Chapter 12

526 9 3
                                    

Red's POV

For the past two months until now, hindi ako makausap ng maayos. Ayokong magsalita, feeling ko lahat ng sasabihin ko makakasakit o hindi maganda.

I choose not to talk.

Two months na since kinuha siya sakin, samin. It's not easy to move on, lalo na kung alam mong dapat andyan lang siya lagi. Hindi madali, lalo na sa kaso ko.

"Umiiyak ka nanaman," Pinahid ni Tita yung luha na umagos sa mga mata ko.

I still can't believe it. Nagawa akong patawarin ng mga magulang niya, and I think hindi ko deserve yun. Mas gusto ko ng galit sila sa akin, kesa naman sa tinatrato nila akong ganito. Masyadong mabait, nanlulumo lang ako sa sarili ko.

Tiningnan ko si Tita, "Red, learn to move on." Umiling ako, "Red, please. Para saamin nalang ng Tito mo, move on. Alam kong ayaw din nyang makikita kang ganyan. So please, move on."

Tinitigan ko si Tita, I saw pain in her eyes. Am I ready to move on? No, I'm not and I will never be. Hinawakan ko yung pisngi ni Tita and I shook my head. I want to say sorry, but I'm afraid to speak, again. Ayoko ng magsalita, lahat nalang napapahamak dahil sakin.

She held my hand, "Please, Red." Nag simula na siyang umiyak, "Please, I'm begging you... Please..."

Tumingin ako sa malayo at tahimik na umiyak. Bakit ba kasi naging ganito? Bakit kung kailan akala naming okay na ang lahat, saka mag kakaganito? Should I end my life? Para wala naring napapahamak.

Biglang pumasok sina Mint, Grey at Trench. Biglang tumakbo si Grey kay Tita at tinayo sya.

"Tita, are you okay?" Nakita ko yung pag aalala ni Grey sa Mama ni Dos.

Tumango si Tita and she cupped my cheeks, "Please, anak." She kissed my forehead, "We all love you, Red." She said before leaving the room.

Nakatingin lang sila sakin, at sabay silang bumuntong hininga. Umupo sa tabi ko si Trench at hinawakan yung kamay ko. Si Mint naman, kumuha siya ng mga fruits at aayusin daw niya yun para may makain ako. Si Grey? Nakaupo lang sa couch at nanunuod ng TV.

Pinisil ng marahan ni Trench yung kamay ko, "We love you." Malambing nyang sabi, "We all love you."

Tiningnan ko siya at nakita ko yung sincerity sa mga mata niya. At ayun yung gusto kong makita sa iba pang dumadalaw dito saakin. Iilang tao palang na bumisita sakin yung nakakita ako ng sincerity sa mga mata nila.

Si Trench. Si Tita at Tito. Si Mommy. Si Blue. Si Mint. Si Trish. Si Ally. Si Natalie. Ang buong angkan. Ang pili sa mga classmates ko. Si Miss L. Si Manang Cel.

Isa nalang naman yung hinihintay ko eh. Siya nalang. Siya nalang pero hindi ko parin makita sa mga mata nya. Does he hate me? Maybe.

Si Grey.

Bakit? Gusto ko siyang tanungin kung bakit sa mga panahong dumadalaw siya sakin, hindi niya ako tinitingnan sa mga mata ko. Bakit hindi siya makatagal na magkatabi kami. Ganon na ba siya kung mandiri o manlumo sakin? Bakit imbis na siya yung mag asikaso sa akin, umuupo lang siya sa couch at nanunuod ng TV? Napipilitan lang ba siya sakin? Kung napipilitan siya, bakit pa siya sumasama dito? Bakit?

Bakit nasasaktan ako ng ganito?

Nagsimulang tumulo ang luha ko at kaagad naman napansin yun ni Trench, "Bakit ka umiiyak, Red?" Tanong niyang habang pilit na tinataas yung ulo ko.

Umiling iling ako, this is too much. Ayoko nalang mabuhay kung ganito rin naman pala.

"What the fuck, Red!" Mint exclaimed, nilayo nya yung kamay ko sa pulsuhan ko, "Ano bang ginagawa mo?!"

Autumn Red with The GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon