Chapter 23

336 7 3
                                        

Five months later...

Limang buwan na ang nakakalipas matapos ang pinakamagulo at madugong pakikipag laban nilang Gang sa mga nag hahari-harian at reynahan sa mundong ginagalawan nila. Limang buwan na rin ang nakalipas matapos nilang mag kita-kitang mag kakaibigan at parang walang nangyari... nag kaayos na silang lahat. Pati narin ang relasyon niya sa kanyang ina at pamilya ay naayos na rin. Humingi ng tawad ang mommy ni Exodus pati na rin ang mommy niya.

Masaya siyang sa loob lamang ng limang buwan, naayos lahat ng gusot sa buhay niya na tinakasan niya noon. Pero noong huling laban nila bilang UNO ng Mafia Juniors, nagkaroon ulit ng mansta ang buhay niya.

Kaharap ngayon ni Fall—na mas kilala bilang Red, ang lider ng bagong UNO sa Mafia Juniors—Jack. Hindi parin ata ito nakakapag move on noong natalo siya sakanila at sinamantala nito ang pag kawala niya para mag hari-harian sa mundo niya.

"Long time no see Red, or should I say Fall Anagralle?" Nakangising saad ni Jack habang nakatingin ng diretso kay Red.

'Mukha kang aso!' Red wanted to spit out but she slapped herself mentally.

Cute ang mga aso, si Jack hindi.

Red shrugged her shoulders, "Kahit ano. Wala namang nag babago kapag sinasabi mo yung magkaiba kong pangalan, para ka paring kumakahol."

Nag igting ang panga ni Jack sa sinabi ni Red na ikinatuwa naman niya. Ano pa nga ba ang ginagawa nya? Iniinis ito. She likes it whenever Jack frowns at her remarks. Isa lang ang ibig sabihin non, naapektuhan siya. Pikon, kumbaga.

"Ano pa bang hinihintay mo? Shoot me, Red, shoot me." Hindi parin naalis ang ngisi sa labi nito. "Hindi ba iyon ang pinunta mo dito? Ang patayin ako?"

Walang alinlangang kinasa ni Red ang baril na hawak at itinutuok ito sakanya. Napansin nyang napamura ito sa ginawa niya kaya naman gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili. "Any last words, Mister Jack the Loser?" She smirked.

"Loser? Hindi ba ikaw yon, Red? You're the loser here." Hindi nag salita si Red dahil alam niyang itutuloy pa nito ang kanyang pagsasalita. At ang mga sumunod na sinabi ni Jack ay ang dahilan kung bakit niya hinigpitan ang pag kakahawak nito sa baril.  "Sino bang na-confine sa hospital at hindi makapag salita? Ikaw. Sino ba ang niloko ng mga pamilya niya? At hindi lamang pamilya ah, pati narin pala mga kaibigan. Ikaw din yon, tama ba? At sino ba ang pumuntang Korea para lamang makalimot? Ikaw ba 'yon? Natural ikaw. Loser ka kasi. You can't handle things on your own."

Saglit silang natahimik. Pinigilan ni Red ang sarili niya na kalabitin ang baril na hawak niya. She wanted to shoot this guy in front of her but she can't. She doesn't like killing people, even if she seems to.

"Are you done?" Madilim ang mukha ni Red noong muli syang mag salita. "Are you done?!"

"Not ye—"

"Well I don't f/ck/ng care if you're not yet done, wala namang sense ang mga sinasabi mo. So you need to shut your mouth and leave this place now." Ibinaba ni Red ang kamay niya, "You know what Jack? I pity you. Wala kasing pumapansin sayo kaya nag papapansin ka. Do you want attention? Then why don't you beg your parents for it? I bet they will give the damn attention you've been longing for. Maybe you'll find ease after that. Maybe you'll stop bugging our own lives. But I doubt it tho, mahal kaba nila?" She asked, teasing.

Namumuti na ang kamao ni Jack at paniguradong susugod na ito sakanya. Inihanda niya na ang sarili niya pero laking gulat niya ng tumawa ito ng malakas. Inisip niyang tuluyan na ngang nabaliw ito dahil sa kagaguhang ginagawa nya.

"You're funny Red, really funny." Pumalakpak pa ito pero nagseryoso bigla.

"I'm not joking, totoo yun. Para kang babae, little attention seeker."

"Alam mo Red, nakakatawa talaga ang pagiging tanga ng mga tao. Akala nila perperkto na ang mga nasa paligid nila, pero yun pala hindi. Mga nag bubulag bulagan o pwede ring tanga lang talaga." Napasimangot si Red sa sinabi niya.

Madami pang sinabi si Jack na para sakanya ay wala namang kwenta. Pero nanigas siya sa kinatatayuan niya sa narinig nya.

"You have a half sister, Red. And I think she'll be happy if you will look for her."

"Talagang wala ka ng magawang matino, ano? Gagawa at gagawa ka ng kwento masaktan mo lang ang tao."

"Well... I'm just concerned kaya sinabi ko sayo," Sagot ni Jack sabay ngisi. "Why don't you ask your dearest father?"

Nanlaki ang mata nito, "What? You're lying right? My father will never have an affair! She loves my mom so much!" She defended.

Ngumisi muli si Jack, "Uh-huh, you say. Pero pwede namang ikaw yung anak sa labas. Who knows? Only your father can answer that question, little bastard."

Hindi na napigilan ni Red ang sarili niya at sinuntok niya ng malakas si Jack kaya napahandusay ito. Hindi pa siya nakuntento at kinuha niya ang kwelyo nito at itinayo siya. "Bawiin mo yang sinabi mo! Hindi ako bastarda! I will never be!" Nangingilid na ang luha nito sa galit.

"Oh really now." Natatawa niyang sagot.

Ibinagsak ni Red si Jack at dinaganan ito. Pumaibabaw ito sakanya at walang habas siyang pinagsusuntok ni Red. Hndi tumigil si Red sa pag suntok sakanya, natigil lang ito ng awatin sya ng mga kaibigan nya.

"Red, stop this!"
"Ano bang nangyayari dito?!"
"Red, tama na!"

Dumura siya sa gilid bago mag salita, "You get this man away from me or else I might broke my promise."

"I might kill that, little piece of shit."

Autumn Red with The GangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon