Chapter 29

296 4 3
                                    

Exodus'

"Hey, Elisa."

"Kumain kana?"

"Hello, Elisa! Have a good day!"

"Elisa, flowers for you!"

"Eli—"

Natigil ako sa pag sasalita nang bigla niyang bitiwan yung kutsara niya at tumayo. "Will you stop bothering me? I'm trying to eat my lunch here in awe and here you are, talking nonsense."

Hindi ako kaagad nakasagot at napakurap ng ilang beses. Kaugali nga niya, masungit. Imbis na sagutin siya ay pinilit ko siyang umupo at nginitian ko siya. Nakatingin lamang siya ng masama sa akin kaya naman mas nilakihan ko ang ngiti ko sakanya.

"Alam kong gwapo ako, pero baka matunaw ako niyan." I joked.

"Sana nga matunaw ka na para wala nang iistorbo sakin."

"Ang sakit mo naman mag salita!" Napahawak ako sa dibdib ko at umarteng nasasaktan. Humalukipkip lamang siya at sinimangutan ako. Napaupo tuloy ako ng maayos, "Wala ka man lang gagawin?"

"Wala," Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ng masama, "Ano? Feeling mo I'll comfort you?"

I leaned forward and smiled, "Alam mo, ang cute mo mag sungit." Which is true.

Nagulat ako nang bigla rin siyang lumapit sakin. Sa sobrang lapit ng mukha niya sakin konti nalang ay mag didikit na ang tungki ilong namin. Aatras na sana ako nang bigla siyang mag salita.

"Alam mo, cute ka sana eh, kaso naging pangit ka. Sad life, isn't it?"

Pucha. Ano bang nasa dugo ng Montegralle at ang susungit? Mabuti nalang hindi ko pinsan 'to. Okay ng si Red ang nag iisa kong pinsan na masungit. Hindi ko siya sinagot at napailing nalang ako. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Shit ka, Exodus, alalahanin mo may Ally ka. Pero dahil sa makulit ang sarili ko, imbis na lumayo ay mas lalo kong nilapit ang mukha ko sakanya. Aatras sana siya ng hawakan ko ang braso niya.

"Akala mo, makakawala ka na sakin, Miss Acedo?"

"Let. Me. Go."

"Kiss muna."

"Alam mo, bastos ka ah—!"

I smirked, "How'd you know? You don't know the real me, baby."

Saglit siyang natahimik. Nagulat nalang ako ng mabilisan niyang inalis ang pag kakahawak ko sa braso niya at padabog na kinuha ang bag niya sa upuan.

"Ang kapal ng mukha mo, Grande!"

"Gwapo naman." I retorted.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa library. Nakakainis, bakit ba laging library ang takbuhan ng mga tao?

"What the... Nandito ka parin?!" Mag kasalubong ang mga kilay niya ng tingnan ko siya. Tumango lamang ako at hinagod ang kilay niya para mawala ang pagkadikit nito. "Who gave you the permission to touch me?"

Napaawang ang bibig ko, "Kailangan ba ng permiso hawakan ka?"

She rolled her eyes, "Of course, I'm an art, Grande."

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Natigil lang ako sa pag tawa ng suwayin ako ng librarian. Oo nga pala, nasa library kami.

"Marunong ka pala mag patawa." Inirapan nanaman niya ako at tinuloy nalang ang pag babasa ng makapal na libro sa isang subject niya.

Hindi ko tuloy maiwasang pag masdan siya. Now that I was given a chance to examine her face, I can say that kinda she resemble Red in some ways. Parehas silang nakaka-intimidate. Parehas silang may bilugang mata at maliit at mapupulang labi. They got it from the Montegralle's. Pero mas maputi si Red kaysa sa kanya, siguro dahil namana naman ni Red ang kaputian sa side namin.

"Staring is rude."

Ilang beses akong napakurap dahil sa gulat. "I-I'm sorry..." I cleared my throat. Nakakahiya.

"It's okay," Sinara niya ang librong binabasa niya at tiningnan ako. "Why are you doing this?"

"Do what?"

"This." Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin. Huminga siya ng malalim bago mag salita. "Pinag pupustahan niyo ba ako? Magkano ang pusta niyo sakin? Or maybe, I did something wrong and you want to avenge your self?"

Natawa ako sa huli niyang sinabi. I held her hand to stop her from talking. "Easy... easy. I'm not like that, okay? Hindi ko gawaing mag laro katulad ng ibang lalaki."

"So why are you doing this?"

"Kailangan ba lahat ng ginagawa ko may rason? Hindi ba pwedeng I like you, lang?" Napasimangot nanaman siya. Napatingin ako sa kamay naming dalawa, sunod sakanya na nakatingin din pala sa kamay namin. "If I like you... I like you."

She sighed, closing her eyes.

"Elisa...?"

Dumilat siya at tiningnan ako ng mabuti. "Exodus Grande, I'll mark your words."

I tried to smile, trying to maintain my composure. I'm sorry, Ally...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Autumn Red with The GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon