Chapter 26

284 8 3
                                    

Red's POV

When I was young, my Dad usually tell me that I am his one and only princess. And Mom is his one and only queen. I grew up idolizing my Dad for being brave and being a good father for me, and a good husband for his wife—my Mom. I learned everything through him and he would always teach me how to be a tough girl.

"No man can save you. It's only you, who can save yourself." 

I grew up living with that mantra. I never expected guys to watch over me and take good care of me. Tinatak ko sa utak ko na, sarili ko lang ang kailangan ko. I don't need a man to be my prince charming, my knight in shining armor. I'm a strong woman who can face any challenges in her life alone.

But goddammit, I was wrong.

I cannot face these challenges that life pulled off, alone.

Hindi ako lumaki sa hirap, lumaki ako na may marangyang buhay. Lahat ng bagay na pwedeng gawin ng iba para sakin, ginagawa nila ito. Walang nag train sa akin kung paano harapin ang problema, once I stepped outside my comfort zone. Once I stepped into the real world. I am a spoiled daughter. Lahat ng atensyon ng pamilya namin ay nasa akin, kaya naman, hindi ko naranasan ang mag hirap. Ultimo lamok, ni hindi papayagang makalapit sa akin.

Pero ang pag hihirap, oo naranasan ko. Kung kailan malaki na ako. Kung kailan nasanay na akong walang dumadaloy na problema sa buhay ko.

"Namamaga ang mata mo, Red. Anong nangyari?"

Napatingin ako sa mga mata ni Exodus, sa lahat ng pinsan ko, siya lang ang pinag kakatiwalaan ko pag dating sa mga sikreto. "Dos, I need to tell you something. Sana saatin lang ito."

Sumeryoso ang mukha nito, "I will never break your trust. So what is it?"

"Alam mo ba? Alam mo bang may iba pang anak si Dad?"

"Bakit? May kapatid kaba na naiwan sa Europe?"

Napabuntong hininga ako, "No, what I'm saying is that... may iba pang pamilya si Dad bukod sa amin ni mommy."

"What?!" Halos lumuwa na ang mata niya sa may kasingkitan niyang mata. Kung normal lang ang pinag uusapan namin, panigurado matutuwa ako. Pero hindi eh. Sobrang bigat. "A-are you being serious?"

Napabuntong hininga ako at napatayo sa kinauupuan ko. "So hindi mo din pala alam. That's good. At least, hindi lang ako ang pinag mukhang tanga." Hindi ko alam kung ano ang expression ng mukha ko pero napaatras si Dos. "I have this big favor to ask."

"Red... are you planning to—"

"No, don't harm her." Nawala ang tensyon sa mukha ni Dos at inabot niya ang kamay ko. "Court her."

"Ano? Red, that ain't easy!" Binitawan niya ang kaliwang kamay ko at pimasadahan ang mahaba niyang buhok. "Tapos ano? Once she fell in love with me, you'll ask me to leave her? And watch her suffer in pain?"

"Did I told you to do that?" Sumimangot ako. Bakit parang ang OA niya? "Gusto ko lang maka-close mo siya para malaman ko yung family back ground niya."

"Ask your investigators."

"Malihim ang pamilya ni Elisa."

"Mag hire ka ng investigators galing sa ibang bansa."

"Mag tataka si D-Dad..."

Napabuntong hininga si Dos at tiningnan ako, "Is that even necessary?"

Dahan dahan akong tumango, "For the sake of finding my true identity. I don't want any lies, I want the truth."

"Red, bakit hindi ikaw mismo ang kumausap sakanya?" Tanong niya na ikinatahimik ko.

I asked myself with that question before talking to Dos. Bakit hindi ako? Kasi... mas masakit ata kung maririnig ko mismo mula sakanya ang katotohanan. Para kasing walang filter, diretcho sa tenga tapos sa utak at babaon sa puso. Mas masakit.

"I'll do that once I'm ready."

Exodus sighed, "Alright. I'll do it, insan."

Autumn Red with The GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon