[Blue's]
"Blue, papicture nga."
"Blue! Wala ka naming ginagawa, pwede pabantay?"
"Casper Blue! Dalian mo h'wag kang babagal bagal!"
"Blue!"
"Blue!"
"Blue, paki-"
"Tangina naman!" Nanghihina kong sinipa ang upuan malapit sa akin. Natigil sila at tumingin lang sa akin. Huminga ako ng malalim bago ulit magsalita, "Yung totoo? Bakasyon talaga 'to o uutusan niyo lang ako?"
"Bakasyon!"
"Uutusan ka!"
Pinanliitan ko ng mata ang mataray na si Trish at sinamaan nya ako ng tingin. "Silang lahat bakasyon sagot tapos ikaw... utos? Sinasadya mo 'no?" Inirapan niya ako sabay halukipkip. "May gusto ka sakin no? Kaya siguro inuutusan mo ako lagi! Para magkaroon tayo ng contact!"
"Wow! Ang taas naman ata ng tingin mo sa sarili mo."
"Natural!" Pabalang kong sagot sakanya. "Umamin ka na nga!"
"Anong aaminin ko? Ew, ano sa tingin mo sakin... walang taste pag dating sa mga lalaki?" Tumawa siya ng parang witch. Sabi na eh, may sa kulto 'tong babaeng 'to.
Inagaw ko ang inumin na iniinuman ni Grey at uminom muna bago siya sagutin. Nginisian ko siya at tinaasan ng kilay. "Kapag ikaw na-inlove sa akin... bahala ka... hindi kita papansinin."
"Hah! Ngayon palang mag bonding na tayo para masimulan na natin ang memories natin as best friends!" Natatawa nyang sagot. Ha? Ano daw? Ang gulo ng sagot niya. "Oh bobo, hindi gets? Ibig sabihin lang nun, hindi mangyayari yung sinasabi mong mai-inlove ako sayo at hindi moko papansinin!"
Sasagot pa sana ako ng bigla akong hilahin ng bulilit naming kasama. "Stop bickering and come with me! Let's take pictures!" Nakangiti nyang sabi sabay hila sakin. Tumigil ako sa paglalakad kaya naman napatigil din siya at napalingon sakin. "Huh? Is there any problem, Blue?"
Sinuri ko ng maigi yung mukha niya at ng ngumiti siya pinanliitan ko siya ng mata. "Umamin ka nga sakin, Ally... may gusto ka ba sakin?" Saglit syang natigil pero nakabawi kaagad. Tinawanan niya muna ako bago niya itaas ang kamay niya, "aray! Para saan yun?!"
"Eh gago ka! Anong may gusto sayo? Diyan ka na nga! Wala kang kwenta." Nakanguso siya habang naglalakad palayo sa akin.
Napakamot nalang ako sa ulo habang sinusundan siya.
Ang gulo naman ng mga babae. Ang hilig mag bigay ng mixed signals.
"Guys! Tingin sa phone dali, video 'to!" Nakangiti kaming tumingin sa phone ni Natalia at kumaway-kaway. Itinaas pa niya ang pagkakahawak niya sa monopod para kita yung view sa likod namin. "Iikot tayo ah? Para kita yung view!"
Umikot ikot kami at halos masuka na ako sa dami ng ikot na nagawa namin. "Tama na! Masusuka na ako eh!" Tumigil ako sa pag ikot at tumigil na din sila kalaunan. "Patingin nga ng video, baka mukha akong tanga diyan."
"Matagal ka ng mukhang tanga," Sagot ni Trish kaya naman napasimangot ako.
Siya ba ang tinatanong ko? Papansin talaga 'to sakin e.
"Mag aaway nanaman kayo niyan!" Suway samin ni Exodus. Hindi nalang ako nagsalita at uminom nalang ulit ng tubig.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit kay Natalia para tingnan sana yung video namin, "Ay shit! N-Natalia? Okay ka lang? Buti nasapo ko 'tong phone mo!" Sakto kasing paglapit ko nahulog nya mula sa kamay niya buti nalang nasapo ko. Tumingin ako sakanya at napasimangot, "Nat, your hands are shaking..."
"S-si R-Red..." Bulong niya pero buti narinig pa namin. Natigilan kaming lahat sa sinabi nya at iba't iba ang naging reaction. Tinuro nya yung phone nya na nasa kamay ko, "W-watch our video."
Nag kumpulan kami at pinanood ng mabuti yung video pero wala naman kaming makitang Red sa video.
"Niloloko mo ba kami, Natalia?" Naiinis na tanong ni Grey. Mabilis siyang umiling, "Eh nasaan? Wala naman!"
Napatingin ako kay Mint ng agawin nya yung phone sakin. Nakasimangot syang nakatingin sa phone at bigla nalang nanlaki ang mata niya. "Here!" Lumapit kami sakanya at tiningnan ang sinasabi niya.
"Poster?"
"Ad?"
"M-model?"
"S-siya ba yan?"
Nakanganga kami habang pinag mamasdan ang malaking advertisement na may mukha ni Red. Grabe! Ang ganda niya. At biruin mo? Nag model pala!
"Are you sure na siya yan?" Napatingin ako kay Grey at seryoso siyang tumingin din sa akin. "Fall... Fall Anagralle yung pangalan."
BINABASA MO ANG
Autumn Red with The Gang
HumorAutumn Red Montegralle is a college student. Not the typical one. She's rich, hot, pretty, powerful and strong. She has friends that are really great. Guess what they are. And you'll loose your mind.
