Grey's POV
Tatlong buwan na rin simula ng umalis si Red. Tatlong buwan na rin noong nangyari yung kinatatakutan namin, ang malaman niya na buhay talaga si Exodus. Wala siyang kino-contact sa aming lahat kahit pa yung parents niya. Siguro nag palit nadin siya ng number kasi sa tuwing tinatawagan namin cannot be reach ang sinasabi.
Hindi na rin siya pinahabol ni Tita sa amin, naiintindihan naman daw niya yung ginawa ni Red. Alam din daw nyang hindi gagawa ng hindi maganda si Red dahil matalino ito, which I agree. Alam kong magpapakalayo lang si Red para makapag isip.
"What's up, Grey?" Napaangat ako ng ulo at bumungad sa akin si Blue. "Nakita na ba siya?"
Umiling ako. Tinuring na naming kaibigan si Blue tutal close naman sila ni Red at nakasama din namin siya noong palihim naming hinahanap si Red. Masasabi kong mabuting kaibigan si Blue dahil pinapakita niya kung gaano din kahalaga sakanya si Red.
"Saan kaya nag sususuot yung babaeng yon." Inabutan niya ako ng coke in can at tinaggap ko naman iyon. "Wala ba kayong alam na pwede nyang takbuhan?"
"Kahit kailan talaga di mo ginagamit utak mo no? Edi sana dati pa natin pinuntahan." Pambabara ko sakanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at ginantihan ko lang siya ng isang ngisi. "'Nga pala, mag babakasyon kami sa South Korea. Sama ka ba?"
"Talagang mag babakasyon kayo kahit wala si Red?" Takang tanong niya at sinagot ko siya ng tango. "Ibang klase..."
"For sure naman maayos lagay non, si Red pa." Si Exodus na yung sumagot para sa akin at umupo sa tabi ni Blue. "Kaya sumama ka na."
Naaalala na rin pala ni Exodus si Red. Two months ago habang tinutulungan niya kami sa pag hahanap kay Red, bigla nalang sumakit yung ulo niya at nahimatay siya. Pag gising niya, ayun, kilala na niya si Red.
"Fine, basta sagot nyo ako."
Sinimangutan ko siya at binatukan siya ng pabiro ni Exodus. "Ang yaman yaman mo tapos sasagutin ka namin? Aba't nahiya kami sayo ah."
"Inaya-aya niyo ako tapos 'di niyo pala ako ililibre." Umarte siyang parang babae na ikinatawa namin. "Kailan ba alis natin?"
Nag tinginan kami ni Exodus at nginisian niya ito. "Two days from now."
"Ano?!" Napatayo si Blue sa pag kakaupo niya. "Malapit na kayong umalis tapos hindi nyo man lang sinabi sa akin? Pambihira! Inimbitahan nyo pa ako ah!"
Bigla namang dumating yung mga girls at sinaluhan kami.
"Bakit sumisigaw 'to?" Turo ni Natalia kay Blue.
"Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung malalaman mong may bakasyon kayo tapos hindi pa ako nakakabili ng ticket o ano?!"
Nagtawanan kami na ikinasimangot niya. Tumingin sakin si Trish at kinindatan niya ako. Nilabas niya yung ticket na binili namin para kay Blue.
"Look." Napatingin si Blue sa hawak ni Trish at napanganga. "H'wag ka ng mag sisisigaw kung ayaw mong bugbugin kita."
"Ayun naman pala eh! May ticket na pala ako 'di nyo sinasabi!"
Binaba ni Trish yung ticket sa kamay niya at kinwelyuhan si Blue. "Sabi ng h'wag ka ng sumigaw eh!"
Tinaas naman ni Blue yung dalawang kamay niya at bumulong ng, "Surrender." Naikinatawa naming lahat.
Sa gitna ng tawanan namin at pag uusap napatigil ako at nabuntong hininga. Mas sasaya siguro kung nandito ka, Red.
****
Unknown's POV
Kaagad kong kinuha yung phone ko para tawagan at makausap siya. Nakakadalawang ring palang pero kaagad niya ng sinagot.
[Yeah?]
"Guess what?"
[What?]
"Guess nga eh!"
Narinig ko siyang bumuntong hininga na parang nauubusan ng pasensya. [Hindi ako magaling mang hula, kaya ano na?]
Napailing nalang ako. Nai-imagine ko kasi yung mukha niyang naiinis. "Papunta sila diyan."
[Sila? Sinong sila?] Bakas sa boses niya yung pag tataka. Hindi ako sumagot at katahimikan lang yung bumalot sa pag uusap namin hanggang sa magsalita siya. [Don't tell m-me....]
Tumango tango ako, "Uh-huh, tama ka ng naiisip."
[What the hell. Anong gagawin nila dito?!]
"Vacation?" Alam kong naiinis na siya ngayon. "Anong balak mo?"
[Wala. Ano bang dapat gawin ko?] Paniguradong nakataas na yung kilay niya ngayon. Ang taray talaga kahit kailan. [Miss Fall, your shoot will start within two minutes.] Rinig kong sabi sa kabilang linya.
"Busy ka ba?"
[Yep, I'm in a shoot for a magazine.] Narinig kong may kumaluskos. [Will talk to you later, mkay? Take care, miss you.]
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit papaano, hindi parin siya nag babago. "Ingat ka din diyan, I miss you too."
Binaba niya na yung tawag dahil narinig kong tinatawag na siya. Napabuntong hininga ako at napangiti sa kawalan.
"See you very soon... Fall."
BINABASA MO ANG
Autumn Red with The Gang
HumorAutumn Red Montegralle is a college student. Not the typical one. She's rich, hot, pretty, powerful and strong. She has friends that are really great. Guess what they are. And you'll loose your mind.
