Red's POV
"Baby girl, handa ka na ba?"
Tumango ako kay Mommy, pero biglang napalitan yung ngiti nya ng parang gulat.
Lumapit ako sakanya, "Why, Mom?"
She sighed, "Akala ko hindi ka nanaman nagsasalita."
"Mom..." I breathe.
It's been two days simula ng magsalita na ako ulit.
Flashback
"Trench...." I called.
Bigla siyang humiwalay sa yakap, at kitang kita ko yung gulat sa mukha niya.
"D-Did..... Did y-you j-just called me? My... My name?"
I nodded at hugged him again, "Trench... Trench..."
Naramdaman kong mas hinigpitan niya yung yakap sakin. Tumingin ako kay Mommy, at nakita kong umiiyak siya, siguro sa saya. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Si Mint nakita kong nagpunas ng luha, si Ally at Natalia nagyayakapan at humahagulgol sila, si Trish, ngumiti sakin at mag thumbs up sabay punas ng luha niya. Si Grey? Tumingin siga saglit tapos nanuod nanaman siya ng tv.
He sucks. Bigtime.
Hindi ko nalang siya pinansin at bigla din namang lumapit yung gang pwera sa kanya at nag group hug kami.
"Tita! Grey! Sama kayo!" Excited na sabi ni Ally at lumapit si Mommy.
Pagkatapos naming mag group hug na wala si Grey, tinawagan ni Mommy yung doctors para macheck up ako for the last time. Madaming tests na pinerform sakin. Pero ayos lang, alam kong mas makabubuti sakin yun. Bago ako tuluyang pauuwiin sa bahay, kinausap muna ako ng doctor namin, si Doctor Dy.
"Kamusta na Red?" He smiled.
Tumango ako, "I guess, I'm fine."
"It's good to hear your voice again."
Tumingin sakin si Mommy at ngumiti, "Doctor Dy, can I ask you something?" Doctor Dy nodded, "Is there any possibilities na one day mangyari ulit 'to?"
"Malaki ang chance na she'll choose not to speak again..." Hinawakan ko yung kamay ni Mommy, "Lalo na kung masasaktan siya ulit ng taong mahalaga sakanya. Pero, I know she can overcome that. Alam kong makakaya niyang labanan yun, lalo na't madami kayong sumusuporta sakanya."
Tiningnan ko si Mommy, "Mom... Lalabanan ko." Ngumiti ako.
Doctor Dy nodded, "Mahalagang lagi niya ring kasama yung mga barkada niya. Lalo na si Trench? That Trench can help her. Bigtime."
Nag kwentuhan pa sina Mommy at Doc tungkol sakin. Pagkatapos nun nagpaalam na kami para makapag ayos. Tinawagan ni Mommy yung mga kaibigan ko pati narin yung mga Aunti at Uncle ko para sabihing uuwi na kami.
Finally, uuwi na ako.
End of flashback
"Mommy ah," Tawag ko sakanya nung makapasok na kami sa van.
"Yes baby?"
"Hindi ka nag pahanda ng kung ano diba? Kasi ayoko nun."
Ngumiti lang sya sakin at hinalikan yung noo ko.
"Mommy naman eh!" Parang bata kong tawag sakanya.
"Manang Cel," Tawag niya, "Nagpaluto ba ako? Hindi naman diba?"
Tumingin sakin si Manang, "Hindi talaga sya nagpaluto, Red."
Hindi nalang ako sumagot at sumandal nalang ako kay Mommy. Ilang minuto lang, nakauwi na rin kami.
Inalalayan ako ni Manang Cel na bumaba sa van, "Manang naman kasi, kaya ko naman pong maglakad. Hindi po ako nacomatose!"
Tiningnan akong masama ni Yaya Cel pero ngumiti nalang ako. Si Mommy naman kasi may aasikasuhin daw. Bahala nga sya, matutulog nalang ako maghapon sa kwarto.
Binuksan na ni Yaya Cel yung main door, "Hay salamat!" Masaya kong sigaw, "Akala ko talaga nagpaparty pa si Mommy."
"Sabi ko naman sayo, ineng." Ngumiti ako kay Yaya Cel, "Osya, umakyat ka na sa kwarto mo ng mapahinga ka."
Tumango ako, "Sige po, akyat na po ako."
Naglakad ako paakyat papunta sa kwarto ko. Malas, minsan pala mahirap ding nakahiga lagi hindi na ako sanay maglakad ng ganito. Papasok na sana ako ng kwarto ko nung may mapansin akong envelope na nasa tapat ng pinto ko. Pinulot ko yung envelope at pinihit ko yung doorknob papasok ng kwarto ko.
"Welcome home, Red!" Biglang may pumutok na confetti at napatingin ako sakanila.
"Mommy?! Gang?! Miss L?!"
Lumapit sakin si Ally, "Welcome home babe! Namiss na kita!" Sabi niya at niyakap ako.
Lumapit din sina Trish at Natalia, "Welcome home, Red!" Sabay nilang sabi at niyakap din ako.
"Thank you, girls!" Sabi ko at pinipigilan yung iyak ko.
Humiwalay sila ng yakap at lumapit sakin sina Miss L at Mint, "Welcome home, baby girl." Sabi sakin ni Minton at niyakap ako.
Ngumiti sakin si Miss L, "It's good that you're back. Welcome home."
Humiwalay ako sa yakap ni Minton at niyakap ko si Miss L, para na rin kasi syang Ate sakin, "Thank you, Ate."
Lumapit sakin si Grey at ginulo nya buhok ko, "Welcome home."
Nginitian ko sya, "Thanks."
Sila lang? Nasan si...
"Uy, Red!" Tawag sakin ni Natalia kaya napatingin ako sakanya, "Hindi daw makakapunta si Trench, busy daw kasi sya."
"Ganun ba?" Tumango nalang ako at ngumiti.
Biglang pumalakpak si Mommy, "Tara na sa baba, kumain na tayo. Nagpahanda ako para sa atin."
Nauna na silang bumaba at nakatayo parin ako sa may pintuan ko. Sabi ko rin mag papalit muna ako ng damit kaya mauna na sila. Pero sa totoo lang, nawalan ako ng gana kaya hindi ako bumaba. Akala ko pa naman siya ang una kong makikita dito.
"Hay, life." I whispered.
Maglalakad na sana ako papunta sa kama ko ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko, hindi ako kaagad nakagalaw.
"Welcome home, princess." Bulong nya sakin.
Humarap ako kaagad sakanya at niyakap sya, "Trench...." Hindi ko na rin napigilan yung sarili kong maiyak.
Hinaplos niya yung buhok ko, "Are you crying?" Umiling ako, "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya at humiwalay siya sa yakap para makita yung mukha ko.
"I-Ikaw kasi eh..." Bulong ko sakanya.
Ngumiti siya sakin at pinunasan yung luha ko, "Nandito na ako, kaya wag ka ng umiyak."
Tumango ako, "Basta hindi ka aalis."
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, "Hindi ako aalis."
Nagtinginan kami at hinalikan niya yung noo ko, at niyakap ako ulit.
Finally, I'm home.
BINABASA MO ANG
Autumn Red with The Gang
HumorAutumn Red Montegralle is a college student. Not the typical one. She's rich, hot, pretty, powerful and strong. She has friends that are really great. Guess what they are. And you'll loose your mind.
