot mo, lingerie plus jacket? Wow." Humalukipkip ako.
"I have extra sweatpants in my car..." Sabi ni Grey habang tinuturo yung sasakyan niya. Tumango kami at umupo sa likod si Miss Liv kasama yung iba. Kaming dalawa ni Trench yung nasa harap.
BINABASA MO ANG
Autumn Red with The Gang
HumorAutumn Red Montegralle is a college student. Not the typical one. She's rich, hot, pretty, powerful and strong. She has friends that are really great. Guess what they are. And you'll loose your mind.
