Chapter 7 - Blue

1.2K 17 3
                                    

RED'S POV

So it's just Tuesday pero ayoko ng pumasok. Pano ba naman, for sure wala naman kaming gagawin niyan lalo na ang first subject namin ay si Allivarez.

"Morning!" Sabi ni Ally habang nag stretching.

Nag good morning din kami sakanya pwera lang sa isa.

"Morning ka diyan, get up now. Ikaw nanaman ang pinaka-late nagising at panigurado mahuhuli tayo sa first period natin." Singit naman ni Trish na mukhang seryoso.

Tiningnan lang naman sya ni Ally na nakapout. Ang cute masyado! Parang mag mommy lang!

"Wow ha. Daming sinabi. Speech ba? Awarding na ba?" Singit ni Minton kaya kami nagtawanan, "At kailan ka pa naging conscious sa pagiging late?"

Tiningnan lang siya ng masama ni Trish at inirapan, "Wala ka ng pake don."

Sa sobrang tawanan namin sakanila, hindi namin napansin na nasa cr na pala si Ally, at kumakanta pa! Talagang todo birit siya at panigurado performance level siya sa banyo. Tumawa naman kami ng malakas. Yes, pwede na siya sa The Voice.

"Hoy dalian mo! Baka 'di pa tayo makapasok sa school nyan at ma-stuck tayo dahil sa baha!" Sabi ko naman at lumabas sya ng cr at dumeretso sa closet namin at nag make face lang.

Saktong 8:30 nang makarating na kami sa school. Hindi pa naman ganoon kalate dahil ang start ng klase samin ay exactly 8 o'clock.

"Autumn!"

May narinig ako tumawag sa pangalan ko kaya tumalikod ako. Then I saw Blue. Ang awkward pag magkakasama kami ni Grey, para kaming united colors. At alam ko may kaklase pa akong kulay din ang pangalan at meron din sa kabilang sections. Bubuo ba ng rainbow 'tong school namin?

"Problema mo?" Sabi ko at nag tuloy tuloy sa pagbabasa ng mga nakaposts sa bulletin board.

Mag isa nalang kasi ako dahil nauna na sa klase sina Trish. Tinatamad pa ako pumasok kaya konting cutting muna tayo dito.

"Sungit naman?" He smiled. Problema nito? Umagang umaga naiirita ako dahil sakanya. "Wala akong problema sayo. Tatanungin ko lang sana bakit wala kang kasama?" He asked while raising his eyebrows.

Alam niyo, kung hindi ko lang siya kilala, nasapak ko na to. "Trip ko. Baket ba ha?!" Singhal ko at imbis na magulat siya ay tumawa pa siya.

May nakakatawa ba don? Timang na ata to!

"Sira ulo." I whispered then rolled my eyes.

"Hala, di ako ganon. Tara? Sabay na tayo Red?" He offered his hand as a sign of agreeing with him.

Dinaanan ko lang kamay niya at naglakad na. Hello, di naman kami masyado close pero nakakasama ko na siya sa iba pang activities so I consider him as my friend.

Aakyat na sana ako ng stairs papuntang 2nd floor ng nakita kong di sya sumusunod. Ano bang problema neto?! Kanina inaaya ako, ngayong aalis na kami biglang titigil maglakad?

"Ano ba Casper Blue Mañiago?! Sasabay ka ba o hindi?!" I shouted. Inirapan ko siya ng makita kong tumatakbo na siya papunta sakin.

"S-sorry Red..." He said at ngumiti nanaman siya. But this time, parang fake? Ano ba nangyayari dito? Parang nakakita ng multo ha.

We entered the room, and until now, wala parin yung prof namin. Bad trip. Sana pala nag stay muna ako sa library at natulog. Umupo ako sa lugar ko, pag kaupong pagkaupo ko, tumingin sila sa akin at nakangisi sila, aside from Grey.

I know kung bakit siya hindi ngumingiti. Back then, he warned me and told me to stay away from Blue. Like duh, why whould I do that? Blue is nice and wala naman siyang ginagawang mali sa akin at sakanila? Grey and his overprotective side.

I rolled my eyes. Leche. Bakit ba sobrang nakakainis ang mga tao ngayon?

"Ano bang problema niyo ha?!" Natahimik ang iba pang mga tao sa room at nag tinginan banda sa amin. Tiningnan ko sila ng masama kaya umiwas sila ng tingin, "Don't meddle!" I shouted.

Umiling lang naman ang mga kaibigan ko pero nakangiti parin.

"What the f-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi biglang tumayo si Grey at tiningnan lang ako for a while at umalis na rin.

"Hala ka Red!" Sabay sabay nilang sabi.

Umupo ako ng maayos at sumimangot. "Ano bang problema non? Wala naman akong ginagawa sakanya ah!"

"Baka kasi nagseselos kasi sabay kayo ni Blue na pumasok." Napatingin ako kay Natalia. "Alam mo ba, nung hindi ka sumunod samin at sabi mong mauna na kami, sumama siya samin dito, pero ilang minuto lang umalis din siya. Hahanapin ka daw niya. Did you saw him?"

Ginagago ba nila ako? Ni hindi ko nga nakita anino ni Grey eh.

"Are you serious?!" I said while looking at them.

"Mukha ba kaming nagbibiro?!" They said in unison.

So ano, kelangan sabay sabay? And ano naman problema nung gunggong na yun! Bahala sya, wala naman akong ginagawang mali!

--

GREY'S POV

Aayain ko na sana si Red na pumuntang canteen kasi wala pa naman yung prof, kaso nakita ko yung bwisit na lalaking umaaligid nanaman kay Red! Don't get me wrong, hindi ko gusto si Red. Ayoko lang talagang may asungot katulad nung Blue na yan na umaaligid kay Red. Buti sana kung close na close sila. Oo, close naman daw sila pero di katulad namin na super.

Yeah. Di ako nagseselos.

Okay wait, I'm not jealous, why should I? Nagtago ako sa may benches nung nakita kong paakyat sila sa stairs. Teka, bakit ba ako nag tago?! Bwisit. Wala talaga akong tiwala sa asul na yon...

Uunahan ko na sila bago pa nila malaman na sinundan ko sila. I tsked. Makabalik na nga lang sa classroom.

"Hey, where have you been? Did you saw Red?" Ally asked.

Babae talaga na to. Masyadong mahal si Red.

"Nope." I said while browsing my phone.

"Oh yeah? Little did I know, nakita mo lang nyan siya. Pero may kasamang la-" Pinutol ko pagsasalita ni Mint nang padabog kong nilapag phone ko. He stopped talking and mouthed 'Surrender!' Good. I continued using my phone, habang sila ay nag kkwentuhan.

Nakakainis, ang tagal masyado ng dalawang yon ah. Gumagawa na ba sila ng violet?

Ilang minuto lang ang lumipas at biglang bumukas ang pinto. Nanahimik naman yung mga kaklase ko dahil akala nila si Sir Allivarez na yung pumasok, pero bigla nalang ulit nag ingay ng ma-realized nilang hindi naman pala yung prof namin ang pumasok.

Sina Red at Blue lang pala. Buti naman wala pang violet na kasama.

Napasimangot ako. Tumatawa pa silang dalawa habang pumapasok at tuwang tuwa naman si Red. Wala akong pake, dapat ba may pakielam ako?

Nag usap usap parin sila at tumabi naman sakin si Red. Hindi niya ako tiningnan ni isang beses kaya hindi ko siya pinapansin. Busy ako. Eto namang mga ulol kong kaibigan, parang iniinis si Red dahil tumatawa. Para silang timang, kaya naman nainis na si Red at sumigaw.

Too noisy for me.

"Damn," I whispered and stood up. Nakakainis lang ang mga tao dito kaya pupunta nalang ako sa music room. Buti pa don, hindi ka maiinis sa mga taong nakapaligid sayo.

Autumn Red with The GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon